Haybriwan! Ito ay follow-up review ng ating Infinix ZERO ULTRA, at ang main aspect na pag-uusapan natin ay ang kanyang charging at pati narin ang kanyang battery. At gumawa ako ng ilang test sa phone na’to kung mabilis ba talaga at kung safe ang 180W Thunder Charge.
Ang capacity ng battery ng phone na’to ay 4500mAh at capable sa 180W na Thunder Charge. At ngayong 2022, isa ito sa may pinakamabilis na charging speed at itong ZERO ULTRA ang may pinakamabilis na charging speed sa price segment na’to at sa buong Infinix phones as of the moment siya rin ang may pinakamabilis na charging speed.
Kaya ano yung technique na ginawa nila para maging mabilis at the same time safe din? Ang isa sa ginawa nila ay dual-cell yung battery nito, hinati nila sa dalawa kaya ang bawat isa ay 2250mAh kaya ang total capacity nito ay 4500mAh. At dahil sa dual-cell yung battery nito mas safe at mas mabilis din at hindi ito gaano mag-gegenerate ng sobrang heat na pwedeng makasira sa battery nitong Infinix ZERO ULTRA.
At makikita rin natin doon sa website ng Infinix na itong ZERO ULTRA ay mayroon ding TÜV Rheinland Safety Certification ibig sabihin na na-test talaga to sa laboratory at na ensure na safe talaga ito i-charge. At yung 180W na charger na kasama sa box ay naka GaN Charger na rin kaya isa pang layer of protection para sa atin.
Wild Life Stress Test
Isa ito sa mga hindi ko naipakita sa inyo sa nauna kong review ang Wild Life Stress Test result. From 28ºC pumalo siya ng 35ºC after ng 20mins na Graphic Intensive Test kaya impressive yung temperature na yan para sa ganitong klase na phone. Tapos, doon sa kakabili lang ng ZERO ULTRA tingnan nyo sa settings tapos sa may Power Marathon tapos i-make sure ninyo kung naka-off o naka-on yung Furious Mode. Dahil kapag naka-off normal charging yung gagawin niya pero kapag naka-on yung Furious Mode talagang itotodo niya to 180W yung kanyang charging speed. Kagaya ng naipakita ko sa inyo sa ating in-depth full review 3-100% sa loob lang 12mins 51sec ko lang nai-charge yung ZERO ULTRA. Pero may malinaw na warning sa atin kapag i-oon natin yung Furious Mode “Faster charging speed with slight temperature rise of your phone during charging“. Kaya may kaunti o slight na heat tayong mapi-feel dito sa phone kapag ginamit natin yung Furious Mode.
Gaming Test
Kaya sinubukan ko itong Infinix ZERO ULTRA na naka-charge habang nag-gegame tayo. Hanggang saan kaya aabot yung kanyang temperature at mabilis pa rin kaya ang Furious Mode habang ginagamit natin yung phone na’to?
Before natin gamitin yung phone ang kanyang temperature ay 36°C. Ang una nating game ay ang Rush Rally 3 pero before pa tayo mag-start may na-feel agad akong heat sa may bandang dulo ng USB-C port. Tapos, yung ating refresh rate ay naka-lock sa 120Hz at hindi ito naka-auto at naka-max yung ating graphics settings.
After ng 1 game nadagdagan ng 36% ang ating battery sa loob lang ng 6mins pero nag-generate ito ng heat mula 36ºC naging 39.9ºC. Medyo mabilis-bilis din uminit kapag naka-Furious Mode tayo.
Kaya sinubukan ko pa maglaro ng 2 games ito yung NBA 2K20 at Asphalt 9 kung mas tataas pa yung kanyang temperature.
After natin mag-games dito nadagdagan ng 63% sa loob lang ng 16mins kaya mabilis parin siya kahit habang naglalaro tayo habang nag-chacharge at naka-Furious Mode. Pero ang problema dito ay nag-generate talaga siya ng heat at umabot na ng 40ºC at nag-lalag narin siya dahil nga doon sa heat.
Disclaimer
Guys! Hindi ko talaga ina-advise na gawin nyo yung ginawa ko kasi nga nag-generate talaga siya ng heat at kung lagi nyong gagawin yan masisira yung battery nyo. Ginawa ko lang ito para ipakaita sa inyo na mablilis parin nya i-charge itong ZERO ULTRA kahit na ginagamit natin ito. At yung pag-chacharge natin dito sa ZERO ULTRA gamit yung Furious Mode o 180W Thunder Charge na speed make sure lang ninyo na hindi ganoon kainit yung pinaglalagyan ng phone natin kasi nag-gegenarate talaga siya ng heat. Kaya kung hindi niyo naman talaga kailangan ng naka-on yung Furious Mode at hindi ganoon kalamig yung lugar natin ay i-off muna natin.
Doon sa test na ginawa natin, nakita naman natin na mabilis parin i-charge nitong ZERO ULTRA kahit na kino-consume natin yung battery dahil sa mga games na nilaro natin. Ang bilis parin i-charge nitong ZERO ULTRA! Kaya panalong-panalo yung phone na’to pagdating sa charging speed. Kayo ano ang masasabi niyo sa phone na’to sana nakatulong yung mga ginawa nating test?