Unboxing
Kakaiba ang itsura ng box ng phone, wala ng makikitang anime at simple na lang. May naka-emboss na REDMAGIC sa box. Nasa atin ngayon ang 16/512GB variant na Cyclone. Pag-open ng box, unang makikita ay document sleeve na may REDMAGIC logo. Sa loob nito ay may SIM ejector pin, warranty card, at hard case. Fully covered naman ang likod ng phone kapag gamit ang case maliban sa gilid.
Sunod naman ay ang mismong REDMAGIC 9 Pro na nakabalot sa plastic. Sobrang ganda ng likod ng phone. Flat na flat din ang camera module nito. Paglagay ng hard case, mas naging glossy pero protected ang phone. May card din ito na may mga QR code. Sa likod ng box ay may charging brick na USB-C ang port at USB-C to USB-C cable.
Price
Nasa baba ang link para sa updated price.
Design
Nagustuhan ko ang pagiging simple nito compared sa previous generation. Mas less ang RGB lights dito. Ang may RGB Light ay ang Generation 9 text, cooling fan, at shoulder triggers. Sa taas ng phone makikita ang secondary microphone, secondary speaker, IR Blaster, at audio jack. Sa left side naman makikita ang opening vent para sa cooling fan at Part ito ng ICE 13.0 Cooling System ng phone. Meron din itong largest Vapor Chamber Plate na sabi nila ay aabot ng 18 degrees Celsius ang lamig. Sa right side makikita ang shoulder triggers, volume buttons, power lock button, at gaming space switch. Ang shoulder triggers nito ay 520Hz pa rin ang sensitivity. Hindi ko lang alam bakit ito ipinagmamalaki ng nubia na 20% ang increase, kasi parehas lang naman ito sa mga bagong release na phone ng nubia. Ibinababa rin nila ng kaunti ang power lock button na sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan. Hindi kasi natural ang placement kapag naka-rest ang thumb.
Maganda din ang haptics ng phone at mas nagustuhan ko ang haptics nito compared sa iPhone 15 Pro. Pagdating naman sa quality ng sound ng dual speaker, DTS:X Ultra ito at ito pa rin ang pinakamalakas na dual speaker sa lahat ng phone na nasubukan ko. Hindi nakakabitin ang max volume at hindi rin sabog ang quality. Compatible din ang phone sa bluetooth earbuds or TWS.
Display
Specification:
Naka Delta-E<1 ang color accuracy nito, ibigsabihin ay sobrang accurate at kung ano ang nakikita ng mata natin na kulay ay iyon ang makikita natin sa display. Ang Widevine Security Level dito ay Level 1. Dapat nakakapag-play tayo dito ng Full HD content sa mga streaming services. Pero dito sa Netflix, Standard Definition lang ang pwede.
Natitimpla naman natin ang kulay sa settings, may option ito para sa Colorful, Standard, at Soft. Pwede rin natin ma-adjust ang color temperature. Sa behavior ng Refresh Rate, merong Auto, 60Hz, 90Hz, at 120Hz. Pagdating sa battery consumption ng bawat isa sa refresh rate option, hindi naman nagkakalayo ang SoT na nakuha ko. Kaya mas maganda i-select niyo nalang palagi ang Auto.
Performance
Specification:
Flagship na flagship ang performance nito. Ang Antutu score na nakuha natin dito ay 2137800. Patunay iyan na sobrang bilis ng phone na ito.
Test din natin ito sa mga games pero ang starting temperature natin ay 36.4 degrees Celsius. Naglaro ako ng ilang mabibigat na games at after ng ilang minutes, ang temperature ay naging 39.2 degrees Celsius. Pagdating sa real-life usage ay okay naman ang temperature nito. Lahat din ng games na nilaro ko ay nakasagad ang performance at palaging naka-high ang display settings. Hindi naman sobrang alarming ang ending temperature.
Pero sa Wild Life Stress Test, from 28 degrees Celsius ay umabot ito ng 58 degrees Celsius. Nabawas naman sa battery ay 23%. Sobrang alarming nito, high ang performance natin dito at nakasagad ang display. After ng test, hindi ko talaga mahawakan ang phone sa sobrang init at literal na mapapaso ka. Pagdating sa mga games, hinay-hinay pa rin tayo. kahit na bago ang cooling system ng phone ay bago rin ang chipset na inilagay dito.
Try naman natin dito ang screen casting, gagamitin natin ang Gamesir T4 Cyclone game pad. Pag-connect ng phone sa monitor ay magmi-mirror agad. Pagi-enable natin ang Game Space ay para na tayong may gaming console. Enjoyable naman maglaro dito at hindi rin agad umiinit ang phone kapag naka-screen cast tayo.
Camera
50MP ang Main shooter natin dito na may OIS. Ang Ultrawide naman ay 50MP din. May Macro camera din ito na 2MP. Ang selfie camera ay 16MP naman. Under display ang selfie camera at mas-immersive ang gameplay at panonood ng movies.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Pagdating sa quality ng mga photos ay hindi pa rin impressive. Pang-Php15,000 ang quality ng photos. Understandable naman iyan kasi hindi naman pang-mobile photography ang phone na ito. Pero decent naman ang quality.
Ito ang sample video screenshot:
Sa video recording naman, pinakasagad nito ay 1080p. Dahil under display ang selfie camera ay malabo talaga ang quality.
Battery
6500 mAh ang battery capacity nito at 80W ang charging speed. Good news para sa mga maglalaro habang naka-charge ang phone, meron itong charge separation para mabawasan ang init ng phone habang naglalaro tayo. Nakuha nating SoT ay 10 hours and 15 minutes, sobrang liit niyan para sa 6500 mAh na capacity. Ang setting natin niyan ay naka-auto ang refresh rate at 50% ang brightness. kailangan pa talaga ng optimization sa bagong chipset ng phone na ito.
Charging
Specification:
Verdict
Sulit ba itong REDMAGIC 9 Pro? Kung ako naman ang tatanungin, if ever na naka-8s pro ka ngayon, diyan ka na muna. Sa sunod nalang ng 9 Pro kung gusto mo ng mag-upgrade. Sana lang talaga ay magkaroon pa ng software update para gumanda pa ang battery performance at thermals ng phone. Drawbacks lang ang alarming heat at ang SoT na nakuha natin. Pero kung hindi naman bothering sa atin iyan ay okay na itong phone. Hindi na masama ang presyo para sa specs.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clki42l
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: