Price
Pagusapan natin ngayon ang POCO X6 Pro. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price.
Unboxing
Ang iu-unbox natin ngayon ay ang 12/512GB variant na color Black. Pero may ibang color pa ito na Yellow at Gray. Ang unang bubungad sa atin ay ang document sleeve. Sa loob nito ay ang SIM ejector pin, documentation, at case. Nakabalot naman ang phone sa plastic na may top specs. Same lang din ang itsura ng phone sa X6 5G. Meron din itong 67W charging brick at USB-C to USB-A cable.
Design
Sa taas ng phone ay makikita natin ang secondary speaker, mic, at IR Blaster. Sa ilalim naman ay ang main speaker, USB-C port, main mic, at SIM tray. Dual SIM lang ang pwede ilagay sa SIM tray. Sa right side ay ang volume button at power lock button. Malinis naman sa left side. Pantay na pantay ang bezel ng phone sa harap. Naka-punch hole selfie camera na ito at may pre-installed na screen protector.
Meron ding mga bloatware ang phone pero pwede naman natin i-uninstall. Pagdating naman sa haptic, maganda at flagship na flagship ang feels. Sa dual speaker naman, nag-enjoy din ako. Ang ganda ng tunog kahit max ang volume dahil Dolby Atmos ang sound. Meron din itong IP54 dust and splash resistance. Matalsikan man ng tubig ay okay lang.
Display
Specification:
Pagdating sa color accuracy ng phone, napaka-color accurate nito at maganda sa mata. 1.5K ang resolution nito. Reliable din ang performance in-display na fingerprint scanner. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix, ang Maximum Playback resolution ay Full HD. Compatible din ito sa Dolby Vision at HDR 10.
Naka-lock lang ang Refresh Rate sa 120Hz kahit naka-default. Sa Color Scheme naman may Original Color Pro para sa realistic na kulay. Meron din itong Vivid at Saturated. Natitimpla din natin ang kulay sa settings.
Performance
Specification:
Parang flagship ang specs ng phone. Bakit pa tayo bibili ng sobrang mahal na flagship kung meron namang X6 Pro? Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-on ang Mem-Fusion ay 1154335. Grabe, pang-Flagship killer ang score nito! Ang score kapag naka-off ay 1156769. Kung ‘di naman kailangan ng RAM extension ay i-off niyo nalang.
Pagdating sa gaming, hindi tayo madi-disappoint sa performance. Napakaganda ng performance ng phone na ito. Kahit mabigat ang game na nilalaro natin dito ay okay pa rin. Walang alarming heat at wala ring lag or frame drops.
Camera
Specification:
Ito ang sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
Battery
5000mAh ang battery capacity nito na may 67W charging speed. Ang nakuha nating SoT ay 12 hours and 54 minutes. Iyan ay kapag naka-default ang screen refresh rate. Magi-improve pa ito in the future lalo na kung mafi-fix ang issue ng lock refresh rate. Nang i-set namin sa 60Hz lang ang refresh rate, ang nakuha namin na SoT ay 16 hours and 30 minutes.
Verdict
Sulit ba itong POCO X6 Pro? Para sa akin sulit ang phone na ito, kung ang hinahanap natin sa phone ay flagship level na performance at display. Decent na rin naman ang quality ng camera. Bakit pa tayo bibili ng sobrang mahal na phone? Okay na itong X6 Pro. I recommend na bilhin niyo ang 12/512GB para future proof.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://s.zbanx.com/r/v007OL4Yus5U
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: