Ito ang Redmi Note 13 4G version na paguusapan natin ngayon. March 2, 2024, nabili ko sa physical store ng Xiaomi for Php9,999.00. Ang available lang sa kanila ay 8/256GB, pero kung gusto mo bumili ng 6/128GB, sa online store natin ito mahahanap at nasa baba ang link.
Tinanong sa akin sa physical store kung okay lang ba i-open ‘yung box sa mismong store. Syempre hindi kasi iu-unbox natin ito sa video natin. Ang catch pala kapag hindi ka pumayag i-unbox, mavo-void ‘yung 1 week placement at diretso na sa 1-year warranty.
Unboxing
Sa harap ng box makikita agad natin ‘yung itsura ng Redmi Note 13 at sticker na warranty. Ocean Sunset na color way ‘yung nasa atin na 8/256GB variant. Pag-open ng box ay document sleeve agad ‘yung makikita natin na may SIM ejector pin, documentation, at rubber case. Mas gusto ko ‘yung design ng case na ito kaysa sa Redmi Note 13 Pro+, kasi covered dito pati camera module. Sa loob ng box makikita ang nakabalot na Redmi Note 13 4G at naka-print ang top specs. Sa ilalim ng box makikita rin ang 33W na charging brick na USB-A ang port at USB-A to USB-C cable.
Design
Grabe ang ganda ng Ocean Sunset, napaka-premium ng itsura. Parang mid-range na premium phone ‘yung dating. Nag-iiba din ang kulay depende sa tama ng ilaw. Pero kapag inilagay na ang case, hindi na natin ma-appreciate ‘yung design sa likod. Ang gilid ay flat na flat. Sa taas ang IR Blaster ay secondary microphone, speaker, at ang headphone jack. Sa ilalim ay ang speaker, main mic, USB-C port, at SIM tray na hybrid. Pwede ito lagyan ng dalawang SIM card or SD card at isang SIM card. Sa right side naman ay ang volume up and down button at power lock button. Sa likod ang camera module na may LED flash at Redmi branding. Sa harap ang punch hole selfie camera at meron nang pre-installed na screen protector.
Halos magkakapantay naman ‘yung bezel ng phone. Meron itong IP54 na rating. Hindi agad papasukin ng wisik ng tubig at ng alikabok. Ang haptics ay hindi ko masyadong nagustuhan. Pagdating naman sa stereo speakers, okay naman ang quality, sapat naman ‘yung max volume, hindi sabog, hindi gano’n ka flat at may bass naman kaunti. Pero ‘yung placement ng secondary speaker ay hindi gano’n kaganda, kasi pagnaka-landscape mode ay matatakpan. Naka in-display fingerprint scanner na rin at reliable naman ito para sa akin.
Display
Specification:
Talagang nag-excel itong display para sa presyo nito. Magaanda at accurate for the most part ang color reproduction. Pleasing sa mata at vibrant ang colors. Good news kasi kahit nasa labas tayo at tirik ang araw ay kita pa rin ang display. Nacu-customize din ang color sa settings. Sa refresh rate setting, dalawa lang ang pwedeng pagpilian, 120Hz na max refresh rate or standard 60Hz. Naka-lock lang ito at hindi bumababa maliban kung nanonood ng video sa YouTube. Kaya magastos talaga sa battery. Sana maayos pa sa susunod na software update. Good news naman dito sa Widevine Security Level ay Level 1, makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services.
Performance
Specification:
Ang Antutu score na nakuha ay 333325, ‘yan ay kapag naka-off ang memory extension. Pagnaka-on naman ay 349384. I recommend para ma-boost ang performance ng phone, ay i-on niyo nalang ‘yung memory extension. Okay naman ‘yung result nang Wild Life Stress Test, 3% lang ang nabawas sa battery at 4 degrees Celsius lang ang nadagdag sa thermals. Pagdating sa mabibigat na application ay hindi maasahan itong phone. Tinest natin ito sa Asphalt9 na naka-high ang quality, overall okay naman. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero maganda ‘yung kulay at nagpo-pop. Sa graphics settings ng NBA Infinite, kadalasan low power lang at may ibang high option. Okay naman ang gameplay at walang frame drops. Sa casual gaming ay okay na okay ito pero sa mabibigat ay medyo mahihirapan na. Madami rin ang bloatware.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
Sa camera okay naman at sharp ‘yung kulay. Okay ito sa mobile photography at okay din ang dynamic range. Magkakaproblema lang sa video recording ng rear camera. Kasi napaka-soft na, hindi na talaga usable, at masyado nang low quality.
Battery
Specification:
Verdict
Sulit ba itong Redmi Note 13 4G? Kung ako ang tatanungin, hindi ko muna ibabase ‘yung verdict sa personal preference ko. I-base natin ito sa kung anong klase kang user. Kung ikaw ‘yung user na mahilig sa magandang design ng phone, okay sayo ito. Kung ikaw naman ‘yung user na tumitingin sa display, okay din sayo ‘yung phone. Kung user ka na concern sa battery, okay din sa’yo ito. Ngayon, kung ikaw ‘yung user na ambibigat ng application na pinapatakbo, hindi ito para sa’yo at mahihirapan ka na.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkt7q2
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: