Unboxing
Pag-open ng kit, nasa loob ng box ang Redmi Note 13 Pro+. Ang nasa ating variant ay Aurora Purple na 12/512GB. Meron din itong Passport holder, Xiaomi Power Bank, Redmi Buds 5 Pro, at facemask.
I-unbox naman natin ang mismong phone. Pag-open, unang makikita ay document sleeve na may “Redmi by Xiaomi” text. Sa loob ng sleeve ay may SIM ejector pin, documentation, at case. Parang lahat ng phone na nire-release ng Xiaomi ay magkaparehas na ng case. Okay lang naman sa akin pero ang laki lang ng butas sa camera. Ang sumunod naman ay ang phone na nakabalot sa protection paper na may nakasulat na top specs. Sa ilalim ng box, may 120W charging brick na USB-A ang port at USB-C to USB-A cable. Meron na rin itong pre-installed na screen protector.
Design
Ang ganda ng ginawa ng Xiaomi sa design ng phone. Inspired ito by dutch painter na si Piet Mondrian. Ang ganda, at so far ito ‘yung first phone ngayong 2024 na naabot ‘yung hinahanap kong design sa phone. Matte finish at curved ang mga gilid. May ibat-ibang kulay na hindi awkward at nag co-complement sa isat-isa. Sa taas ng phone ay may secondary speaker, main mic, at IR Blaster. Sa ilalim ay ang USB-C port, main mic, SIM tray, main speaker. Sa right side ay ang volume up and down button at power lock button. Pantay ang bezel ng phone. Napaka-premium ng itsura. May punch hole selfie camera na rin ito. Sa haptics naman, maganda at flagship level. I suggest na gamitin niyo at huwag patayin. Sa dual speakers naman, malakas at hindi ako nabitin sa max volume. Clear din ang tunog, hindi sabog, at maganda ang separation ng left and right. Hindi ko lang nagustuhan ang placement ng secondary speaker dahil natatakpan kapag nag-landscape tayo.
Display
Specification:
Flagship level ang quality ng display. Sobrang ganda ng colors at napaka-accurate. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services. Sa refresh rate naman, mabilis bumababa ang refresh rate kapag hindi ginagalaw, kaya makakatipid tayo sa battery. Kapag I-on naman natin ang Always On Display, magiging 30Hz nalang ang refresh rate. Natitimpla rin natin ang kulay at temperature sa settings.
Performance
Specification:
Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-on ang virtual RAM ay 720628. Kapag naka-off naman ay 717216. Nang i-try natin ito sa SpongeBob – Cosmic Shake, nakasagad naman ang graphic settings nito at feel na feel ang 120Hz na gameplay dito. Walang lag at napaka-smooth kahit mabigat ang graphics. Sa Asphalt 9, nakakatuwa dahil na-generate rin lahat ng graphics, napaka-smooth ng gameplay. Kahit mabibigat na games ay kayang-kaya ng phone na ito.
Camera
Specification:
Sa rear camera, makakapag-shoot tayo ng 4K/30fps. Sa selfie camera naman ay 1080P/60fps.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshots:
Battery
Specification:
Verdict
Para sa full review ko sa Redmi Note 13 Pro+ 5G, Basahin mo lang ang link na ito: Full Review
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkkqhx
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: