Naglabas ng bagong phone ang realme. Ito ang realme Note 50. Pwede mo ito bilhin sa Shopee or Lazada, nasa baba ang link.
Price
Less than Php4,000.00 ang presyo ng phone na ito. Actually, na order namin siya noong February 2024 sa Shopee ng Php2,648.00. Ang mura talaga ng phone na ito, kaya tingnan natin kung okay ba ‘yung value na makukuha natin sa phone na ito compared sa presyo.
Unboxing
Sleeve ang top part ng box. Pagkatanggal ng sleeve, makikita agad natin ang document sleeve at ”Make it real” na text. Nasa loob naman ng document sleeve ang SIM ejector pin, documentation, at jelly case. Kahit na napakamura ng phone na ito, meron pa ring jelly case. Makapal ‘yung case, may protection sa camera bump, glossy, at hindi puti, kaya hindi makikita agad ang discoloration dito. Sa ilalim naman ng box merong 10W na charging brick na USB-A ang port, at USB C to USB-A cable.
Makikita sa likod ang realme logo at camera module. Naka-dual texture and likod ng phone. Sa camera side ay glossy na may pagka-3D effect ng kaunti. Sa malaking part ng likod ay matte finish naman. Sa gilid naman ay flat at matte finish. Okay na okay sa akin ‘yung itsura ng back panel ng phone. Ang galing ng realme dahil napagmukha nilang may kamahalan ang phone na ito. Maganda talaga quality ng realme phones. Nagtaas lang sila sa presyo, kaya medyo natabunan sila ng mga bagong players pagdating sa tech industry.
Naka notch selfie camera at medyo makapal ang chin, pero hindi ganun kakapal. Expected ‘yan sa ganitong presyo ng phone. Sa gilid makikita natin ang sim tray. Malinis ang nasa taas. Sa right side naman ang volume up and down button, power lock button na fingerprint scanner din. Sa baba naman makikita ang USB-C port, main mic, headphone jack, at single firing speaker. Pagdating sa performance ng fingerprint scanner, decent naman ang animation. Nakalubog ang power button na medyo hindi ko gusto. Ang haptics naman ng phone na ito ay hindi mukhang Php4,000.00. Maganda yung haptics nito para sa presyo. Sa quality naman nang kaniyang speaker ay okay din. Kahit isa lang ang speaker ay hindi basag. Kahit i-max natin ang volume ay hindi ako nabitin. Hindi parin distorted ang tunog. Naka IP54 rating ang phone. Dust and splash resistant na ito pero hindi waterproof. May pre-installed na screen protector na rin ito.
May additional feature ito na tinatawag na Mini Capsule. Kagaya ito ng Dynamic Island na makikita sa mga iPhones. Kapag nag-charge o low bat na, makikita natin na magkakaroon ng black bar sa taas.
Display
Specification:
Pagdating sa quality ng display ay okay naman. Wala naman problema sa color reproduction. May free will din tayo na timplahin ‘yung kulay sa settings. Pero ito ang napansin ko, kapag white ang naka display sa screen, may discoloration sa bandang baba. Matagal ng problema ng mga entry level phones ng realme. Mahirap na magreklamo para sa presyo nito. Hindi tayo makakapag-play ng mga HD content sa mga streaming services. Standard definition lang ang pwede natin ma-play dahil ang Widevine Security Level ay Level 3 lang.
Nakakagulat din na para sa presyo nito, 90Hz na ang max refresh rate. Maganda din na pwede ito bumaba to 60Hz ng kusa kung kinakailangan.
Performance
Specifications:
Merong RAM expansion up to 4GB, so pwede magkaroon ng total of 8GB of RAM. Maliit lang ang 64GB, pero buti nalang pwede maglagay ng micro-SD card. Madami ring mga bloatware pero pwede naman ito i-uninstall.
Ang Antutu score, kapag naka-on ang MemFusion ay 246345. Pag in-off naman ang memory expansion, ay 246863. Nadagdagan kaunti ang score, at may kaunting boost sa performance kapag in-off ang memory expansion.
Pagdating naman sa performance sa gaming, dito sa Asphalt 9, bihira naman mag-lag at mag-framedrop, 60fps pa ang gameplay. For the most part, smooth naman. Hindi nito na-generate lahat ng graphics dahil outdated ang chipset pero pwedeng-pwede na.
Camera
Specifications:
Ito ang mga sample photos:
Selfie and Main camera video screenshots:
Ito naman ‘yung selfie camera na 720p and 30fps, iyan na ‘yung pinaka sagad na resolution. Pwede na, magagamit na natin sa video call, pero tingin ko kasi kaya pa ng 1080p. Pinakasagad naman na video recording ng main camera ay 1080p 30fps. Siyempre wala itong auto-stabilization. Sa autofocus okay naman, nakaka-focus naman agad pero nawawala sa focus kung minsan.
Battery
5000mAh na yung battery capacity at capable sa 10W charging speed. Para sa taong 2024, sobrang bagal talaga nito. Na-charge ko ito from 33% to 100% for 1 hour and 50 minutes. Isang downside rin ay medyo mabilis mabawasan ang battery life. Hindi maganda ‘yung standby time ng phone at real life battery performance. Sana mahabol pa ng realme sa mga susunod na software update at ma-optimize pa nila pagdating sa battery.
Verdict
Para sa akin, sulit na itong realme Note 50. Hindi na ako magrereklamo, okay na okay na ito para sa Php4,000.00 or mas mababa pa nga na price.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkog4q
Shopee –https://invl.io/clkog4b
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: