Unboxing
Ang realme C67 na nasa atin ay ang 4G version. As of writing this article, ang presyo nitong 8/128GB ay Php8,702.90. May variant din na 256GB for Php10,999.00. May dalawang color way na pwedeng pagpilian, Sunny Oasis at Black Rock. Sunny Oasis ang nasa atin ngayon. Almost same pa rin ‘yung box sa mga previous generation ng realme. Pagbukas natin may documentation sleeve. Sa loob ng sleeve may SIM injector, documents, at jelly case. Ang jelly case ay makapal, medyo matigas, at may additional protection para sa camera bump. Sa ilalim ng box ang 33W na charging brick na USB-A ang port, at ang USB-C to USB-A cable.
Design
Sa likod ng documentation sleeve ang realme C67 na nakabalot ng plastic. Ang ganda sa personal at napaka-sosyal ng itsura. Matte finish sa malaking part nito. Sa may bandang camera module ay medyo glossy. Depende rin sa angulo at tama ng ilaw ay nagiging gold ‘yung baba. May pagka-brushed metal finish ‘yung design. Hindi ko lang nagustuhan ‘yung kapal ng camera module. Flat ang gilid ng phone. Sa right side makikita ang power lock button na fingerprint scanner na rin, at ang volume up and down button. Sa left side ‘yung SIM tray, na pwede salpakan ng dalawang SIM at micro-SD card. Sa may ilalim naman ang speaker grail, USB-C port, main mic, at headphone jack. Sa harap ay may punch hole selfie camera at pre-installed na screen protector. Manipis ang bezel nito at sa bandang chin lang ‘yung makapal onti. Meron din itong IP54 dust and splash resistant.
Pagdating sa bilis ng fingerprint scanner, okay naman. Medyo may kabagalan kaunti yung animation nito. Pero pwede natin ma-adjust ‘yan sa setting. Pagdating naman sa quality ng dual speakers, malakas at hindi ako nabitin. Pag-max ‘yung volume, nandun sa borderline na magiging muffled na ito pero pasado pa rin. Ang secondary speaker ay parang secondary mic. Maliit na butas lang ito at madali matakpan kapag nag-games tayo.
Display
Specification:
Ang ganda ng quality ng display nito para sa presyo. Ang sharp ng image. Okay ‘yung color reproduction at meron itong sRGB color coverage. Pwede rin natin matimpla ang kulay sa settings. Pagdating sa behavior ng refresh rate, from 90Hz bumaba to 60Hz kung kinakailangan. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services. May Mini Capsule 2.0 pa rin. Kapag nag-charge or nakatanggap ng notification, lilitaw ito na parang Dynamic Iland ng iPhone.
Performance
Specification:
Meron itong RAM Expansion up to 8GB. In total pwede magkaroon ng up to 16GB of RAM. Pagdating naman sa UI or user Interface, okay naman at almost stack android. Meron din mga bloatware pero pwede naman i-uninstall.
Tingnan natin ‘yung effect ng RAM expansion. Ang Antutu score kapag naka-on ang RAM expansion ay 304375. Not bad, okay na rin para sa mga social media applications. Pag-off naman ang RAM expansion, nakuhang score ay 310395. Ang layo ng difference. Kung hindi naman natin kailangan ng virtual RAM, huwag na natin i-on kasi babagal ng kaunti ang phone.
Pagdating naman sa gaming, okay naman. Dito sa Asphalt9, hindi nito na-generate lahat ng graphics pero smooth naman. Medyo malayo naman sa pagiging potato quality. Kung casual gamer ka ay mage-enjoy ka dito sa realme C67. Test din natin sa isa pang game, GRID Autosport. Again, hindi nito na-generate lahat ng graphics. Pero enough na sa mata ‘yung graphics para masabi na okay na. Pagdating naman sa mismong performance, wala namang lag o frame drops.
Camera
Specification:
Sayang, sana Ultrawide nalang nilagay nila mas okay sana. Kasi ‘yung depth pwede naman daanin sa software. Pero ang 108MP na main camera ay may 3x in-camera zoom.
Ito ang mga sample photos:
Sample Main camera video screenshot:
Kapag i-enable natin ‘yung Ultra Steady Mode, medyo mag zo-zoom in kaunti. Pero kapag hindi naka-enable, pwede tayo makapag-zoom up to 10X. Sa video naman ng selfie camera, 1080P ang pinakasagad na resolution. Meron din itong EIS or Electronic Image Stabilization.
Sample Selfie camera video screenshot:
Battery
Specifications:
After ng Wild Life Stress Test, ang nabawas lang sa battery ay 3%. Ibig sabihin hindi magastos sa battery ang phone na ito. Kahit na magpatakbo tayo ng mabigat na game or application. Ang temperature ay umabot lang ng 33 degrees Celsius. Napansin ko na mabagal bumaba ang battery percentage. Maganda talaga ‘yung battery performance nito.
Verdict
Pagdating sa presyo ay acceptable na. Pero nasa border na ito na magiisip ka kung ito na ba ‘yung sulit para sa presyo na ‘yan. Kasi kapag naalala natin ‘yung M6 Pro ng Poco, na ilang libo nalang naka AMOLED na at mas maganda chipset. Kung main focus mo sa isang android phone ay camera, magandang battery performance, at magandang design. Sulit na sulit sa iyo itong realme C67.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkog4q
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: