Nasanay tayo sa mga padlock or deadlock sa security ng mga pinto natin. Pero sa ngayon dumadami na ang gumagamit ng Smart Lock. Kasi syempre mas convenient, mas madaming option ng pag-unlock, at pwede ma-lock/unlock remotely. Itong smart lock na pag-uusapan natin ngayon ay ang MGS Elite Pro na provided sa atin ng MGS.
Ang current price nitong MGS Elite Pro Smart lock ay Php30,000.00. Pwede mo i-check ang link sa baba kung gusto mo bumili.
Installation
Dahil may smart lock na kami before madali nalang na-install itong MGS, mga 30 minutes. Nung nilabas itong smart Lock na-excite ako kasi ang ganda ng itsura. Remider lang kung magu-upgrade from conventional to smart lock, ay medyo matagal ang installation. Dahil huhulmahin pa ang butas na paglalagyan ng smart lock. Kaya estimate ko mga 1 to 2 hours ang installation.
Pagkatapos ng installation, sa may bandang taas ay meron itong camera at display na built-in. May kasama na rin itong 3 Keycards at 2 Emergency Physical Keys. Sa bandang taas ay ang 3D face sensor na may 3D IR Reader, kaya hindi mapepeke ang pag-unlock gamit lang ang picture. Nagse-serve din ito as intercom, dahil meron na itong mic at camera. May LED light na ma-activate kapag gabi, para makita natin ng mas malinaw ‘yung mukha ng kumakatok. May maliit ring LED display para sa date and time, at navigation na rin sa settings. May numeric pad para sa passcode. Nasa gitna ng numeric pad ang inductive card area para sa key card. Nasa baba ng numeric pad ang capacitive button, para sa unlock at sa doorbell. Sa baba ng numeric pad ang fingerprint scanner. Mabilis naman at accurate ang pagbasa ng fingerprint.
Paano nalang kapag low battery na ang smart lock natin? Itong Elite Pro ay may dalawang ways or emergency entry kung sakali maabutan natin na low battery na itong elite pro. Una ay ang Mechanical Keyhole. May isa pang option, ang USB port. Power bank lang at USB ay pwede na mapagana agad ang fingerprint scanner at makapasok sa bahay.
Sa kabilang side naman, makikita natin ang colored LCD display para ma-view kung sino ang kumakatok. Sa oras na may pumindot sa doorbell, makikita agad ‘yung view ng camera sa labas. Removable din ito at may SD card slot sa loob para ma-save ‘yung videos ng mga nagdo-doorbell. Pagtinangal natin ang LCD display makikita ang removable battery. Mas maganda kung bibili kayo nito ay mag-order agad ng extra battery. Sa baba ng LCD display ay makikita natin ang handle or doorknob para ma-lock at unlock ang pinto. Kung ayaw mo i-turn ang handle, meron namang buttons. Sana lang, lock at unlock ‘yung nilagay na label. Meron din lock sa baba na anti-theft lock or double lock. Kapag ginamit mo ito, kahit sino pa na may card or user na naka-register ay hindi makakapasok.
Pagdating sa security guys ay wala ako masabi, nabigay ng Elite Pro ang security na kailangan natin sa bahay. Mabilis ‘yung pagbasa nito sa fingerprint scanner at mabilis din ang basa sa card key. Meron din itong Auto Lock, kusa maglo-lock ang pinto depende sa naka-set na duration. Hindi lang ako na-satisfy sa UI navigation. Halimbawa, sa front na display nito, masyadong maliit ‘yung text para sa navigation. May text na hindi ko mabasa, dahil putol at hindi naga-auto scroll para mabasa natin ng buo. Isa pa, kapag kailangan natin mag-register ng fingerprint ng user or admin, kailangan tandaan ‘yung user ID na lilitaw kasi hindi nae-edit ang name ng user.
App
May companion app itong Elite pro, ito ang USmart Go. Install niyo lang at i-connect ang smart lock. Hindi ko na ipapakita kasi medyo complicated gawin. Sa app makikita ‘yung log or history ng lock at ang unlock. Makikita rin natin ‘yung User ID ng pumasok at nag-lock ng pinto. May user management naman ito. Pwede tayo mag add ng user pero hangang name lang. Hindi natin pwede lagyan ng fingerprint o User ID. Isa pang complaint ko dito sa Elite Pro ay ang pag-sync ng oras. Nagtanong ito kung isy-sync ba natin ‘yung oras mula sa phone papunta sa smart lock. Pero kahit na-sync na, tama ‘yung nasa loob na display pero sa labas ay mali.
Battery
Ang una naming smart lock ay tumatagal ng months ang battery, pero itong MGS ay okay na ‘yung 7 days. Depende na ‘yun sa kung ilang user ang labas pasok sa bahay. Kapag may nag-doorbell ay magri-ring ang ating phone, at makikita sa phone kung sino ang nagdo-doorbell at pwede na natin i-unlock ang pinto.
Verdict
Overall, masasabi ko na goods na goods ang smartlock na ito pagdating sa security. Nagustuhan ko rin na built-in na ang camera. Nagustuhan ko rin na nasa iisang app na ang functionality ng camera at ang mismong smart lock. Pero pagdating sa UI experience, may room for improvement MGS. Para sa akin hindi user friendly ang Ui sa ngayon. Maayos lang ang problema sa UI pati na rin ‘yung companion app, hindi ko na papansin ang ibang issues kagaya ng battery. Pero overall, security wise ay okay na okay ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Facebook
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: