Alam na natin ang official price ng Redmi Note 13 series. Nasa link sa baba kung gusto mo bumili.
Event
Gusto ko na rin i-share sa inyo ang experience namin sa launch event ng Redmi Note 13 series sa Bangkok. Medyo gabi na ng dumating kami sa Bangkok kasi hindi namin nakasabay yung ibang content creator dahil sa iba yung schedule namin. Kinabukasan, before ng launch event, in-enjoy muna namin ‘yung marketplace ng Bangkok kasi napakamura ng damit dito. Bandang hapon na nagpunta lahat sa place ng event. Before and after ng launch, meron kaming chance para i-explore yung mga naka-display na Note 13 series, pati na rin ang mga devices na kasabay ni-launch. Ang linis ng mismong presentation ng Xiaomi. After ng event sinamantala ko na ang chance na ma-interview ‘yung mga content creator na kasama natin sa event, mapapanood mo sa link sa baba.
Battery
Specification:
Kung gusto niyo ma-experience ‘yung kaniyang 120W na charging speed, need niyo gamitin ang charging brick na nasa box at pumunta sa settings > battery > setting icon > speed up charging. Need lang i-improve ng Xiaomi ‘yung battery performance, kasi mababa ‘yung nakuha nating SOT score, 10h and 17mins. Pero nang ginamit ko ito whole day sa Bangkok at naka wifi pa ako, at the end of the day, ang natirang battery percent ay 60%. Kaya para sa akin ay maasahan itong battery nito.
Charging speed specification:
Performance
Specification:
Nasa flagship killer na category yung phone na ito. Karamihan sa mga apps na napapatakbo sa phone na ito, ay kasing bilis ng performance na makukuha natin sa mga flagship devices, excluded dun yung mga mabibigat na games. Ang Antutu score na nakuha natin ay 720,628. Pagdating naman sa thermals, after ng Wild Life Stress Test, from 35 degrees umabot lang ng 39 degrees. Sa battery from 85% bumaba to 78%.
Camera
Again, 200MP ‘yung main shooter, meron din ultra-wide na 8MP at 2MP na macro lens. Impressive ‘yung 200MP kahit na na-disregard yung ibang camera. Meron din itong 4x na lossless zoom. Kaya rin nito mag-shot ng 4K 30fps sa likod pero sa harap 1080P 60fps naman.
Sample photos:
Sample camera video screenshot:
Maganda ‘yung mga photo, siguro need lang i-improve ng Xiaomi ‘yung pagiging vibrant ng kulay, kasi hindi ito ganun ka-vibrant. Yung video ay stable naman kahit ‘yung 4k digital recording. Sana ma-improve ng Xiaomi sa susunod na series yung HDR sa mga videos. May mga highlights minsan na nawawala lalo na kapag naka against the light, pero hindi naman super noticeable. Hindi naman nasisira yung quality ng overall video.
Design
So far ngayong 2024, ito ‘yung paborito ko na design ng phone. Sobrang ganda talaga, hindi ako nababaduyan at maganda ‘yung multi colors nito. Hindi ito kapitin ng fingerprint at smudges. Sana sa susunod Xiaomi, kung okay lang gawin nating transparent yung case. Okay naman ‘yung case na hindi flimsy, makapal, may protection sa camera bump, kaya lang pagsinuot natin sa phone ay ang laki ng nabawas sa itsura ng phone.
Verdict
Overall, para sa akin, although nasa 24K ‘yung price, malaki ang changes at malaki ang improvement na ginawa nila dito. Para sa akin, very acceptable yung presyo nito, lalo na dun sa mga tao na ang focus nila sa phone ay ang display, performance, pagkatapos ang ganda ng camera pati na rin battery life. Again, para sa akin ang Redmi Note 13 Pro+ 5G ay sulit para sa presyo nito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkkqhx
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: