Kung isa ka sa nagpa-planong bilhin yung phone na’to, mas maganda kung mabasa mo muna ‘tong article na’to kase sasabihin ko sa inyo lahat ng na-experience ko sa phone na’to kasama na diyan yung mga pros and cons para alam niyo lahat! Bago tayo mag-start pag-usapan muna ulit natin yung presyo nitong Camon 19 pro, kung Mondrian edition na may color-changing effect yung balak mong bilhin ang presyo niya ay 14,290 pesos, pero kung trip mo naman yung Polar Blue or Eco Black, 13,490 pesos lang.
UNBOXING
Ito yung actual na box ng Tecno Camon 19 Pro (Mondrian Edition), sa totoo lang yung hitsura niya papasa ding Gundam Edition dahil sa Blue, Red, Yellow and White color combination. Anyway ang ganda ng box, at dahil special edition itong Mondrian edition, maganda din i-display sa kwarto natin.
Pagbukas ng box makikita natin yung Camon 19 pro na nakabalot pa sa plastic, ang ganda ng pagka-white sobrang simple lang, at gusto ko na yung ganito lang kahit hindi pa s’ya nagbabago ng kulay.
Ito yung mga kasama niya sa box:
- Documentations
- Jellycase
- 33W Charging Brick
- Charging Cable
- Wired Earphones
- SIM Ejector Pin
DESIGN
Alam na natin yung tungkol sa design nitong Tecno Camon 19 Pro (Mondrian Edition) na kapag natamaan siya ng sinag ng araw, agad-agad magbabago siya ng kulay. Maliban sa color-changing effect ng mondrian edition, kung sakali na hindi ito yung pipiliin nating kulay, may iba pang maganda sa design niya.
Ang isa pa sa good news, meron itong headphone jack, pero medyo nakaka bother lang yung placement kase gaya ng makikita mo sa picture, sagad na sagad na hindi man lang nilagay sa gitna. At meron din itong malakas na single speaker, pero medyo nakaka-disappoint din kase para sa presyo mas maganda sana kung stereo speakers nalang yung ginawa nila pero dito isa lang talaga, okay naman yung tunog pero makukulangan ka nga lang sa pagiging immersive lalo na kapag nag ga-games ka.
Okay naman yung bilis ng kanyang fingerprint scanner, kase isang dampi na u-unlock naman siya agad-agad, bihira lang siya sumablay, medyo mabagal yung animation pero maa-adjust naman natin yan sa settings.
SCREEN DISPLAY
SCREEN | 6.8-inch FHD+ IPS LCD Display (1080 x 2460 Pixels, 395 ppi) 120Hz Refresh Rate, 479 nits max and punch-hole |
Itinuturing ‘to ng Tecno na isa sa may pinaka-manipis na bezel sa lahat ng mga phones ngayon, obvious naman dahil manipis talaga yung taas pati yung gilid, pero yung bottom chin medyo makapal parin at di naman ako masyadong nagtaka diyan dahil hindi naman ‘to premium midrange or flagship phone.
At nakakatuwa naman kase itong Tecno Camon 19 Pro ay level 1 yung kanyang Widevine security, so talagang makakapag-play tayo ng mga HD contents sa mga streaming services tulad ng Netflix.
DISPLAY CONS
Pero ang isa sa hindi ko nagustuhan dito sa display ng Tecno Camon 19 Pro ay yung behavior ng kaniyang refresh rate kase kahit pa naka-auto switch yung setting natin sa refresh rate, hindi siya bumaba sa 60Hz, mag do-down scale lang siya kapag may specific na application na hindi supported ng 120Hz. Halimbawa kapag nagpunta tayo sa playstore o kaya kapag nagbrowse ng website, bumababa siya agad-agad to 60Hz, pero pag bumalik tayo sa Home babalik ulit siya sa 120Hz. medyo maaksaya siya sa mismong UI, kaya yun lang yung kailangan nating tandaan dito, may mga ilang instances na talagang maaksaya siya sa battery.
Ang isa pa sa hindi ko nagustuhan dito sa display ng Tecno Camon 19 Pro ay medyo malala parin yung ghosting niya kahit naka-set na siya sa 120Hz, lalo na kapag nagbo-browse tayo sa mga website, may makikita talaga tayong obvious na ghosting at dahil siguro yan sa kanyang touch response rate.
PERFORMANCE
OS | Android 12 with HiOS 8.6 |
CHIPSET | MediaTek Helio G96 (12 nm) |
STORAGE | 8/128GB |
Meron din itong MemFusion o Virtual RAM na up to 5GB, pero para sakin i-turn off ko nalang kase hindi pa ko masyadong satisfied sa performance kapag naka-on yung MemFusion sa Tecno at mga Infinix phones.
BENCHMARKS
Sa AnTuTu benchmark naman nakakuha siya ng 340,180 na score kapag naka-set sa 120Hz na refresh rate, pero kapag nilagay natin sa 60Hz, tumaas siya ng kaunti 342,445.
Nagtest din ako sa Wild Life Stress Test, alam naman natin na yung Helio G96 ay medyo aggressive talaga na chipset, pero after nang 20 minutes na mabigat na test 4% lang yung nabawas sa kanyang battery at 5°C lang yung nadagdag sa temperature, not bad! Pero dahil umabot siya ng 37°C, hinay-hinay parin sa paggamit sa phone na’to.
ACTUAL GAMING
Pagdating sa gaming, hindi ako masyadong na-bilib sa graphics na na-generate niya sa Asphalt 9, although wala namang malala na frame drops, nakaya naman niya pero hindi nakapag-generate ng magandang graphics. Pagdating naman dito sa Real Racing 3, hindi supported yung high refresh rate gaming, kaya makikita dyan sa picture na naka-60Hz lang siya, so 60FPS lang yung pinaka sagad na mage-generate niya sa game na’to. Pero nakakatuwa naman kase dito sa Rush Rally 3, kahit pa sagad-sagad yung graphics settings natin nakakapag-generate siya ng more than 30FPS.
BATTERY PERFORMANCE
Pagdating sa battery, 5000mAh yung capacity niya na capable sa 33w na fast charging. Sa SOT (Screen On Time), kapag naka-auto switch yung kanyang refresh rate, umabot ng 15 hours and 57 minutes, halos 16 hours na yung kanyang SOT, so impressive naman yung kanyang battery performance. kapag naka-set naman sa 60Hz, medyo bumaba yung SOT na nakuha natin kase naging 15 hours and 14 minutes nalang, kaya mas maganda talaga na naka-set lang siya sa auto switch. Sinubukan ko rin ito sa 120Hz, at nakakuha lang ito ng 12 hours and 40 minutes na SOT, ang laki ng binaba niya, almost 13 hours lang. Pagdating naman sa charging, 17-100% = 1 hour and 2 minutes yung inabot. Mabilis na yan!
CAMERA
MAIN CAMERA | 64 MP, f/1.6, OIS Samsung S5KGWB 50MP, f/2.0, (2x telephoto) Samsung ISOCELL JN1 2MP, F/2.4, (depth) |
SELFIE CAMERA | 32MP, f/2.4, (selfie) Samsung S5KGD2 |
SAMPLE PHOTOS
Sobrang sharp at detailed naman, hindi soft yung mga balahibo ng pusa, basta’t maayos yung lighting natin. Kung hindi naman masyadong maliwanag, pasado parin yung quality! Nagtry din ako mag-take ng photos na bukas yung LED flash niya sa likod, hindi naman naging wash out yung photo, hindi din naging madilaw.
Sa outdoor naman, syempre maliwanag yung photos natin, pero naappreciate ko talaga yung dynamic range, kahit against the light, maliwanag parin yung building, yung puno, kaya pasado naman! Malaking bagay din yung Telephoto lens natin para malinaw parin yung 2x Zoom.
Medyo bluish lang yung timpla ng kulay ng mga photos kuha sa Telephoto compared sa Main 64MP. May mga pagkakataon din na yung 64MP photos, hindi ma-handle ng maayos yung matinding sikat ng araw, kagaya ng makikita niyo sa pictures, hindi maganda yung exposure, tapos parang na-over sharpened na yung quality at medyo maputla na talaga.
Yung video quality niya, hindi ko din masyadong nagustuhan dahil ang soft na ng quality, hindi din super stable kahit pa naka-OIS. Mararamdaman mo lang yung pagiging stable kapag nag-zoom ka. Meron namang Ultra Steady mode, pero magdo-down scale yung video resolution niya to 1080p.
Sa selfie video naman, hanggang 2K resolution, 30FPS. Pero yung 2K ay walang Ultra steady, walang stabilization. Kapag nag-switch naman tayo sa Ultra steady, naging tight yung kanyang framing pero naging 1080p na lang yung resolution.
VERDICT
Gusto ko rin i-breakdown sa inyo yung mga cons o yung mga bagay na hindi ko masyadong nagustuhan sa phone na’to, at meron din akong mga recommendations na pwede niyong i-consider bago niyo bilhin yung phone na’to.
CONS
1.) Ghosting kahit sa 120Hz |
2.) Hindi palaging bumababa sa 60Hz |
3.) Iisa yung speaker |
4.) Panget ang haptics |
5.) Mababa max brightness |
Para sa ilang mga recommendations, kung sakaling hindi naman big deal sa inyo itong Mondrian edition, mas malaki matitipid ninyo sa Normal edition ng Tecno Camon 19 Pro, kase P13,490 lang, o kaya naman POCO M4 Pro ang bilhin ninyo, P13,990 lang yung regular price, pero kung ma-tyempuhan niyo sa Lazada, P9,990 na lang. Same lang yung chipset dito sa Camon 19 Pro, pero 256GB internal storage at naka-AMOLED ka pa.
Ang isa pang recommendation ko ay Infinix ZERO X Pro, P13,399 lang, mas mababa nga lang yung chipset kase naka-Helio G95 lang pero 256GB yung internal storage, AMOLED yung display at 108MP yung Main Camera at may OIS din. Pwede niyo i-consider yung mga recommendation na yun at pati narin yung mga cons na na-mention ko tungkol sa phone na’to.
Sana nakatulong ang article na ito sa inyo! Pwede rin ninyong bisitahin ang aming YOUTUBE CHANNEL at agad na mag-subscribe para ma-update kayo sa samu’t-sari pang unboxing and reviews na aming gagawin, dito lang yan sa SULIT TECH REVIEWS!