Malapit na malapit ng i-release ng Samsung ang bago nilang Galaxy Flip 5 kasi talaga namang kahit saang social media platform, merong ads ang Samsung. Pero habang hinihintay natin ‘yang Flip 5, pag-usapan muna natin itong Galaxy Z Flip 4 kasi sa ngayon available pa din siya. Kung titignan natin ang website ng Samsung, magre-range ang price niya from PHP58,990 to PH62,990 depende sa capacity na pipiliin niyo. Kung sakali na naghahanap kayo ng Galaxy Flip 4 sa mas murang halaga na around 50% off, matutulungan tayo ng CompAsia kasi meron silang mga quality second hand unit kasama na ang Galaxy Flip 4.
Para sa mga hindi pa nakakaalam, merong mga 2nd hand unit ang CompAsia hindi lang mga Samsung, kundi meron din silang iPhone, Android brands, tablet at laptop. Punta lang kayo sa website nila at makikita niyo na iba ang CompAsia kasi meron silang 32-Step Quality Check na sinusnod. So, madami silang chinecheck sa mga 2nd hand units bago nila i-post sa kanilang website katulad ng screen sensitivity, camera, bluetooth, wi-fi, microphone, charging port at battery health (atleast 80%). Kaya rest assured na maganda ang makukuha nating unit sa kanila.
Sa website ng CompAsia, merong apat na colorways itong Galaxy Flip 4 at palagi itong nag-a-update kaya kung gusto niyong malaman ang availability ng mga kulay nito, check niyo itong link:
Depende din sa kulay ang magiging availability ng capacity at ng cosmetic grading. Pwede tayong mamili kung 6 months or 12 months ang Warranty at meron din tayong option kung gusto nating dagdagan ng up to 12 months Replace Plus. Basically, ang Replace Plus ay makakatulong sa atin kung sakaling gusto nating palitan ang unit within that period. At sabi ng CompAsia, o questions asked kapag gusto nating gamitin ang Replace Plus.
Ang total value ng Galaxy Z Flip 4 sa CompAsia ay PHP37,350 as of making this blog. Almost 50% ang na-cut sa original price ng Galaxy Z Flip 4! Kaya talagang malaki ang matitipid natin at meron pa tayong peace of mind sa CompAsia. Meron din silang installment options: GCash, Billease at Metrobank.
UNBOXING
Kapag dumating sa atin ang unit galing CompAsia, meron itong CompAsia na brand name sa harap ng box. Pagkabukas ng box, makikita agad ang unit na nakabalot sa safe at manipis na styro. Sa ilalim ng box, meron tayo makikitang charging cable na USB-C to USBC at Samsung Charging break.
Sa harap ng display cover, meron itong maliit na display para sa oras, date, battery status at notification. Malaking tipid ‘yan sa battery kasi hindi na natin kailangang buksan ng buksan ‘yung malaking display para tignan ang mga notification. Meron din itong dalawang camera at LED flash. Hindi lang iyan ang makikita natin sa display cover kasi meron din itong widgets kagaya ng calendar, timer at pwede pa tayong mag-add ng iba pa kung gusto natin.
Sa gilid, makikita naman ang volume up and down buttons at powerlock button na fingerprint scanner na din. Sa kabila naman, maliban sa sim tray ay wala na tayong ibang makikita. Sa ilalim naman makikita ang USB-C port, main speaker at microphone. At sa taas, meron ulit microphone. Sa harap naman ng main display makikita ang ang punch hole selfie camera.
Kapag nakakakita tayo ng ganitong phone na nafo-fold o nafi-flip, meron tayong impression na napaka-fragile niyan at madaling masira lalo na kapag nabagsak. Pero ibahin niyo itong Samsung Z Flip 4 kasi meron itong Corning Gorilla Glass Victus+ protection hindi lang sa main display kundi pati na din sa likod kaya hindi siya madaling magagasgas. Plus, ang kanyang frame ay aluminum at meron pa itong IPX8 na water resistant rating. Kung sakali man na malubog natin ito sa tubig, pwede itong tumagal ng up to 1.5m for 30 minutes kaya hindi tayo kakabahan na baka pasukan siya ng tubig. According pa sa Samsung, ‘yung hinge na nilagay dito ay mas matibay compared sa naunang mga Flip nila. Kaya i-expect natin na ‘yung Z Flip 5 na paparating ay mas matibay compared dito.
DISPLAY
‘Yung kanyang main display ay merong 6.7″ Dynamic AMOLED FHD+, 120Hz maximum refresh rate, 1200 nits peak brightness at supported na ito ng HDR10+. Sobrang ganda talaga ng quality ng kanyang display at color reproduction. Tapos, ‘yung bezel niya ay proportioned kahit saang side kaya magiging maganda ang magiging experience natin kapag manonood tayo dito ng movies o videos.
‘Yung display naman niya sa harap ay 1.9″ Super AMOLED, 260 x 512 resolution at protected ito ng Corning Gorilla Victus+
Expected na ito pero pakita ko pa din na ‘yung kanyang Widevine Security Level ay Level 1.
PERFORMANCE
Naka-One UI 5.1 na ito out of the box, Android 13 na ito, SnapDragon 8+ Gen 1 ang kanyang chipset, 8GB LPDDR5 RAM at 256GB UFS 3.1 internal storage.
Gusto ko lang din sabihin ‘yung setting ng phone na ‘to bago ko gawin ang Antutu Score at Wildlife Stress Test result:
- Refresh Rate: Adaptive
- Brightness: 50% level
Ang nakuha kong score sa Antutu ay 967,498. Not bad diba? Mataas na talaga ‘yan pero sadly, di siya umabot ng 1M. Sa Wildlife Stress test naman, ‘yung battery percentage ay nabawasan ng 10% at nadagdagan naman ang temperature ng 9°C. Hindi ito designed for gaming pero kung sakali na magpapatakbo tayo dito ng mabibigat na application o kung hindi mapigilan mag-games, keep in mind lang na medyo makakapag-produce siya ng alarming heat.
Dahil flip ito, magkakaroon tayo dito ng kakaibang experience sa multi-tasking. Open lang natin ang Recent App at mamili tayo ng 2 application na gusto nating buksan. Pwede siyang gawing portrait mode o landscape mode. Pwede nating i-curve ng kaunti kung gusto nating maiba ang angle. Pwede din natin siyang gawing laptop mode kasi pwede nating ma-activate ang touch pad.
Nasabi ko din kanina na hindi meant for gaming ang phone na ‘to pero para may idea kayo sa performance niya, lahat ng graphics sa Asphalt 9 ay na-generate at naka-60fps game play din tayo dito. Pero saglit ko pa lang na-open ang game na ‘to, meron na ako agad na-feel na heat sa may likuran. Isa sa mga primary reason kung bakit mabilis siya uminit ay napakanipis kasi ng phone na ‘to.
CAMERA
Meron itong 12MP, f1.8 main shooter, 12MP, f/2.2 ultrawide at 10MP, 10MP f/2.4 selfie camera. Isa ‘yan sa malaking advantage ng mga flip phone katulad nitong Galaxy Z Flip 4 kasi magagamit natin ang main shooter kapag gusto nating mag-take ng selfie photos at videos. Ang kailangan lang natin gawin ay ilagay siya sa laptop mode o stand mode at makikita na natin ang sarili natin sa cover display. Malaking tulong ito para sa mga gumagawa ng vlog o TikTok videos kasi meron na tayong instant na stand.
Kahit nakatupi din itong Galaxy Z Flip4, double press lang natin ang powerlock button at maa-activate na ang main camera.
Kaya din nitong makapag-record ng 4K 30fps sa kanyang cover display. Sobrang useful ng kanyang cover display kasi awkward mag-vlog sa labas kasi kayang tapan ng buong palad ‘yung buong Galaxy Z Flip 4. Pagdating sa quality, mas maganda ang quality nito compared sa kanyang selfie camera kasi nga 12MP ‘to. Hindi din siya ganun ka-alog kasi meron siyang stabilization. Hindi lang masyadong malaki ang kanyang framing, siguro kasya lang hanggang dalawang tao. Pero overall, sobrang useful niya.
Ang pinakasagad na resolution na pwede natin i-set sa kanyang selfie video ay 4K 60fps. Pagdating sa stabilization, hindi di siya maalog.
Anong masasabi niyo? Comment kayo diyan sa baba.
BATTERY
Meron itong 3700mAh battery capacity, 25W charging speed kapag wired, 15W charging speed kapag wireless at meron pa siyang 4.5W na reverse charging.
Nakakuha lang din tayo ng 9 hours and 19 minutes. Mababa ‘yun pero expected na ‘yan para sa 3700mAh na battery capacity. Kung iisipin natin, sa daily use, lagi lang siyang nakasara kaya tipid pa din sa battery kung tutuusin. Pagdating sa charging, from 12-100%, 1 hour and 13 minutes lang ang inabot.
Kagaya ng nabasa niyo kanina, isa lang itong Galaxy Z Flip 4 sa makikita niyo sa website ng CompAsia, napakadami pa nilang phones na ino-offer sa atin ng iba’t-ibang brands. Kaya kung ako sa inyo, i-visit niyo na ang kanilang website. https://bit.ly/44GNv13