Alam ko napakadami na sa inyo ang bumili sa phone na ito mula ng na-release. Dahil hindi lang napakaganda ng performance ng phone na ito, abot kaya pa para sa specs. Kayang-kaya nito talunin ang karamihan sa mga bagong phone ngayon na mas mataas pa nga ang presyo. Ano ba talaga ang primary value na makukuha natin sa phone na ito? Kamusta na ang Antutu Score sa ngayon? Kamusta ang battery performance? Charging Speed?
Price
Ang ire-review natin ngayon ay ang 12/512GB na variant. Nasa baba ang link para ma-check mo ang latest price.
Design
Itong Poco X6 Pro ay may IP54 dust and splash resistance. If ever na matalsikan ng tubig at mapunta sa maalikabok na environment ay walang problema. Saktong-sakto yan sa mga nagpaplanong mag-travel ngayong bakasyon. Ang haptics ng phone ay still one of the best sa lahat ng na-test kong phone ngayong 2024. Flagship like ang quality at immersive kapag nagta-type.
Ang speaker naman ng phone, hindi man ideal ang placement ng secondary speaker pero loud enough naman ang quality. Maganda ang separation ng left and right kasi dual speaker ito at naka-Dolby Atmos pa. Kung manonood tayo or magga-games ay feel na feel natin ang sounds. Ang hindi ko lang nagustuhan sa phone ay ang napaka-glossy na likod. Mabuti nalang ay may kasamang jelly case ang phone. Naka-expose nga lang ang camera module at maiipunan ng mga alikabok.
Display
Talagang flagship specs ang display nitong phone. Isa itong phone sa ngayon na may pinakamagandang display. Walang halong exaggeration para sa presyo. Ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Makakapag-play tayo dito ng Full HD + may support din ito sa HDR at Dolby Vision.
Kahit outdoor ay kita pa rin ang display dahil sa 1800 nits na peak brightness. Napaka-taas din ng touch sampling rate ng phone na 2160Hz. Sa color reproduction naman, accurate dahil sa 100% ang DCI-P3 color coverage. Kaya rin nitong mag-produce ng 68 billion colors. Sa display settings, may option tayo para mabago ang kulay.
Performance
Out of the box naka-HyperOS ito on top of Android 14. Latest din ang security patch ng phone. Dimensity 8300 Ultra ang chipset nito. Ang chipset na iyan ay nasa premium 5G family ng MediaTek. Ibig sabihin, one step away nalang nasa flagship 5G family na ito. LPDDR5X ang RAM nito at UFS 4.0 ang storage. Killer combination ang nilagay dito ng POCO.
Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-off ang Mem-Fusion ay 1382544. Kapag naka-on naman, ang score ay 1139058. Malaki-laki ang nabawas sa performance kapag naka-on ang Mem-Fusion. Kung bibili tayo ng phone na ito, much better na bilhin ang 12GB na version. Ang Antutu score na nakuha natin dito ay mas mataas pa kumpara sa ibang phone na mas mahal ang presyo. Performance ang primary value na ibibigay sa atin nito.
As expected, even sa gaming ay makakuha tayo ng flagship performance. Pwede natin isagad ang graphics sa karamihan ng heavy games.
Battery
Specification:
Charging
Specification:
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Huwag natin kakalimutan na hindi camera focus ang phone. Kaya huwag tayo mag-expect ng flagship quality sa mga photos at videos. Hindi naman na masama ang mga photos, pwede na sa mga social media posting or pag-scan ng documents.
Verdict
Sulit ba itong POCO X6 Pro para sa presyo? Para sa akin, oo naman. Lalo na kung ikaw yung tipo ng user na unang-unang hinahanap sa phone ay chipset. Mabilis talaga ang phone na ito dahil sa RAM at storage type. Maganda rin ang display nito. Huwag lang tayo mag-expect sa camera.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://s.zbanx.com/r/X32NG97Q1F23
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: