May bago na naman taong ia-unbox na budget-friendly Android phone, ito ang Samsung Galaxy A14. Binili ko ito sa Memoxpress sa Lazada. Tignan natin kung maganda ba talaga ang phone na ‘to, anong mga Antutu Score ang makukuha natin dito at kung okay ba siya sa gaming.
UNBOXING
Napakasimple at napakanipis lang ng box nitong Samsung Galaxy A14. Pagka-open ng box, makikita agad ang document sleeve na may laman na charging cable at documentations. Sa loob pa din ng box, makikita din ang mismong unit ng Samsung Galaxy A14 at sim ejector pin. Take note, wala itong charging break, screen protector at jelly case.
DESIGN
May texture na pa-vertical ang likod nitong Samsung Galaxy A14 kaya hindi siya smudge at fingerprint magnet. Sa may right side makikita ang fingerprint scanner na powerlock button na din at volume up and down buttons. Sa left side naman makikita ang sim tray na may dual sim at dedicated na micro SD card slot. Sa taas makikita ang secondary microphone at sa ilalim naman ang ang main microphone, headphone jack at speaker. Sa harap naman, meron itong notch at may kakapalan ang overall na bezel.
BLOATWARES
Kapag malapit ng ma-setup itong phone na ‘to, merong lalabas na option kung gusto nating i-install ang ilang mga Samsung Apps tulad ng Samsung 321 at Smart Tutor. Pero the rest, wala tayong ibang option kundi i-accept siya. Pero pwede naman itong i-uninstall ‘yung mga apps na hindi mo kailangan.
Ang good news dito sa Samsung Galaxy A14 ay pwede itong mag-connect sa 2.4GHz WiFi connection at 5GHz WiFi connection. Para naman sa mga gustong malaman ang haptics ng phone na ‘to, sad to say, hindi siya maganda at sobrang typical lang niya. Isa pa, single firing speaker lang ito kaya huwag iyong i-expect na sobrang ganda ng tunog pero hindi naman ako nabitin sa maximum volume at hindi muffled ang tunog.
DISPLAY
Meron itong 6.6″ PLS LCD FHD+ 400ppi at 60Hz refresh rate. Ano ba ang pagkakaiba ng IPS LCD sa PLS LCD? According sa na-research ko, ang PLS ay slightly better sa IPS lalo na pagdating sa pagiging maliwanag ng display. So, brighter display ang PLS LCD compared sa IPS LCD. Good news naman kasi better ang nilagay nilang panel dito pero okay din sana kung IPS basta atleast 90Hz sana.
Hindi pa din ganun ka-perfect ang nilagay nilang display dito kasi sa may bandang baba ay may yellowish tint. Pero good news naman kasi ang kanyang Widevine Security Level ay Level 1 at ang Maximum Playback Resolution sa Netflix ay Full HD kaya makakapag-play dito ng mga HD content.
PERFORMANCE
Naka-One UI Core 5 ito on top of Android 13, Exynos 850 ang chipset 4GB RAM at 128GB internal storage. Ang One UI Core ay mas light na version kaysa sa One UI, which is tama lang na ito ang nilagay sa phone na ‘to kasi napaka-basic ng chipset nito at 4GB lang ang RAM. Kaya mabubuksan pa din natin ang mga everyday applications natin tulad ng Lazada, Shopee at Google Maps.
Pagkatapos ko ma-setup itong Samsung Galaxy A14, nakakuha tayo ng 189594 Antutu Score. After naman ma-apply ang software update, nakakuha naman tayo ng 190160. Pero ang baba niya pa din kasi ‘yung Itel S23 na mas mababa ang price, nakakuha tayo doon ng almost 260000.
Pagdating sa Asphalt 9, napatakbo naman niya, smooth din ang gameplay at konti lang ang framedrops. Pero minsan, may mga framedrops na nakaka-annoy at nakakasira ng game play. Tapos, potato quality din ang graphics na na-generate niya. Kaya hindi designed pang-gaming ang phone na ‘to kundi for basic applications and tasks lang.
BATTERY
Sa Wild Life Stress Test, 3% lang nabawas sa battery after ng almost 20 minutes na pag-test sa kanya. Tapos, nadagdagan lang nga 1°C ang temperature. ‘Nung nagse-setup ako, nasa around 46% ang battery niya at natapos ako ng 43%. Kaya pagdating sa battery consumption, reliable ang phone na ‘to. Pagdating naman sa charging time, from 23-100%, 1 hour and 50 minutes ang inabot kaya matagal siya talaga. ‘Yan ‘yung kailangan niyong makasanayan sa phone na ‘to.
CAMERA
Meron itong 50MP, f/1.8 main shooter, 5MP ultrawide, 2MP macro lens at 13MP selfie camera. Ito ang mga sample shots:
Sa 1080p 30fps video recording ng main shooter at selfie camera, wala itong stabilization. pero pagdating sa quality, medyo okay naman. Tapos, kapag nag-zoom ka up to 10x, readable pa din ang mga texts kung magvi-video kayo ng mga bagay na may texts.
For PHP8,990, bibilhin niyo ba ang phone na ‘to? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin ninyo, hindi siguro. Hindi ko siya maire-recommend sa inyo kasi ang dami kong redflag na nakita sa kanya. Although Samsung ‘to – matibay, may software updates at sure na magtatagal, kaso di ko ma-justify ang performance niya. Sobrang bagal niya at may yellowish tint pa sa display. At sana meron ng screen protector at jelly case sa mga susunod na Samsung phones kasi napakalaing bagay nun para sa sa aming typical users.