Literal na PHP4,000 ang ire-review natin ngayon. Binili ko itong unit sa AHH’s Xiaomi Manila, ito ang Redmi A2+. Meron itong tatlong color na pwedeng pagpilian kapag bibili nito: Aqua Blue, Classic Black at Sea Green.
UNBOXING
Makikita sa labas ng box ang tatlong kulay na available sa Redmi A2+ at mga top specs tulad ng Helio G36 chipset, 8MP dual camera system, fingerprint scanner at 5000mAh battery capacity.
Pagkabukas ng box, makikita na kaagad ang unit. Ang ganda ng texture ng likod nitong Redmi A2+ kasi para siyang leather, pero plastic lang ito kaya hindi siya nagmukhang cheap na phone. Sa loob pa din ng box, meron itong 10W charging break, micro USB cable at documentation.
DESIGN
Talagang nagandahan ako sa design niya kahit napakamura lang niya. ‘Yung gilid niya ay medyo curved. Sa left side makikita ang sim tray na may dedicated na micro SD card slot at dual sim slot. Sa may right side naman ang volume up and down buttons, at powerlock button. Sa likod ay makikita ang camera module at fingerprint scanner. Sa baba naman ay makikita ang charging port, headphone jack at main microphone. Sa taas naman ay ang speaker. Sa harap naman ay may selfie camera na nasa loob ng notch tapos makapal din ang chin niya.
DISPLAY
Itong Redmi A2+ ay naka-6.52″ IPS LCD 720 x 1600 resolution, 269 ppi, 400 nits typical brightness at 60Hz refresh rate.
Talagang compromise ang display nito, talagang hindi ganun kaganda at hindi ganun ka-accurate ang colors niya pero not bad na para sa presyo niya. Makakapag-play pa din kayo ng YouTube videos na 1080p 60fps ng walang lag at framedrops. ‘Yun nga lang, kahit pa naka-HD+ ang resolution nito, Level 3 lang ang Widevine Security Level nito. Kaya hindi tayo makakapag-stream dito ng HD content sa mga streaming services.
Hindi katulad ng mga Android phones 2 to 3 years ago, kapag nag-i-scroll tayo ay halos walang ghosting at napaka-smooth ng 60Hz niyang display.
PERFORMANCE
Naka-Android 13 Go Edition na ito, Helio G36, 3GB RAM at 64GB eMMC 5.1 internal storage. Para sa mga hindi pa familiar sa difference ng eMMC at UFS, ‘yung eMMC ay paisa-isang data lang ang kayang i-process samantalang ang UFS ay okay lang kahit magkasabay na data.
Ang daming bloatware apps na kailangan nating i-uninstall out of the box tulad ng LinkedIn at Spotify. Para sa 64GB na storage, kaialangan talaga natin mag-isip kung anong mga apps ang kailangan natin i-install.
Nag-install din ako ng Antutu dito pero bigla na lang siyang nagka-crash kaya hindi ko kayo mabibigyan ng benchmark score. Pero considering na hindi niya ma-run ang Antutu, asahan natin na mababa talaga ang score na makukuha dito. Kahit sa 3D Mark ay hindi siya compatible kaya hindi natin makikita ang Wild Life Stress Test result dito.
Para sa mga rider na gagamit nito, kaya nitong i-load ang Google Maps at medyo lag sa Waze. Sa WiFi naman, compatible lang ito sa 2.4GHz connection. Maayos din niyang na-load ang Lazada at Shopee app.
Pagdating naman sa gaming, hindi tayo makakapag-download dito ng Asphalt 9 kasi hindi siya compatible kaya Asphalt 8 lang ang mata-try natin dito. Pagdating sa game play, paminsan-minsan merong framedrops at lag pero hindi naman obvious. Kagaya din ng nabasa niyo kanina, wala talagang ghosting ang 60fps niya.
BATTERY
Dahil hindi compatible ang 3D Mark dito, hindi tayo makakakuha ng SOT. Pero considering na sobrang hina ng kanyang chipset tapos ang laki ng battery capacity, napakalaki ng SOT na makukuha natin sa phone na ‘to.
Para lang din mabigyan kayo ng idea, from 38-100%, ang itinagal niya sa charge ay 1 hour and 48 minutes. Medyo matagal talaga kasi 10W lang ang charging speed. Pero sa tagal ng battery life niya, hindi na tayo magrereklamo na ganyan katagal i-charge itong Redmi A2+.
CAMERA
Meron itong 8MP main shooter, 0.8MP depth sensor at 5MP selfie camera. Pagdating sa video recording, 1080p 30fps ang pinakasagad na resolution. ito ang mga sample photos:
Ito na ‘yung pwede niyong i-expect kapag gusto niyong bumili ng super budget phone. Pwede niyo itong gawing secondary phone at pwede ding primary phone kasi kaya niyang patakbuhin ang mga everyday applications natin tulad ng Facebook, Instagram at YouTube. reliable din ang battery life nito pero mag-a-adjust lang tayo sa charging time.
Kung gusto niyo itong bilhin, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljfbhy