Price
Ang iu-unbox natin ngayon ay ang 6/128GB. Nasa baba ang link kung gusto mo i-check ang latest price.
Unboxing
Kung hindi ako nagkakamali, itong Redmi 13C ay same na same ng specs sa POCO C95. Iba ang design ng box compared sa mga naunang Redmi lineup. Mas simple na ang box, wala na ang design ng phone, may red accent, brand name, at top specs. Ang iu-unbox natin ngayon ay ang Midnight Black na colorway, pero meron din itong Clover Green, Navy Blue, at Glacier White. Kung ako naman ang tatanungin, piliin niyo ang Glacier White para sa magandang design at kulay.
Pagbukas ng box, unang makikita natin ang 13C na nakabalot sa protective plastic. Sa loob ng box may document sleeve, sa loob nito ay may SIM ejector pin, documentation, at safety information. Wala itong kasamang case. Sa ilalim ng box ay may USB-A to USB-C cable at 10W na charging brick. Nakakalungkot dito sa 13C na wala nang jelly case at 10W lang ang charging brick, kasi capable ang phone sa 18W na charging.
Design
Napakasimple lang ng phone pero mas lamang ang pagiging POCO ng design nito. Matte finish naman ang phone at hindi naman sobrang kapitin ng smudges. Flat ang mga sides ng phone. Nasa right side ang power lock button na conventional fingerprint scanner at ang volume button. Sa left side ang SIM tray. Sa taas ng phone ang headphone jack. Sa baba ang main mic, USB-C port, at ang speaker. Ang SIM tray naman ay may Dual SIM slot at micro-SD card slot. Naka-notch ang selfie camera nito at makapal ang bezels, na expected naman kasi budget friendly ang phone. Nakakalungkot din na wala nang jelly case at wala ring naka-install na screen protector. Imbis na makatipid tayo sa phone ay bibili pa tayo ng mga missing accessories.
Good news naman na compatible ang phone hindi lang sa 2.4GHz Wi-Fi connection at sa 5GHz Wi-Fi connection. Hindi maganda ang haptics ng phone kaya I suggest na i-off niyo nalang. Sa quality naman ng speaker, okay naman, hindi naman ako nabitin sa max volume pero hindi rin naman sobrang lakas. Hindi rin naman muffled ang sound quality kahit naka-max ang volume. Yun nga lang ay para sa ganitong persyo, meron ng mga phone sa ngayon na naka dual speaker na kahit less than Php7,000 ang price. Pagdating sa speed ng fingerprint scanner, okay naman at hindi naman maarte ang animation nito. Reliable at mabilis din ang pag-scan nito.
Display
Specification:
Kahit pa protected ito ng Corning Gorilla Glass, mas maganda sana kung meron itong pre-installed na screen protector. Mabuti na lang ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Sa Netflix, ang Maximum Playback Resolution ay Full HD. Sinubukan ko rin mag-play ng 1080p video sa YouTube at kaya naman pero kapag lagpas ng 1080p ay laggy na.
90Hz ang max Refresh Rate nito at pwede naman natin ito i-lock or auto. Bumababa naman ito to 60Hz pero kahit hindi ginagalaw ay tumataas 90Hz. Sana ma-fix ito ng Xiaomi sa susunod na update.
Performance
Specification:
Tandaan natin na eMMC ang storage type nito at hindi UFS. Ang Antutu score na nakuha natin ay 274588, not bad para sa ganitong specs pero sa presyo ay magdadalawang isip na tayo.
Pagdating sa gaming dito sa Asphalt 9, okay naman at hindi naman potato quality ang graphics, paminsan-minsan may frame drops tayong mae-experience. Overall, okay naman ang mag-game dito at lalo na kung casual games.
Camera
Meron itong 50MP na Main shooter, 2MP Macro lens, meron din itong Ai Camera or Auxiliary lens, at 8MP na Selfie camera.
Ito ang sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshot:
Sa selfie camera, hanggang 1080p/30fps ang pinakasagad na video recording. Pagdating sa quality ay okay naman at hindi na masama sa ganitong presyo. wala itong stabilization kaya maalog ito kapag naglalakad tayo. Sa exposure at brightness ng buong video ay okay na. Sa rear camera, 1080p/30fps lang din ang pinakasagad na resolution na pwede nating ma-record. Ang pinakasagad na digital zoom ay 6x at detailed pa rin naman. Wala itong kahit anong stabilization.
Battery
Specification:
I advise na bumili na rin kayo ng 18W na charger para ma-utilize niyo ang 18W charging ng 13C.
Sa Wild Life Stress Test, nabawas sa battery ay 4% at nadagdagan ng 4 degrees Celsius sa temperature. Possible naman na mag-last ang battery ng phone sa isang buong araw.
Verdict
Sulit ba itong Redmi 13C? Kung ako ang tatanungin, baka tumingin muna ako ng ibang option kasi nabitin talaga ako sa phone. Not bad naman para sa entry level phone ng Xiaomi at may potential. Sana sa susunod na alteration ng C models ay mas maganda pa ang maibibigay sa atin. Nabitin lang ako pero okay pa rin ang phone.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkh7ow
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: