Nag-unbox ako nitong Redmi 12 noong September 13, 2023 at hindi pa officially na-a-announce ang SRP nito. Pero in-unbox ko na para magamit ko at mabigayan ko kayo ng full review. Ang nandito sa atin ngayon ay ang Polar Silver na kulay na may 8/128GB na variant.
UNBOXING
Pag-open ng box, makikita agad ang Redmi 12 na nakabalot sa plastic na may nakasulat na top specs sa harap. Sa loob ng box, meron pa itong document sleeve, sim ejector pin, jelly case na frosted, 22.5W charging break at USB-C to USB-A cable.
DESIGN
Meron itong premium glass back design at ang ganda niya. Bihira ito sa mga entry level na phone. Tapos, ang maganda pa dito sa Redmi 12 ay meron itong IP53 rating na dust and splash resistant. Pero siyempre ingatan pa din natin ito from scratches kasi glass ang likod nito. Dahil makinis na makinis ang likod nito, kapitin talaga ito ng fingerprints at smudges.
Ang good news pa dito ay pwede ito sa 2.4GHz at 5GHz WiFi connection. Pagdating naman sa haptics, above average naman siya. Hindi siya pang-entry level, para siyang phone na nasa PHP12,000. Kung pag-uusapan naman ang fngrprint scanner, naa-unlock naman siya kaagad ng isang dampi lang.
Ang nakakalungkot lang dito sa Redmi 12 ay single firing speaker lang siya pero malakas, hindi muffled, at malinis pa din ang tunog niya. Isa pa sa nakakalungkot ay hybrid ang sim tray nito kaya mamimili lang kayo kung dual sim o isang sim at micro SD card ang isasalpak niyo dito.
DISPLAY
Meron itong 6.79″ FHD+ DotDisplay resolution, 396ppi, 90Hz refresh rate at aabot ng 550 nits ang peak brightness. Kung pag-uusapan natin ang quality ng kulay ng display, okay naman ito ay napaka-decent. Hindi naman siya sobrang murang display. Actually, ang color coverage nito ay NTSC 70%. Pwede ding matipla ang kulay ng display nitong Redmi 12 kasi meron itong Color Scheme na may tatlong preset: Vivid, Saturated at Standard.
Pagdating sa refresh rate, meron itong dalawang option: Default, kung saan bumababa to 60Hz kung kinakailangan at Custom kung gusto niyong i-lock to 60Hz o 90Hz ang refresh rate.
PERFORMANCE
Naka-MIIU13 na ito out of the box, Android 13, MediaTek Helio G88 chipset, 8GB LPDDR4X RAM at 128GB eMMC 5.1 internal storage. Meron itong Virtual RAM up to 8GB so technically, pwedeng umabot ng up to 16GB RAM. Pero dahil ng eMMC 5.1 ang ginamit na storage dito, huwag niyo na lang gamitin ang Virtual RAM kasi mas babagal ang performance nitong Redmi 12.
Pagdating sa Antutu Score, 278027 lang ang nakuha kapag naka-on ang Virtual RAM. Pero kapag naka-off, 284746 naman ang nakuha. Kaya malaki ang difference sa performance kapag hindi natin ginamit ang Virtual RAM.
Pagdating sa gaming, potato quality ang nagenerate niyang graphics sa Asphalt 9 pero smooth naman ang game play at bihira lang ang framedrops at lag. Sa CarX Rally naman, kahit naka-default ang refresh rate setting, hindi pa din siya umaabot ng 60Hz kahit i-try pa nating i-lock to 60Hz.
CAMERA
Meron itong 50MP main shooter, 8MP ultrawide, 2MP macro lens at 8MP selfie camera. Bihira lang natin makita sa mga budget-friendly Android phones ang ultrawide kaya thumbs up sa Xiaomi. Ito ang mga sample shots:
BATTERY
Meron itong 5000mAh battery capacity at capable sa 18W fast charging. Kapag naka-Auto ang refresh rate, nakakuha tayo ng 10 hours and 2 minutes SOT. Sa totoo lang, nagulat ako na iyan lang ang napiga nating SOT dito kaya inulit ko. Kaso, mas bumaba pa ang nakuha nating SOT, 9 hours and 38 minutes na lang. Kapag naka-lock naman sa 90Hz, ang naging SOT naman ay 10 hours and 8 minutes. Kaya kahit anong setting pa ang gawin natin dito, naglalaro lang siya sa 10 hours at nakakadisappoit ‘yun. Kasi sa mga budget-friendly phones sa ngayon, umaabot na siya ng 14 hours. Sana sa mga susunod na software updates ay mafix ito ng Xiaomi. Pero kapag naka-60Hz, tumaas naman siya kasi nakakuha tayo ng 12 hours and 48 minutes. Pagdating naman sa charging, from 10-100%, 2 hours and 4 minutes ang inabot.
Iyan na lahat ang information na gusto kong i-share sa inyo para makatulong sa inyo na mag-decide. Para sa inyo, sulit ba itong Redmi 12? Comment lang kayo diyan sa baba. Para naman sa updated price, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljv96r