Na-appreciate ko kung gaano kabilis kumilos ang Samsung kapag mago-order ka sa kanila online. Ito ang Samsung Galaxy Tab A9, as of February 2024, ang presyo nito sa Lazada ay Php8,990.00, para sa Wi-Fi version. May LTE version or pwede lagyan ng SIM card na Php10,990.00. Nasa baba ang link kung gusto mo i-check.
Unboxing
Napansin ko na kapag o-order tayo sa Lazada ay meron ng seal ‘yung parcel natin. Pag-open ng box, balot na balot ‘yung tablet ng bubble wrap. Ang liit lang ng tablet, nasa 8.7″ lang ‘yung display nito. Ang ganda ng packaging, simple lang ‘yung box at walang masyadong makikita. Ang kulay na nasa atin ngayon ay Silver, pero meron pang Black kung gusto natin. Slide lang kapag nagupit na ang seal. Unang makikita ay ang Samsung Tablet na nakabalot sa isang manipis na tela. Sa ilalim ng box may maliit na cover, kung saan nakalagay ang documentation, cable na USB-C to USB-C, at SIM ejector pin.
Ang cute at ang ganda ng tablet. Napaka-decent ng itsura kahit ang mura ng tablet na ito. Hindi sobrang laki ng tablet. Yung bezel nito medyo makapal, pantay ang forehead at chin, pantay din ‘yung dalawang gilid.
After set up, una ko napansin ang pagka-simple ng design, pero premium pa rin. Matte finish at hindi kapitin ng smudges. Kahit walang ilagay na case okay lang. Syempre bili tayo kahit simple jelly case lang para maiwasan ang dent kung mabagsak. Meron din itong single camera. Sa right side ang power lock button, volume up and down button, at microphone. Sa left side ang lalagyan ng micro-SD card. Sa taas ang secondary speaker. Sa ilalim ang main speaker, main mic, USB-C port at headphone jack. Kahit napakamura lang ay well-made talaga at ang ganda pa ng placement ng secondary speaker.
Walang pre-installed na screen protector. Pwede rin ma-customize ang wallpaper nito. Updated din ‘yung One UI. Halimbawa, nag-open tayo ng application, makikita sa baba na merong task bar. Ang mga apps na nasa dock ang lilitaw sa task bar para makapag-multitask tayo. Good news din, itong tab A9 ay compatible hindi lang sa 2.4GHz pati na rin sa 5GHz na connection. Maasahan natin magiging mabilis ang internet nito. Pagdating naman sa quality ng dual speakers ay pasado naman. Hindi Dolby Atmos level ‘yung separation nung sound, pero pwede na. Tandaan na ‘yung biometrics nito ay pin, password, face unlock at pattern. Walang fingerprint scanner dito.
Display
Specification:
Nasa pagitan ng 720p at 1080p ang display, mas mataas ito kaunti sa 720p. Pagdating sa kulay okay naman. Iyung viewing angles nito ay okay rin, hindi naman sobrang nagdi-discolor or dumidilim kapag nag ti-tilt. Pagdating sa color reproduction pwede na rin. Sa settings hindi pwede matimpla ang kulay. Pero good news, makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services kasi ‘ang Widevine Security Level ay Level 1. Full HD ang maximum playback sa Netflix. So far, nakakabilib ang tablet na ito kasi ang mura at wala pa tayong nakikita na compromise.
Performance
Specification:
Baka mababaan tayo sa 4G of RAM lalo na sa taong 2024, pero ang ganda ng pagkaka-optimize ng Samsung sa tablet na ito, kasi ang ganda ng performance boost kapag naka-on ang virtual RAM.
Ang Antutu score kapag naka-off ang Virtual RAM ay 373435, not bad na score na ‘yan at okay na okay na sa presyo. Kapag naka-on naman, ang laki ng boost sa performance, naging 379713. I recommend na i-on niyo ‘yung Virtual RAM sa Tab A9 para mas gumanda pa ang performance.
Gaming
Test natin sa Asphalt9, obviously hindi nito na-generate lahat ng graphics and expected na iyan. Smooth naman, walang frame drops o lag, pero syempre potato quality na talaga. Kung casual games ay pwede na. Try na rin natin sa NBA infinite, naka-super ‘yung resolution at i-expect natin na nasa 720p ‘yung resolution. Dama ko naman ‘yung 60fps na gameplay, walang lag at maganda yung graphics. Nakaya ng Tab A9 ‘yung ganitong game, Ayos! So far, wala pang nakaka-disappoint na feature or aspect itong tablet.
Camera
Specification:
Ang camera nito, kapag naka-landscape mode ay nasa left side ko. Iyun ang medyo downside ng tablet na ito. More on portrait mode ang paggamit talaga dito. 720p/20fps lang ‘yung pinakasagad na resolution na pwede ma-record nito. Pagdating sa video recording, ‘yung quality nito ay hindi gano’n kaganda pero para sa presyo nito ay acceptable na.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Sample Selfie camera video screenshot:
Battery
Pagdating naman sa battery consumption, pagkatapos ng Wild Life Stress Test, 4% lang ‘yung nabawas at 1-degree Celsius lang ang nadagdag. Hindi tayo magaalala na baka uminit itong Tab A9.
May 5100mAh na battery capacity ito. Nagumpisa ako ng mga 54% mula nang i-unbox ko at hangang sa na fully set up ko, bumaba ito ng hanggang mga 35%. Makakaasa naman tayo na kung fully charge ay magagamit natin ito ng whole day. Pagdating naman sa charging, isang oras ay nakapag-charge ito ng 50%. Asahan natin kung icha-charge natin ito from 0 to 100, aabutin tayo ng dalawang oras.
Verdict
Sa tingin niyo sulit ba itong Tab A9 ng Samsung? Kung ako naman ang tatanungin, siguro obvious naman mula pa kanina, ay halos wala akong nakitang bad aspect ng tablet na ito para sa presyo. Ang ganda ng pagkaka-optimize ng Samsung dito. At sa implementation ng virtual ram ay goods na goods. Tapos naka stereo speakers na rin tayo.
Highly recommended, kung gusto natin ng tablet na maganda yung quality, Samsung, naka One UI, at nakatangap din ako ng software update na isa pang advantage kapag Samsung.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada- https://invol.co/clkr8b5
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: