Price
Nabili namin itong Samsung Galaxy A55 5G for Php22,980.00 at meron din itong freebie na 25W charger.
Unboxing
Napaka-consistent ng Lazada sa box nila at assurance ito sa atin na magiging maganda na yung matatangap nating packages. Hindi ito sponsored ng Lazada pero talagang na-appreciate ko lang ang malaking changes na ginawa nila. Sa box ng Lazada ay may mga pirma pa rin, may nakalagay din na “Fragile”, at ang info sa sticker ay sobrang limited na malalaman ng hahawak kung ano ang laman.
Pag-open ng box ay naka-bubble wrap ang phone. Nasa loob ng box ang 25W na charger at ang Samsung Galaxy A55. Ang color pala na nasa atin ngayon ay ang Ice Blue na ka-color ng A35 na na-unboxing natin last time. Sa form factor ng box ay wala talagang kahit anong accessory sa loob like jelly case at charger. Maganda na samantalahin natin yung promo nila ngayon na kapag bumili tayo nito ay may kasamang charger. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
May dalawa lang tayong sticker na pupunitin at pagbukas ay makikita na natin ang phone. Meron itong documentation sleeve na may SIM ejector pin, USB-C to USB-C cable, at documentation. Sunod naman ang A55 na nakabalot pa rin sa parang papel na tela. Almost identical ang phone na ito sa Galaxy A35 at may nakaumbok pa rin na part sa volume up and down button at power lock button. Ang kapansin-pansin dito sa phone ay ang frame nito dahil aluminum ang frame nito. Mas premium talaga ang feels nitong Galaxy A55 compared sa Galaxy A35 dahil pure plastic ang A35 habang itong likod ng A55 ay naka-Corning Gorilla Glass. Malaki-laking upgrade ito pagdating sa design at form factor. Ang speaker ay hindi butas-butas kundi isang guhit lang. Makikita rin natin na mas obvious yung antenna ng phone sa baba at sa taas.
Design
Kagaya ng nasabi ko kanina na almost same ang itsura ng phone sa A35 pero nagkaiba lang sa materials. Yung likod nito ay Corning Gorilla Glass at sa A35 naman ay plastic. Ang frame nitong A55 ay may pagka-brush metal yung design. Mas maganda at comfortable hawakan ito compared sa A35 pero hindi naman ito nagkakalayo sa design. Napansin ko rin na kagaya ng A35 na sa unang tingin ay mukhang pantay ang bezel ng phone sa taas at baba. Pero kapag matagal na natin ito ginagamit ay mapapansin na natin na hindi ito pantay, mas makapal ng kaunti ang chin ng A55. Pero ang dalawang gilid at sa taas na bezel ay pantay naman.
Sa taas ng phone makikita ang SIM tray at secondary microphone. According sa GSMArena ay may support ang A55 sa e-SIM. Pwede tayo magsalpak ng dalawang SIM or isang SIM plus micro-SD card, hybrid ang SIM tray ng phone. Pagdating sa haptics nitong A55 ay same lang sa A35, maganda naman ito at huwag niyo nang i-off at i-enjoy ninyo. Dual speaker ang meron dito sa A55 at ang secondary speaker ay nasa earpiece habang ang main speaker naman ay nasa baba. Pagdating naman sa quality ay malakas, hindi sabog kahit max volume, at hindi ako nabitin sa max volume. Overall, maganda yung sound ng speaker nitong A55. Yung biometrics natin dito ay in-display fingerprint scanner, reliable naman basta ayusin lang natin ang pag-register ng fingerprint natin.
Itong Samsung Galaxy A55 ay may IP67 rating kaya water and dust resistant ang phone. Hindi tayo mag-aalala kung matalsikan ito ng tubig o maulanan dahil hindi ito agad-agad papasukan ng tubig. Kahit dalhin natin ito sa medyo maalikabok na environment ay okay lang din. Wala pa rin itong pre-installed na screen protector at case kaya mapapagastos tayo agad pagkabili natin sa phone na ito. Nasa baba ang link ng binili kong tempered glass at case para sa A55 ko.
Display
Specification:
Pagdating sa quality ng display, same na same yung ie-expect natin sa kung anong quality ang meron sa A35. Same na same ang specs, pagka-vibrant ng display, at deep blacks. Pagdating sa motion smoothness or refresh rate setting ay may dalawang option, adaptive at standard. Adaptive ay from 120Hz baba ito to 60Hz. Standard ay naka-lock lang ito sa 60Hz at makakatipid tayo sa battery kapag ito ang pinili natin. Upon checking ay bumaba naman ito from 120Hz to 60Hz kung hindi natin ginagalaw yung display. Isang complain ko lang siguro sa behavior ng refresh rate ay kapag naka-AoD or Always on Display dahil naka-120Hz pa rin ito. Sana kahit 60Hz man lang para makatipid sa battery.
Pagdating naman sa screen mode or color settings ay meron din dalawang option, vivid at natural. Pwede rin natin matimpla ang white balance or color temperature. Para naman sa magi-stream ng movies or TV series sa Netflix, ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Ang max playback resolution ay Full HD, at may support sa HDR 10 kapag nagpe-play tayo ng videos na may HDR. Ito siguro ang malaking difference ng A55 at A35, kapag nagi-stream tayo ng movies or TV series na naka-HDR ay may support dito ang A55 pero ang A35 ay wala.
Performance
Specification:
Meron din itong RAM Plus or virtual RAM. Pwede tayo mag-add ng up to 8GB of virtual RAM kaya technically ay pwede itong maging 16GB of RAM. Ang Antutu score nito ay 735701, iyan ay kapag naka-ON ang virtual RAM. Malaki-laki ang jump ng performance nito kung iko-compare natin ang Antutu score ng A55 sa A35. Kapag naman naka-off ang virtual RAM, nadagdagan ang score at naging 743960. Kung hindi naman talaga kailangan ay huwag niyo na gamitin ang virtual RAM sa A55 at mas maganda pa yung magiging performance natin.
Kaunting information lang tungkol sa GPU na nilagay nila sa A55, yung Xclipse 530. Medyo proud dito ang Samsung dahil based ito sa AMD architecture at mas mabilis ng 53% ang performance compared sa Mali GPU.
Sa Asphalt 9, hindi nito na-generate lahat ng graphics pero smooth. Wala namang frame drops, lag, at okay naman ito overall. Hindi pa ito ganun ka-optimize sa game na ito kaya test tayo ng ibang game. Dito naman tayo sa Ark Survival. Ang video settings or graphics quality natin ay naka-Epic at ang resolution ay naka-sagad. Pagdating sa gameplay ay smooth, walang struggle na mafe-feel, at kayang-kaya ng phone. Pagdating sa gaming ay okay na okay itong A55 5G.
Camera
Specification:
Malaki-laki ang difference ng camera specs na nandito sa phone compared sa A35. Naka-50MP at may OIS din ang camera ng A35 pero ang sensor nun ay naka-ISOCELL GN8 lang habang ang A55 ay naka-IMX 906 ng Sony. Ang Ultrawide nito ay 12MP na habang ang A35 ay 8MP lang. Sa A35 ay 12MP lang ang selfie camera habang sa A55 ay 32MP. Malaki-laki talaga ang camera specs ng A55 compared sa A35.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Stable ang kuha ng phone sa selfie camera dahil sa EIS pero compromise yung framing dahil naka-zoom in tayo sa selfie camera compared sa likod. Kapag naglakad tayo sa labas habang nagta-take ng selfie video ay mas stable ang kuha natin. Stable din ang rear camera kapag naglalakad.
Battery
Specification:
Sa Wild Life Stress Test, sa battery ay nabawasan ng 7% at sakto lang. Sa thermals naman ay 5°C lang ang nadagdag at okay din. Pagdating sa thermals at battery consumption ay okay itong A55.
Conclusion
Sa tingin niyo ba sulit itong Samsung Galaxy A55 5G para sa presyo?
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada: https://invol.co/cllaonq
Case: https://invol.co/cllaoo6
Tempered: https://invol.co/cllaook
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: