For the first time at di ko sure kung mauulit pa, magre-review tayo ng split-type aircon. Galing ito sa Rowa at ito ang kanilang 1.5HP Inverter Split-type Aircon. Ang current price nito ay PHP18,495 pero minsan nagse-sale sila at nagiging PHP16,075 ang price niya. Mas maganda kung i-click niyo na lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljde8a
Wala pa akong maipapakita na actual na Meralco Bill kasi nasa 3 weeks pa lang sa akin ang aircon na ‘to. At kahit may isang buwan na sa amin ang aircon na ‘to, hindi pa din natin masasabi kung sobrang tibay niya kasi kailangan nating gumugol ng atleast kalahating taon para masabi nating matibay ‘tong aircon na ‘to. Kaya, mas maganda kung i-follow niyo ako sa Instagram, Facebook at TikTok kasi magbibigay ako ng updates sa aircon na ‘to sa mga susunod na linggo, buwan o taon pa nga.
INSTALLATION
Syempre, kailangan butasan ‘yung bahay natin para may madaanan ang mga tubo papunta sa outdoor unit. Mabuti na lang, itong Rowa unit ay may kasama ng bracket sa loob ng box kaya hindi na din mahirap i-install ang outdoor unit.
Sobrang simple ng itsura ng outdoor unit nitong Rowa 1.5HP. Mas maganda kung nasa shaded area ang outdoor unit para hindi nakatutok sa araw at mas madali ding lalamig ang aircon natin. Syempre, kailangan ding mag-install ng safety breaker sa loob ng bahay natin dahil hindi naman sinasaksak sa wall outlet ‘yung mga aircon kasi sasabog talaga ‘yan.
DESIGN
Napaka-typical lang ng itsura nitong Rowa 1.5HP Split-type Aircon, kagaya lang siya ng ibang aircon. Meron itong ‘Inverter’ na text at Rowa na logo sa may gitna. Para mabuksan naman ang cover sa harapan kung sakaling maglilinis tayo, punta lang kayo sa gilid at may makikita kayong parang uka na pwedeng ilagay ang daliri natin para mabuksan. Paka-open, meron kayong makikitang dalawang piraso na filter. Sa filter niya, meron kayong makikita na kulay gray na pwedeng paglagyan ng scent. ‘Yung kanyang condenser coil naman ay kulay gold na usually ay aluminum.
REMOTE
Napakasimple lang din ng kanyang remote at out of the box, meron na itong kasamang Triple A battery. Meron din nakalagay na disclaimer sa likod ng remote kung saan ‘yung kanyang Eco Mode ay makakatulong para ma-reduce ang power consumption natin. Tapos, yung kanyang main buttons ay kulay green. Kapag i-on natin ‘yung aircon, makikita ‘yung kanyang display sa bandang kanan.
Katulad ng sinabi ko kanina, kapag i-on natin ang Eco Mode, mababawasan ang power consumption natin. Pwede din tayong mag-set ng time kung kelan siya mag-au-auto off. Click lang natin ang Timer tapos pwede na nating i-adjust ang oras, tapos kapag naset na, click lang ulit ang Timer. Kung gusto naman nating i-cancel yan, click lang ulit ang Timer. If ever naman na nakaka-disturb sa atin ang display niya kapag natutulog tayo, click niyo lang ang Display para mawala. Kung sakali naman na sobrang init sa labas at gusto nating malamigan agad, pwede nating i-click ang Turbo para bumilis ang paglamig niya. Pero kapag ginawa natin iyan, syempre mas malakas sa power consumption.
CONDENSER COIL
Ang tawag dito ng Rowa ay Titan Gold. Kung magre-research tayo, malaki ang benefit ang binibigay sa atin kapag gold ang condenser coil kasi mas magtatagal sa atin, mas durable, mas iwas corrosion at mas safe gamitin. Sabi ng Rowa, after natin patayin ang aircon, iinit iyon up to 55°C para matuyo agad ang mga moisture at tubig sa loob ng mga pipes.
POWER CUT AUTO RESTART
Bukod pa sa mga sinabi ko kanina, itong Rowa Aircon ay may Power Cut Auto Restart. If ever magkaroon ng brownout, marerestore niya ‘yung previous setting kapag bumalik na ang kuryente. Hindi katulad ng ibang aircon na kapag nag-brownout, ise-set na naman natin ‘yung setting kapag bumalik na ang kuryente.
5D DC INVERTER
According sa Rowa, ‘yung inverter na ginamit dito sa 1.5HP Split-type Aircon ay 5D DC Inverter. Ayon sa na-research ko, kapag 5D DC ang ginamit sa inverter aircon, mas matipid ito sa kuryente at mas magtatagal din.
POWER CONSUMPTION
Disclaimer: Hindi ako expert, hindi ako electrician at hindi ako expert sa aircon. Based lang ito sa na-research ko at rough estimate lang ito. Ibig sabihin, ito ang worst-case scenario na power consumption natin dito sa aircon na ‘to.
Ang pinagbasehan natin ay ang Max Input niya which is 1,450W. ‘Yan ang nakalagay na specs sa kanilang Lazada page. Pero alam naman natin na kapag inverter, hindi siya mag-stay sa maximum input niya. Kapag naabot na niya ang certain na lamig sa kwarto, magde-decrease na ang power consumption niya.
Based sa Lazada page nila, ang maximum input ay 1450W. Kapag kinovert natin iyan sa kWh, meron itong 1.45kWh. Tapos ‘yung 1.45kWh ay imu-multiply natin sa oras na ginagamit natin ang aircon per day. So, sabihin natin na 8 hours tayo gumagamit ng aircon. Ang magiging total niyan ay 11.6kWh. Pagkatapos, ‘yung 11.6kWh ay imu-multiply natin sa Meralco rate. As of June 2023, ang Meralco rate ay 11.91. Ang magiging total na power consumption natin per day ay PHP138.156. More or less, ang magagastos natin per month ay PHP4,144.68.
Uulitin ko, worst case scenario lang iyan. Malamang half lang ang talagang presyo na makikita natin sa Meralco kasi nga hindi naman 8 hours a day ang consumption natin o baka dahil sa behavior ng inverter, pwedeng bumaba ang power consumption.
Para sa akin, not bad na ang power consumption na iyan. Although, kung titignan natin ‘yung ibang split type sa mas kilalang brand like Daikin at Samsung, nakikita ko na mas mataas ng kaunti ang power consumption dito sa Rowa. Pero considering na wala pa itong PHP20,000, okay na okay na siya.
Pero katulad ng sinabi ko kanina, kailangan ng time para masabing matibay itong Rowa. So, anumang issue during that time, ipo-post ko iyan sa Facebook, Instagram o TikTok ng Sulit Tech Reviews.