Price
May dalawang variants itong Redmi Note 13 Pro 5G. As of writing this article, ang 8/256GB ay Php13,999.00. Ang 12/512GB naman ay Php15,999.00. Ang ire-review natin ngayon ay ang 12/512GB variant na Aurora Purple. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Ang laman ng box ay charging cable, 67W charging brick, SIM ejector pin, documentation, at case. Masasayang ang magandang design nitong phone kapag may case. Pero at least maganda pa rin ang itsura ng camera.
Design
Same ang itsura ng phone sa Redmi Note 13 Pro+ 5G. Maganda ang colorway ng phone. Hindi rin ito smudge magnet dahil matte finish ito. Flat ang mga sides ng phone. Sa right side ay ang volume up and down button at power lock button. Sa left side naman ay malinis. Sa taas ay ang secondary mic, IR Blaster, secondary speaker, at headphone jack. Sa baba naman ang SIM tray, main mic, USB-C port, at main speaker. Dual SIM lang ang pwede isalpak sa phone. I advise kung kaya ng budget ay go for 512GB variant. Sa harap ay ang punch hole selfie camera at may pre-installed na screen protector na ito.
Flat na flat din ang display. Ang bezel ng phone ay napaka-nipis, pero mas makapal ng kaunti ang chin at forehead. Maganda ang quality ng dual speaker. Mas malakas talaga ang sound ng main speaker compared sa secodndary speakler. Pero hindi na ito mapaansin kapag naka-max volume. Maganda ang separation ng left and right. Yun nga lang ay matatakpan natin ang speaker sa taas kapag naka-landscape mode. Good news din dahil meron itong headphone jack. Meron din itong IP54 dust and splash resistance. Kung matalsikan ng tubig o dalhin natin sa maalikabok na lugar ay okay lang. Maganda din ang haptics dito.
Display
Specification:
Napakaganda ng color reproduction ng phone. Almost flagship level na ang color reproduction nito at quality ng display. Sobrang ganda para sa presyo.
Sa Color Scheme naman, may option para sa Vivid, Saturated, Standard, at Advance. Pwede rin ma-customize ang color temperature. Medyo malakas lang sa battery consumption ang display dahil naka-lock lang ito to 120Hz. Good news naman dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Sa Netflix, ang Max Play Resolution ay Full HD at may HDR support Dolby Vision.
Performance
Specification:
Nakakapanghinayang lang dahil ilang araw na sa akin ang phone, wala pa rin akong natatangap na HyperOS software update. Meron itong Virtual RAM up to 8GB. Aabot ng 20GB ang RAM natin kung 12GB ang ating physical RAM. Ang Antutu score kapag naka-on ang Virtual RAM ay 580976. Kapag naka-off naman ay 594070. Mas maganda kung 12/512GB ang piliin niyo para hindi kayo mapilitan gamitin ang Virtual RAM.
Sa thermals naman, from 34 degrees Celsius umabot ito ng 44 degrees Celsius. Medyo alarming ang naabot nitong temperature. Nabawas naman sa battery ay 7%. Pagdating sa gaming ay nakakabilib itong phone. Dito sa SpongeBob – Cosmic Shake, sagad-sagad ang graphics pero hindi ito nahirapan. Hindi nag-lag kahit sagad ang graphics. Sa NBA Infinite, sagad din ang graphics at naka 4x ang Anti-Aliasing. Sa mismong gameplay naman ay smooth. Napakasarap maglaro dito sa phone. Wala tayong mafe-feel na hirap kahit na sagad ang graphics.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Sa 4K/30fps na video recording, meron itong OIS. Hindi maalog kapag nagpa-pan. Kapag nag-zoom naman ay malinaw pa rin at meron din itong 6x digital zoom. Sa auto focus ay may natural bokeh naman. Yun nga lang, 1080p lang ang pwede ma-record sa harap.
Battery
Specification:
Ang nakuhang SoT ay almost 12 hours lang. Ang laking impact ng Screen Refresh Rate dahil hindi ito bumababa.
Ano ang masasabi mo dito sa Redmi Note 13 5G? Nasa baba ang link kung gusto mo bumili or i-check ang latest price.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkkqhx
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: