Habang ginagawa itong article ay wala pang available price itong REDMAGIC 10 Pro. Sa Global website ng REDMAGIC ay $799 ang presyo nito. Itong ire-review nating configuration ay ang 16/512GB na REDMAGIC 10 Pro. Nasa baba ang link kung gsuto mo i-check ang updated price.
Unboxing
Napakasimple na nang box compared sa mga nagdaang generation. Sa gilid ng box ay may makikita tayong text na “WIN MORE GAMES“. Sa ilalim makikita yung colorway at configuration ng phone. Pag-open ng box, una nating makikita ay document sleeve na may REDMAGIC logo. Sa loob nito ay may SIM ejector pin, documentation, at case. Ang ganda ng case dahil frosted, although expose yung gilid dahil sa shoulder triggers ay understandable naman. First time akong nagandahan sa case ng isang REDMAGIC phone. Sunod na makikita natin ay yung mismong phone, at nafe-feel ko na sobrang flat na flat. Nasa atin ngayon yung Dusk na colorway pero meron pa itong Moonlight at Shadow colorway.
Kapag nilagay na natin yung case sa phone, ang ganda at sobrang premium ng itsura. Hindi kapitin ng smudges at fingerprint. Napakalinis tingnan at may additional grip kasi textured ito. Yung mismong phone ay flat na flat. Walang bump yung camera module at para kang may hawak na brick. Ayos na ayos yung ginawa nila sa phone. Sa ilalim ng box ay may charger na USB-C ang port at 100W na. Yung charging cable naman ay kulay red pa rin yung accent.
Design
Gustong-gusto ko talaga yung design nitong phone. Hindi kagaya ng nagdaang generation na ang daming butas at ang loud ng RGB strips. Gaming pa rin ang vibe pero napaka-decent ng design. Meron pa rin itong built-in na fan na 23,000rpm yung speed. At kasama niyan yung REDMAGIC ICE X Cooling system na may solid state liquid metal cooling. Present pa rin yung ating shoulder triggers sa magkabilang side at 520Hz pa rin yung TSR nito na same sa REDMAGIC 9s Pro. Sa right side rin nakalagay yung Game Space Slider. Sa taas naman ng phone ang headphone jack, IR Blaster, secondary speaker, at secondary microphone. Nasa ilalim naman ang main speaker, USB-C port, main mic, at SIM tray.
Sa harap, proportioned sa bawat side at sobrang nipis lang ng bawat bezel ng phone. Sobrang immersive talaga at in display pa rin yung selfie camera. Tapos yung fingerprint scanner ay optical fingerprint scanner pa rin at hindi ultra sonic. Konting feedback lang sa stereo speakers, sobrang ganda ng tunog. Kung gagamitin natin for gaming or streaming ay mage-enjoy talaga tayo sa speaker ng phone.
Display
Specification:
Medyo weird lang na ang Widevine Security ay Level 3 lang sa Netflix application. Standard Definition lang ang max playback resolution nito. Sana sa susunod na software update ay ma-fix ng REDMAGIC ito.
Performance
Specification:
According sa website ng REDMAGIC ay 13% faster at 30% power efficient naman yung RAM nito compared sa ibang LPDDR5X na RAM. Yung UFS 4.1 Pro naman ay 50% faster daw compared sa UFS 4.0. Yung chipset nito na Snapdragon 8 Elite ay 4.32GHz lang naman yung max clock speed. Talagang sagad-sagad as usual yung makukuha nating performance sa phone.
Game Test
Kapag in-open natin yung games ay swipe lang natin sa either side sa taas ng screen para lumabas yung iba pang settings ng Game Space. Pwede tayong mamili ng performance profile. Dito rin natin pwedeng i-map yung Shoulder Triggers. Pili lang tayo kung saang part ng screen yung mapipindot ng left at right shoulder triggers. Sobrang responsive ng triggers at malaking tulong para ma-enjoy natin yung gaming experience. Pero sa totoo lang ay wala pa ring tatalo sa physical gaming controller, kagaya nitong ginagamit ko palaging GameSir controller. Dahil sa flat na flat na form factor nitong phone ay perfect fit sa GameSir controller. Parang Nintendo switch na nga yung dating.
Pwede rin natin i-connect sa external monitor itong REDMAGIC 10 Pro. Ang gamit kong monitor ay ang Arzopa Portable Gaming Monitor na 144Hz din yung refresh rate kaya saktong-sakto sa phone. Once connected ay pwede natin gamitin as trackpad yung screen ng REDMAGIC 10 Pro para makapag-navigate. Try natin sa PSP emulation itong phone. Set lang natin sa highest setting itong PPSSPP dahil gusto natin makita kung kakayahin ng REDMAGIC 10 Pro ang ganitong settings. Imbes na gamitin ang phone as controller, ang gagamitin natin ay ang GameSir Controller para mas immersive yung experience natin at parang naka-gaming console talaga tayo. Sisiw na sisiw sa REDMAGIC 10 Pro ang PSP emulation.
Performance Test
Meron tayong tinatawag na extended RAM or virtual RAM sa REDMAGIC 10 Pro. Kahit 16GB na yung ating RAM at kulang pa rin sa atin ay pwede natin i-enable ito for additional 12GB of virtual RAM. Ang AnTuTu Score na nakuha natin ay 2527971, grabe ang score at iyan ay kapag naka-on ang extended RAM. Kapag naka-off naman ay nakuha nating score ay 2520539. Bumaba ng kaunti nung pinatay natin yng extended RAM. Dahil sa sobrang bilis na storage type na nakalagay sa REDMAGIC 10 Pro ay mabilis din yung performance ng virtual RAM. Malaking tulong talaga kapag gagamitin natin ang virtual RAM if ever lang na talagang kulang pa sa atin yung 16GB.
Pero kagaya pa rin dati, ang sad news sa REDMAGIC phone ay umiinit pa rin. Sa result ng Wild Life Stress Test, yung stability score ay 62.9% lang. Bagsak talaga at yung throttling sa may graph ay pababa ng pababa kaya hindi stable yung performance nito. Nabawasan ito ng 13% sa battery at nadagdagan ng tumataginting na 21°C sa temperature at umabot ng 51°C. Kahit updated at upgraded yung cooling system ay talagang malakas pa rin yung mage-generate na heat nitong phone. Sana sa susunod na software update ay ma-improve yung thermal performance ng phone. Yun nga lang ay isang major update lang ang ini-promise ng REDMAGIC para sa phone.
Pero nung ini-connect ko ito sa external monitor habang nagga-games ako ay wala akong alarming heat na na-experience or na-feel sa phone. At maganda rin na kung ikakabit natin ito sa monitor or magga-games tayo habang nagcha-charge ay i-enable natin yung charge separation.
Battery
Itong REDMAGIC 10 Pro ay may 7050mAh na battery capacity at capable sa 100W na fast charging. Hindi dahil mataas ang battery capacity ay mataas na rin yung SoT na nakuha natin sa phone.
Sa result ng PCMark test, lahat ng test na ginawa ko ay naka-50% ang brightness. Unang test ay 8 hours and 2 minutes ang nakuha natin na naka-auto ang refresh rate at naka-on ang fan. Sunod naman ay 7 hours and 55 minutes, naka-fix naman sa 120Hz yung refresh rate at naka-on ang fan. 7 hours and 46 minutes naman ang sumunod na mas mababa pa. Iyan ay kapag naka-fix to 90Hz at naka-on ang fan. Inisip ko ay malakas mag-consume sa battery ang fan kaya in-off ko. At naging 8 hours and 1 minute lang talaga kapag naka-auto refresh rate at naka-off yung fan. Sa result ng test sa battery, alinman sa SoT na iyon ay walang naka-2 digits at naglalaro lang to 7 hanggang 8 hours of screen on time. Nakakalungkot, sana sa susunod na software updates ay ma-enhance man lang ng REDMAGIC ito.
Camera
Specification:
Ito ang sample video screenshot:
Sa video ng 16MP na under display selfie camera ay ganun pa rin. Hazy pa rin ang quality at parang merong dumi, fingerprint, or smudge sa may selfie camera.
Ito ang mga sample photos:
Conclusion
Iyan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa REDMAGIC 10 Pro. Overall, hindi ako na-disappoint pagdating sa overall performance, display, charging speed, chipset, RAM, at storage. Top natch at talagang sagad-sagad yung performance or specs na makukuha natin. Yung thermals lang talaga. Sana ma-improve iyun ng REDMAGIC sa mga susunod na software updates.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clm2bd8
Arzopa Gaming Monitor – https://invol.co/clm2jf5
GameSir Cyclone 2 – https://invol.co/clm2jfa
GameSir X2 Pro – https://invol.co/clm2jfc
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: