Price
Nabili namin ito na may freebie na 25W charger. Nasa baba ang link kung gusto mo i-check ang updated pricing.
Bago natin i-unbox ay gusto ko muna i-share sa inyo ang dinagdag ng Lazada sa kanilang delivery. Una ay ang box, meron na silang ganitong design. Sealed na sealed ang box at may nakalagay pang fragile. Sigurado din tayo na hindi ito basta-basta mata-tampered dahil may inilagay na signature. Ang ganda rin ng box at walang damage. Nabili namin ito sa flagship store ng Samsung.
Sa packing slip nila ay may changes din. Dati, makikita sa slip kung ano ang laman ng box pero ngayon ay hindi na nila in-indicate. Sa seller naman ay address na ang nakalagay, hindi na nilagay ang brand name para walang hint kung ano ang laman ng package. Magandang way ito para walang matukso na buksan ang box.
Malaki na ang pinagbago ng Lazada sa mga order natin. Less than 24 hours ay na-receive na namin ang phone. Palaging ganito ang experience namin kapag bumibili kami ng phone sa Samsung.
Unboxing
Sa loob ng box, naka-bubble wrap ang phone at may additional bubble wrap ulit. Makikita natin ang freebie na charger at ang box ng phone. May tatlong colorway ang phone, Ice Blue, Lilac, at Navy. Itong pinili namin ay Ice Blue. Almost Php20,000 ang price ng phone na ito at alam ko na marami sa inyo ang magtataas ng kilay dahil sa presyo. Tingnan natin kung sulit ba ang phone na ito para sa presyo.
May pupunitin lang na sticker sa likod ng box. Pagbukas ng box ay unang makikita ang phone na nakabalot sa parang paper na tela. Mabuti rin dahil madali lang matanggal ang sticker sa likod. Napakahinhin naman ng itsura ng phone. Pa-vertical naman ang camera module at parang S24 or S23. Medyo naka-protrude kaunti ang island ng volume up and down button at power lock button. Ang lather part ng sidings ay flat naman.
Sa document sleeve naman ay may SIM ejector pin, USB-C to USB-C cable, at documentation. May pagka-Nothing Phone ang phone na ito. Wala itong screen protector na pre-installed kaya madami tayong bibilhin agad-agad. Kailan kaya magi-improve ang Samsung sa ganitong bagay. Sana ay samahan nila ito ng jelly case at kahit flimsy ay okay na. Tapos pre-installed na screen protector para hindi na kami bumili ng accessory dahil may kamahalan ito.
Design
Almost pantay ang bezel ng phone pero kapag tinitigan ninyo ang forehead at chin, makikita niyo na mas makapal ng kaunti ang chin. Napaka-modern at nakapaka-elegante pa rin tingnan ng phone na ito. Sa likod naman ay glass pero wala itong Corning Gorilla Glass protection kaya mas maganda na gumamit tayo ng case dito para hindi magasgas.
Itong A35 ay may IP67 na ingress protection. Pwede natin ito malubog up to 1 meter for 30 minutes. Water and dust resistant ang phone na ito. Ingat pa rin tayo dahil merong mga phone sa ngayon na may ganitong protection pero pinapasok pa rin ng tubig.
Display
Specification:
Kahit may Corning Gorilla Glass Victus+ ito ay gusto natin na sigurado tayo kaya bumili pa rin kayo ng tempered glass para dito. Sa quality naman ng display, dahil Super AMOLED ito ay mae-expect natin na napaka-vibrant ng kulay at deep black ang mga blacks nito kaya mae-enjoy natin ang media consumption. Ang color accuracy ay okay naman, hindi naman maputla at hindi rin naman madilaw. Mae-enjoy natin ang paggamit sa phone na ito kahit ano pang content ang ipakita natin sa display.
Sa display settings ay may screen mode or color scheme sa ibang phone. May option na vivid or natural, kapag vivid ay pwede natin timplahin ang white balance. Sa advance setting ay pwede rin natin i-adjust ang RGB depende sa timpla natin. Kung accuracy ng kulay ang gusto natin ay natural ang piliin natin.
Dual speakers ang meron tayo dito sa A35, isa sa ilalim at isa sa earpiece. Pagdating sa sound quality ay okay naman. Maganda ang separation ng left and right. Mas mahina lang ng kaunti ang secondary sa earpiece pero usual naman iyun. Yung max volume nito ay sakto lang. Hindi naman ako na-impress at hindi naman masama. Pagdating sa haptic ay okay ito, malutong ang feels kapag nagta-type sa keyboard. I suggest na enjoyin niyo at huwag i-disable ang haptics.
Ang SIM tray naman nito ay hybrid, pwedeng dalawang nano SIM or isang nano SIM + SD card. May support itong A35 sa e-SIM. Good news din para sa mga magii-stream sa phone dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 1 at ang max playback resolution nito ay Full HD. Pagdating naman sa Screen Refresh Rate setting, may option ito na Adaptive or Standard. Adaptive, from 120Hz ay baba ito to 60Hz. Mabilis naman ang pagbaba nito kaya makakatipid tayo ng battery dito sa A35.
Performance
Specification:
Meron itong RAM Plus or virtual RAM, kapag ini-on natin ito ay pwede tayo mamili ng up to 8GB of RAM kaya in total ay pwede ito umabot ng 16GB of RAM. Ang Antutu score na nakuha natin sa A35 kapag naka-on ang RAM Plus ay 611434, very decent ang nakuhang score. Kapag naka-off naman ang RAM Plus ay tumaas ang score, naging 616156. Medyo malaki-laki ang jump sa performance kapag naka-off ang RAM plus. Kung hindi naman talaga natin kailangan ng RAM plus or virtual RAM ay huwag na natin ito i-on para mas mabilis pa ang performance.
Pagdating naman sa gaming dito sa Asphalt 9, napaka-optimize na ng Exynos 1380. Lahat ng graphics ay na-generate natin pati ang motion blur. Walang lag or frame drops na mapapansin at napaka-smooth naman overall ng gameplay kaya mage-enjoy tao. Dito naman sa Ark Survival, graphic settings natin ay Epic ang quality at sagad ang resolution. Sa mismong gameplay, napaka-smooth at walang struggle. May paminsan-minsan na mga frame drops pero hindi malala. Nabilib ako at hindi ko in-expect na kakayanin ng A35 ang ganito ka-smooth. Akala ko ay mapapatakbo lang nito at sapat na sana sa akin pero ayos na ayos pa rin. Medium to heavy graphics ay kaya ng phone na ito at okay sa gaming.
Camera
Specification:
Na-impress ako dahil ang video recording sa phone ay parehas hangang 4K/30fps sa likod at sa harap.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Hindi soft ang texture ng balat ko at may details. Ang exposure ay tamang-tama lang at ang kulay ko ay okay na okay din. Medyo zoom-in din ang video dahil sa EIS, kapag naglalakad habang gamit ang selfie camera ng A35 ay stable pa rin pero naka-zoom ang mukha. Pagdating sa rear video recording ay stable din dahil may OIS.
Battery
Specification:
Mabuti talaga dahil may freebie itong kasama na 25W na charger.
Sa result ng Wild Life Stress Test, from 100% ay bumaba ang battery level to 96% kaya 4% lang ang nabawas. Pagdating sa temprature ay 6° lang ang nadagdag. Kaya pagdating sa thermals, battery consumption, at charging ay okay na okay itong phone.
Verdict
Sulit ba itong Galaxy A35 5G ng Samsung? Para sa akin ay ang ganda ng phone na ito. Ang ganda ng display, itsura, performance, at nabilib talaga ako sa camera para sa presyo. Para sa akin ay mare-recommend ko itong phone at lalo na Samsung ay alam natin na maalagaan tayo pagdating sa updates.
May natanggap din akong updates habang sine-setup ko ang phone at latest din ang software update nito. Para sa akin ay okay ito para sa presyo. Alam ko na marami pang option na mas mababa ang presyo o baka mas mataas ang RAM or storage, pero dahil Samsung ay maire-recommend ko ang phone.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada: https://invol.co/cll96lc
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: