Dapat ba tayong bumili ng second hand phone? Marami sa atin ang sasagot ng “Yes”, kasama na ako doon. Ang primary reason ay ang pagiging practical kasi mas makakatipid naman talaga tayo kung secondhand phone yung bibilhin natin. Pero maliban sa makakatipid tayo, meron pa tayong isang primary reason na kailangang tandaan para masabi natin na talagang kailangan nating bumili ng secondhand phone. Yan ang tinatawag na “E-waste” o “Electronic Waste”.
Alam niyo ba na more than 50 million metric tons and napo-produce na E-waste sa buong mundo bawat taon. Sobrang daming mga Electronic Waste nun! Syempre, ang mga electronic devices in general, dahil meron yung mga components like batteries, nagpo-produce yun ng toxins na harmful hindi lang sa nature natin kundi pati na din sa hangin na nalalanghap natin. Delikado lalo iyan sa pinag-tatambakan ng mga E-Waste. Para makatulong tayo sa pagbawas ng E-Waste, maganda na bumili tayo ng secondhand phone. Pero syempre ang kasunod na tanong ay saan ba safe na bumili ng mga secondhand devices? ‘Yan ang pag-uusapan natin.
Saan ba safe na bumili ng mga secondhand devices?
Makakabili tayo ng high quality second hand devices walang iba kundi sa compasia.com.ph. Ang CompAsia ay mayroong mission na mabawasan ang E-waste na napo-produce every year by selling pre-owned or secondhand devices. Pero hindi lang basta-basta mga secondhand devices, kundi mga high quality yet affordable devices.
Kapag tinignan niyo ang website nila, napaka-daming options at napaka-daming selections ng mga phones. Meron tayong IPhones, Samsung Phones, Tablets, Huawei, Xiaomi, Oppo, Vivo at aabot ng 50% ang matitipid natin sa presyo kapag sa compasia.com.ph tayo bumili. So very affordable talaga ang mga phones na mabibili natin sa kanila!
Tignan natin ang isang example. Halimbawa, itong IPhone 12 Mini, sa compasia.com.ph, mabibili natin yung 256GB na variant for 29,950. Kapag binili natin yan na brand new, ang presyo niya ay 47,990. So ang laki kaagad ng natipid natin.
Pwede tayong pumili ng colors, capacity, cosmetic grading, pwede tayong mamili kung excellent yung condition ng device, ibig sabihin wala talagang scratches, talagang mukhang brand new pa din. Pero meron din namang “Fair”, meron tayong mga scratches na makikita pero syempre mababawasan yung presyo.
Ang nagustuhan ko dito sa CompAsia is pwede nating i-extend yung warranty ng device na bibilhin natin sa kanila, pwedeng 6 months o 12 months. Huwag natin kakalimutan na kapag bumili tayo ng device sa CompAsia, automatic na meron na yang kasamang 1 month na warranty. Meron din silang tinatawag na Replace Plus para mapa-swap natin yung binili nating phone sa kanila anytime.
Ang sunod na question ay bakit naman safe bumili sa compasia.com.ph na mga secondhand devices? Kasi meron silang tinatawag na 32-Step Test Process dun sa device bago nila iyon ibenta sa kanilang website.
So talagang dino-double check nila lahat-lahat at ime-make sure muna nila na 100% functional yung device bago nila i-post sa kanilang website. At katulad ng sinabi ko kanina, meron pa yang kasamang 1-month warranty pagkabili natin ng kanilang device. Kung hindi pa iyan sapat sa inyo, pwede ninyong i-check yung kanilang Facebook Page, makikita ninyo na verified yung kanilang page, ang rating ay 4.5 out of 5 stars at makikita niyo sa mga reviews yung mga pictures ng mga customer nila na talagang satisfied dun sa unit na nabili nila sa compasia.com.ph.
Mode of Payments
Kapag bumili tayo sa kanila, napaka-raming payment method ang pwedeng pagpilian. Kasama na diyan yung gustong-gusto natin na Cash on Delivery (COD) nationwide. Pero available lang yung COD sa mga 20,000 or below na mga devices. Pwede rin tayong magbayad via Online Banking, Debit or Credit Card, Dragonpay, Grab Pay, GCash, Paymaya at marami pang iba.
Secondhand Phones Quality Check
Ito yung box kapag um-order tayo sa compasia.com.ph. Dahil ang ganda ng box niya, parang mag-a-unbox tayo ng bagong phone dito. Merong compasia logo sa harap ng box pati na rin sa gilid. Ang nandito sa ating device ay ang Samsung S21 Plus 5G 256GB na variant, at ito ay may excellent condition. Ang presyo nito ay 31,303. Wala akong nakitang hairline scratch, bagong-bago itong Samsung S21 Plus 5G nila, meron pang sticker sa gilid niya. Sobrang kinis guys! 100% sobrang kinis talaga kaya hindi masasayang yung pera natin. Kagaya nung sinabi ko kanina, talagang chine-check nila yung device bago nila ibenta sa kanilang website.
I-check din natin yung kaniyang display. Wala ding kahit isang scratch, sobrang kinis ng device na ‘to. Talagang maaasahan natin na kahit isang hairline scratch basta excellent condition ang pinili natin kapag bibili, wala talaga tayong makikitang mga scratches sa phone natin.
Isa sa mga concern natin kapag bibili tayo ng second hand device ay yung battery life. So tinest ko na rin guys para sa inyo. Ang nakuha natin na SOT sa Samsung S21 Plus 5G ay 12hrs and 9mins so maganda pa rin ang battery life ng phone na ‘to kahit secondhand siya. Basta sa compasia.com.ph tayo bumili, sure talaga na kahit yung battery life ay maganda.
Kapag magte-test tayo ng Samsung device, kailangan lang natin i-dial sa kaniyang phone keypad ang *#0*#. Mapupunta tayo sa Test Menu at makakagawa tayo dito ng iba’t-ibang mga test. Kapag tinest natin ang kaniyang display, wala tayong makikitang dead pixel. Wala ding problema sa kaniyang touch at vibration.
Itong Samsung S21 Plus 5G ay naka-Exynos 2100 na chipset at naka-One UI 4 o Android 12 siya. Ang nakuha niya namang score sa Antutu ay 617,199. Sisiw na sisiw lang dito sa Samsung S21 Plus 5G yung mga ganitong klaseng game, gaya ng Asphalt 9. Sobrang optimized na siya ngayong 2021 kaya wala tayong magiging problem sa kahit anong application or games na ibato natin sa phone na ‘to.
Ito naman yung mga samples ng kaniyang camera at video. Sa selfie camera, 4k 60fps yung pinaka-sagad na resolution na pwede nating i-set sa video recording. Grabe yung camera quality nitong Samsung S21 Plus 5G! Kung gagamitin natin ‘to sa mga video conferencing, sobra-sobrang quality ang makukuha natin dito. Kaya sulit na sulit siya para sa presyo niya na makukuha natin sa compasia.com.ph.
Yes, 100% perfectly working ang unit natin na Samsung S21 Plus 5G galing sa compasia.com.ph. Maaasahan natin na talagang maganda yung mga unit na mabibili natin sa kanila!
Pwede niyong i-visit ang website nila na compasia.com.ph. At kapag bibili na kayo ng phone sa kanila, pwede niyong gamitin ang Promo Code na SULITTECH500 para meron pa kayong 500 pesos na discount sa kahit anong device na bibilhin niyo sa kanila, valid until January 31, 2022 only.
Sana nakatulong ang article na ito!