Pag-uusapan natin ngayon ang bagong phone ng Nubia na kakarelease lang dito sa bansa natin. Ito ang Redmagic 8S Pro. Habang ginagawa ko ang blog na ‘to, di ko pa alam ang eksaktong presyo pero sinabi sa akin ng Nubia na ang International Price ng 8/256GB variant ay $649, o kung ida-direct convert natin ay PHP35,300+. Considering na itong phone na ito ay may flagship specs, mura na talaga ‘yan!
UNBOXING
Mas simple ang box nitong Redmagic 8S Pro compared sa ibang Redmagic phones na na-unbox natin. Makikita sa harap ang Redmagic branding, 8S Pro at Win More Games na text. Ang nandito sa atin ngayon ay 8/256GB variant at Midnight na color way.
Pag-open natin ng box, ang bubungad sa atin ay ang document sleeve na merong sim ejector pin, transparent hard case at warranty card. Pagkatapos, makikita na natin ang Redmagic 8S Pro na nakabalot at meron siyang metal brush finish na nakakapagpa-elegante ng hitsura. Wala din siyang curve sa likod at flat na flat ang kanyang gilid. Sa ilalim ng box, makikita naman ang USB-C to USB-C cable na kulay pula at charging break na USB-C ang port.
Merong tatlong colorway itong Redmagic 8S Pro: Platinum na may 6/512GB, Midnight na may 12/256GB at Aurora na may 16/512GB.
DESIGN
Katulad ng nasabi ko kanina, bawat sides ng phone na ‘to ay flat na flat. Wala tayong mapapansin na kahit kaunting curve dito. Kapag tinignan natin sa may right side, nasa magkabilang dulo ang shoulder triggers na 520Hz ang Touch Sampling Rate at may 7.4ms ang Response Rate. Makikita din sa right side ang daanan ng hangin para sa cooling fan, powerlock button at microphone. Sa may left side naman makikita ang isa pang daanan ng hangin at volume up and down buttons. Sa taas, meron itong headphone jack, microphone at secondary speaker. Sa ilalim naman makikita ang sim tray, main microphone USB-C port at main speaker. ‘Yung sim tray niya ay dual sim lang kaya i-make sure niyo na kung bibili kayo ng phone na ‘to ay sapat ang storage para sa inyo kasi hindi niyo siya malalagyan ng micro SD card.
Sa harap, kapansin-pansin na proportioned o symetrical ang bawat bezel niya sa baba, taas at bawat gilid. Wala din itong notch o punch hole selfie camera kasi under display ang selfie camera. Kapag naka-on naman ang kanyang cooling fan, meron kayong makikitang ilaw sa likod at sa kanyang exhaust. Kagaya pa din ng dati, ang ginamit na material sa middle frame nitong 8S Pro ay Aviation Aluminum. Para lang pasimplehin, mas matibay ang metal na ‘yan compared sa iba. Pero malamang ang primary reason ay nakakatulong iyan sa heat dissipation.
Meron din itong Dual Stereo with DTS:X Ultra. Sobrang lakas ng speaker nito, hindi talaga ako nabitin at sobra-sobra pa. Minsan hindi ko matagalan ang maximum volume niya plus hindi sabog. Talagang immersive at may separation ang left at right na sound.
Hindi din WiFi 6 ang nilagay nila dito, kundi WiFi 7 na. Kaya talagang latest at mas mabilis ito lalo na kung ang router mo ay compatible sa WiFi 7. Tapos, ang bluetooth version na ginamit ay 5.3 na.
DISPLAY
Pagdating sa display, meron itong 6.8″ AMOLED 1116 x 2480 resolution, 400ppi at may maximum refresh rate na 120Hz. Corning Gorilla Glass 5 ang nilagay nilang protection dito sa display at meron itong 1300 nits peak brightness. Ang kanyang Touch Sampling Rate ay 960Hz.
So, hindi lang flagship level ang inilagay na specs ng Nubia dito sa Redmagic 8S Pro kasi pang-gaming talaga kasi nga 960Hz ang TSR kaya sobrang sensitive ng display nito na makakatulong sa mga gamers. Tapos ang kanyang resolution ay mas mataas pa sa Full HD+ pero mas mababa ng kaunti para sa 2K resolution. So, mas sharp ang magiging quality ng image dito compared sa mga Full HD+ lang na display.
Para lang din sa mga curious, ang Widevine Security Level nito ay Level 1 kaya makakapanood tayo dito ng mga HD content sa mga streaming services.
PERFORMANCE
Naka-Redmagic OS 8 na ito on top of Android 13. ‘Yung SnapDragon Gen 2 na nilagay dito ng Nubia ay ang leading version daw ng SD 8 Gen 2. Kahit ano pang variant ang piliin natin dito, mabilis siya talaga dahil ang RAM nito ay LPDDR5X na at ang kanyang storage ay UFS 4.0. Tapos, naglagay pa ng dedicated gaming chip ang Nubia dito sa Redmagic 8S Pro alongside SD 8 Gen 2 para matulungan pa siya sa iba pang task. So, ang tawag sa dedicated chip na ‘yan ay Red Core 2. itong Red Core 2 ang tumutulong sa SD 8 Gen 2 sa ibang mga task tulad ng pag-handle sa audio, sa haptic feedback at RGB lighting. So, kapag naglalaro tayo, hindi na iyan aasikasuhin pa ng SD 8 Gen 2 at magfo-focus na lang ang main chipset sa application or sa mabigat na game na pinapatakbo natin. In theory, mas bibilis ang performance ng SD 8 gen 2 kasi nabawasan ‘yung task na iha-handle niya.
Bakit naman nasabi ng Nubia na itong Redmagic 8S Pro ay may leading SnapDragon 8 Gen 2 na chipset? Kasi ang CPU frequency ng SD 8 Gen 2 ay tinaasan pa nila. From 3.2GHz, ginawa nilang 3.36GHz. Tapos, ‘yung GPU Frequency ay tinaasan din nila, from 680Hz to 719Hz. Kaya, hindi lahat ng SD 8 Gen 2 ay naka-overclock sa ganyang frequency. Again, mae-expect natin na sobrang bilis ng phone na ‘to!
Pero hindi pa natatapos diyan. Kung may Red Core 2 na tumutulong sa main chipset, meron ding tinatawag na Magic GPU na inilagay dito ang Nubia. ‘Yung Magic GPU naman ang mag-aasikaso sa High Refresh Rate Display. Again, nabawasan ulit ng task ang main chipset na SD 8 Gen 2. Tapos, upgraded na din ang cooling system nito na tinatawag na ICE 12.0. Kagaya ng dati, same pa din ang vapor chamber pero may new layer of graphene sa ilalim ng display ngayon kaya mas mabilis na lumamig itong phone na ‘to. Andiyan pa din ang Turbo Fan na may 20,000 RPM speed at kayang magproduce ng 4 decibel noise.
Para makita ang ilang options ng kanyang refresh rate, punta lang kayo sa quick panel at makikita niyo na ang ilang option: Intelligent Adjustment (Auto), 60Hz, 90Hz at 120Hz. Meron din dalawang option ang kanyang fan: Balance at Rapid Cooling.
Kapag naka-Auto ang refresh rate, nakakuha tayo ng 1,637,200 Antutu Score. Napakataas niyan at defeated ang 99% of users.
GAMING
Pagdating sa actual games, wala na tayong dapat patunayan kasi sagad-sagaran na ang chipset ng phone na ‘to. Kapag gusto natng i-setup ang kanyang shoulder triggers, i-swipe lang natin mula sa gilid para lumabas ang mga option tapos pwede na nating i-map sa kahit anong part ng display ang mga shoulder triggers. Sobrang simple lang at madaling i-setup talaga. Sobrang responsive niya kaya talagang mag-e-enjoy dito ang mga gamers.
REDMAGIC STUDIO
Para ma-access ang Redmagic Studio na feature ng phone na ‘to, isaksak lang natin sa monitor itong Redmagic 8S Pro gamit ang USB-C. Kapag nasaksak na natin, mami-mirror na kaagad kung ano ang nakadisplay sa 8S Pro. Pero hindi iyan ang gusto natin. Ang kailangan nating gawin ay i-enable ang Game Space. Kapag na-enable na natin, automatic mag-iiba na ang UI sa ating monitor. Pwede nating gamitin ang 8S pro na trackpad at mouse. Pero mahirap kontrolin ang game kapag gamit ang 8S Pro. Kaya gagamit tayo ng bluetooth controller. Sobrang nakaka-enjoy kasi meron ka ng instant console. Tapos, ang ganda pa ng performance at graphics na kayang ibigay sa atin nito.
CAMERA
Meron itong 50MP Samsung GN5 main shooter at 16MP f/2.0 UDC selfie camera. Ang main shooter nitong 8S Pro ay kayang mag-shoot ng hanggang 8K video recording. Pero ang kanyang Under Display Camera (UDC) ay hanggang 1080p na video recording lang. Pero hindi na tayo masyadong mag-e-expect sa camera ng phone na ‘to kasi hindi iyan ang strogest aspect nito kasi pang-gaming ito. Ito ang mga sample photos:
BATTERY
Pagdating sa battery, meron itong 6000mAH battery capacity at compatible sa 65W charging speed. Nakakuha din tayo ng 11 hours and 24 minutes na SOT kapag naka-auto ang refresh rate. Pero kung ilalagay natin ito sa 60Hz lang, nakakuha tayo ng 13 hours and 38 minutes. Kung sakali naman na 90Hz ang napili natin, nakakuha naman tayo ng 14 hours and 13 minutes. Tapos ang bilis niya din ma-charge kahit malaki ang battery capacity niya. From 19-100%, 31 minutes ko lang na-charge.
Kapag tinignan din natin ang setting ng kanyang battery, mero tayong makikita na Charge Separation. Basically, kapag i-enable natin iyan habang naka-charge, titigil na siya sa pag-charge sa internal batteries at ang pumapasok na current ay gagamitin niya as power. Kaya tatagal ang buhay ng battery at maiiwasan ang pag-init sa phone.
Nakita niyo na ang daming features nitong Redmagic 8S Pro at for PHP35,000 talagang sulit na sulit siya.Talagang maire-recommend ko siya kung humahanap kayo ng gaming phone na hindi masakit sa bulsa.