Matagal na rin mula nang mag-review ako ng realme phone. Nandito sa atin ngayon ang bagong release ng realme na C65 at may kasama rin itong realme Buds T110.
Price
Nasa baba ang link para sa updated price.
Unboxing
Matte finish ang earbud at may realme branding sa harap, LED indicator, at USB-C port for charging. Pagbukas ng buds, ang color sa loob ay yellow at ang ganda nito. All black ang itsura ng mismong earbuds at napaka-stealthy naman kapag suot na natin at babagay sa kahit anong suot natin. Mahaba-haba ang stem nito at para sa akin ay mas maganda yung audio quality kapag gamit ang isang earbuds na mahaba ang stem. Dahil mas malapit sa bibig natin yung mic.
Sa box naman ng C65 makikita ang text na C65, realme logo, at 48-month fluency protection ng TUV Rheinland. Big deal ang fluency na ito kasi ibigsabihin nito na kung ano ang experience nating performance sa day 1 ay yun ang magiging experience natin sa loob ng 4 na taon. Hindi ito babagal sa loob ng apat na taon kaya ganun kaganda yung promise ng realme sa C65. Sa likod naman ng box makikita ang ilan sa mga top specs.
Nasa atin ang Starlight Purple na colorway pero if ever na ayaw natin ng color na ito ay meron pang Starlight Black. Una nating makikita sa box ang document sleeve na may “Make it real” text. Sa loob nito ay may SIM ejector pin, documentation, at jelly case. Protected naman lahat sa phone, pati ang camera module sa case. However, yung mga ganitong klase ng case ay madaling dumilaw kaya bili kayo agad ng mas magandang case.
Sunod naman ang C65 na nakabalot sa matte na plastic. Maganda naman ang Starlight Purple, napaka-elegante tingan dahil may glitter effect at holographic effect. Kapag tini-tilt natin ang phone ay makikita natin ang design sa likod. Sa ilalim naman ng box makikita ang USB-C to USB-A cable for charging at 45W na SuperVOOK charger.
Design
Nang una kong makita ang design ng phone, una kong naging reaksiyon ay pamilyar na pamilyar yung design. At upon checking, kamukha nito ang Samsung Galaxy S22. Flat ang mga gilid natin kaya comfortable naman ito hawakan. Sa left side makikita ang SIM tray at good news dahil ang SIM tray ay may dedicated micro-SD card slot plus dual SIM. Sa right side naman ang volume up and down button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa taas naman ay walang makikita na kahit ano. Sa may ilalim naman ang single firing speaker, USB-C port, mic, at may headphone jack na rin ito. Sa harap naman ang punch hole selfie camera at may pre-installed na screen protector out of the box.
Kapansin-pansin lang na malaki ang chin nito at hindi naman na tayo nagulat dahil Php10,000 lang ang phone. Itong C65 ay may IP54 na splash and dust resistance kaya kung maulanan man ito or matalsikan ng tubig habang naghuhugas tayo ng plato o kaya papunta tayo sa maalikabok na environment ay walang problema. Pero huwag niyo ito ilulubog sa tubig.
Pagdating sa haptic, medyo torn akong patayin dahil konting-konti nalang at malapit na ito sa sobrang entry level na vibration. Yung single firing speaker nito sa ilalim ay malakas dahil nilagyan nila ito ng Ultra Volume Mode na up to 200%. Malakas talaga, hindi ako nabitin, at kahit max ang volume ay maganda pa rin ang quality at hindi sabog.
Display
Specification:
Hindi tayo mage-expect na sobrang magiging maganda yung display nitong C65 dahil 720p lang ito pero sharp ang mga text, maganda ang quality ng mga pictures, at pasado pa rin. Yun lang ay kahit 90Hz ay may mapapansing delay kapag tino-touch natin. Hindi siguro ganun kataas ang touch sampling rate nitong phone dahil may ghosting talaga. Kapag all white ang naka-display ay wala tayong makikita na yellowish tint. Sa ibang mga phone na ganito ang presyo at specs ay yun ang compromise pero sa C65 ay wala tayong na-encounter na ganitong problema.
Balikan natin saglit itong realme Buds T110. Kapag in-open natin ang charging case sa tabi ng C65 ay may pop-up message na lilitaw. Tap lang natin ang connect at huwag natin isasara ang charging case hanggang mag-connect ito. Simple lang at hindi na natin kailangan pumunta sa Bluetooth para i-pair manually. After ng test, ang ganda ng tunog! Nagulat ako dahil ang lakas ng base at walang halong exaggeration ito. Kung humahanap kayo ng murang Bluetooth earbuds na maganda yung quality, pwede sa gaming dahil meron itong 88 milliseconds na super low latency mode, IPX5 water resistant, itong realme Buds T110 ang piliin niyo. Ang ganda ng tunog at base, hindi ito sobrang lakas pero damang-dama mo yung base. Ginamit ko lang pang-test ay YouTube App at hindi pa naka-Spotify kaya mas compress ang audio. Mas gaganda pa ang quality ng sound kung makikinig tayo gamit ang mga streaming services.
Bad news lang itong phone pagdating sa pag-stream ng movies and TV series dahil sa Netflix application, ang Widevine Secuirty Level nito ay Level 3 lang. Standard Definition lang ang pwede natin ma-play. Pagdating sa display settings ay may screen color mode kaya pwede natin ma-customize o matimpla ang kulay ng display, kung gusto natin ng mas vivid or mas natural. Pwede rin natin ma-customize ang color temperature.
Pagdating naman sa screen refresh rate setting ay may tatlong option; auto, standard, at high. Kung high ay naka-lock lang ito sa 90Hz, standard ay naka-lock lang sa 60Hz, pero sa buong test ang ginamit ko ay auto. At upon checking, from 90Hz ay bumababa naman ito to 60Hz kung hindi natin ginagalaw ang display or hindi kailangan ng mataas na refresh rate sa isang application.
Performance
Specification:
Meron itong tinatawag na RAM expansion sa realme UI. Kapag in-on natin ito ay pwede tayo mamili kung 4GB, 6GB, or 8GB. Nasa sa atin na kung gaanong kalaking storage yung kukunin natin para maging RAM. Ang Antutu score kapag naka-on ang RAM expansion, 284543. Kapag naka-off naman ay medyo nag-improve ang performance at naging 285686. Hindi ko pa rin mare-recommend na i-on ninyo yung RAM expansion dahil gagamitin naman natin ang phone sa everyday apps like YouTube, TikTok, Facebook, and Instagram. Kung hindi tayo mago-open ng mabigat na application or games ay okay na kahit naka-off yung RAM expansion at mas mabilis pa ang performance.
Meron din itong tinatawag na AI Boost, pwede natin i-optimize ang performance nito. Dito sa game boost ay maku-customize natin yung minimum CPU frequency tsaka minimum DDR frequency. Malaking bagay ito para ma-set natin yung performance ng game tsaka sa everyday application natin. Meron din itong Air Gestures na pwede natin ma-control or ma-swipe yung isang application gamit lang ang hand gestures. Malaking bagay ito kapag ginagamit natin ang phone habang nagluluto, naghuhugas, or naglalaba ay hindi na natin kailangan i-touch ang display dahil basa ang kamay natin. Yun nga lang ay may ilang supported apps lang ngayon na gagana ito; Facebook, YouTube, Instagram, at TikTok. Pero malaking bagay na dahil ito naman ang palagi nating ginagamit. Mention ko lang din na una kong narinig ang Air Gesture sa O+ pero hindi ko alam kung maalala niyo yun.
Meron din itong tinatawag na Dynamic Button, pwede tayo mag-set ng action depende sa ilang touch or pindot yung gagawin natin sa power lock button. Ang maganda din dito ay kapag ini-swipe natin yung powerlock button pataas or pababa ay nagiging volume controll ito. Nabilib ako dahil minsan lang ako makakita ng ganito.
Pagdating naman sa gaming, hindi nito na-generate lahat ng graphics pero for the most part ay napaka-smooth at wala tayong noticeable na lag or frame drops. Sa CarX Rally ay naka-sagad ang graphics settings pero nakaka-30fps pa rin ito sa buong gameplay kaya okay naman. Pero hindi ko pa rin mare-recommend itong C65 sa gaming.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Okay naman ito pero hindi ito ganun ka-sharp, yung kulay nito ay okay lang din pero medyo maputla.
Battery
Specification:
Ang laki ng SOT na napiga natin dito, 15 hours and 34 minutes. Kung gagamitin natin ito buong maghapon sa work or babyahe tayo at meron tayong GPS base na pinapatakbo, hindi ito agad-agad na malo-lowbat. Highly recommended ito sa mga naghahanap ng phone na maganda yung battery performance.
Conclusion
Ito na lahat ng gusto kong i-share sa inyo tungkol sa realme C65? Bibilhin niyo ba ang phone na ito?
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllbfsp
realme Buds T110 – https://invol.co/cllbfsl
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: