Maliban sa Poco X5 5G, meron na din tayo ngayong Poco X5 Pro 5G. I-unbox natin ‘to ngayon at ibibigay ko sa inyo ang aking quick review. Huwag kayong mag-alala kasi meron tayong in-depth review dito kaya abangan niyo ‘yun! Bukod sa in-depth review, gagawa din tayo ng gaming review dito sa Poco X5 Pro 5G.
Ang price nitong Poco X5 Pro 5G ay PHP15,659 na may 6/128GB variant. Iyan ay early bird price. Pero ang original price niya is PHP16,999. Samantala ‘yung 8/256GB na variant ay may early bird price na PHP17,659. Pero ang magiging regular price niya ay PHP18,999. Kapag sinamantala niyo ang early bird price nitong Poco X5 Pro 5G simula February 7 to February 13, pwede pa kayong makakuha ng Redmi Smart Band 2 na worth PHP1,599 para sa first 1500 units.
UNBOXING
Wala namang masyadong kakaiba sa box nitong X5 Pro dahil same pa din ang design, black pa din na may yellow accent. Pag-open natin ng box, document sleeve agad ang bubungad sa atin. Meron itong sim ejector pin sa loob, documentation at jelly case na makapal.
Sobrang ganda ng color yellow na X5 Pro. Maliban sa meron siyang black accent, matte finish pa siya kaya hindi siya kapitin ng fingerprint at smudges. Pati powerlock button, color yellow din. Sa ilalim ng box, makikita naman ang 67W na charger at USB-C to USB-A cable.
DESIGN
Una sa lahat, flat ang lahat ng sides niya kaya para sa akin, comfortable siyang hawakan at maganda ang grip natin dito. Kagaya din ng nabasa niyo kanina, maganda talaga ang texture ng likod niya. May pagka-sand paper ‘yung hitsura ng itim sa may camera module.
Sa taas, meron itong headphone jack, secondary microphone, IR Blaster at secondary speaker. Sa may ilalim makikita ang USB-C port, main microphone, sim tray at main speaker. Sa may right side naman, andito ang volume up and down buttons at powerlock button na fingerprint scanner na din. Sa left side, wala tayong makikita. Sa harap, meron itong punch hole selfie camera sa gitna at manipis ang kaniyang bezel. Almost proportioned na ang kaniyang chin sa forehead, konting-konti na lang ang difference nila. Good news din dahil meron na tayong naka-install dito na screen protector.
Okay din ang fingerprint scanner niya. Kapag mag-open siya, hindi ganun katagal ‘yung animation niya. Napaka-subtle lang kaya isang dampi, mag-a-unlock siya kaagad.
Isa pa sa mga nagustuhan ko sa design nitong Poco X5 Pro ay ‘yung kaniyang haptics. Ang ganda ng haptics nitong phone na ‘to, hindi ko talaga pinatay. Pang-flagship level na siya.
Maganda din ang speakers nito sa taas at baba kasi hindi siya tunog lata. Maganda ang kaniyang maximum volume, hindi ako nabitin at may Dolby Atmos pa ‘yan. Although, in reality, mas malakas ang tunog niya sa baba compared sa taas kasi secondary lang ‘yung speaker sa taas. Pero overall, ang ganda ng tunog niya, nag-enjoy ako at ang immersive lang.
Medyo nakakalungkot lang kasi ang sim tray nitong Poco X5 Pro ay dual sim lang. Wala siyang dedicated na micro SD Card slot.
Panhuli, itong Poco X5 Pro ay merong IP53 rating. Kaya sa design pa lang niyong Poco X5 Pro, kumpleto na tayo. Ulitin lang natin. Meron itong headphone jack, dual speakers, IR Blaster, USB-C port, conventional ang fingerprint scanner at meron pang IP rating.
DISPLAY
Meron itong 6.67″ FHD+ Flow AMOLED DotDisplay na may maximum refresh rate na 120HZ at Touch Sampling Rate na 240Hz. Ang kaniyang peak brightness ay aabot ng 900 nits at 500 nits naman ang typical brightness. Protected ito ng Gorilla Glass 5 na may support sa 10-bit color at DCI-P3 color coverage. So almost flagship level ang makukuha natin dito sa Poco X5 Pro 5G.
Makakapanood din tayo dito ng mga HD content sa mga streaming services kasi Level 1 ang kanyang Widevine Security.
Meron din tayong tatlong options sa Refresh Rate Settings: Default, mag-a-adjust automatically ang refresh rate depende sa kung anong ginagawa natin, pwede din nating i-lock to 60Hz at pwede ding i-lock sa 120Hz. Pero kung gusto nating makatipid sa battery, I suggest na pilii niyo ang Default na refresh rate setting.
Katulad din ng dati, pwedeng ma-customize ang timpla ng kulay ng display nitong Poco X5 Pro 5G. Meron itong tatlong presets: Vivid, Saturated at Standard. Kung gusto naman nating ma-customize ng manual, click niyo lang ang Advanced.
PERFORMANCE
Out of the box, naka-MIUI14 na tayo dito kaya latest features ng MIUI ‘yung mae-experience natin dito sa Poco X5 Pro. Pero gusto ko kayong i-remind na ‘yung MIUI14 na andito sa atin ngayon ay MIUI14.0.1, hindi MIUI14.0.22. ‘Yung MIUI14.0.22 ay may feature na pwedeng palakihin ang icon sa home screen.
Naka Snapdragon 778G na chipset, 6-8 ang RAM depende sa pipiliin natin at 128-256GB ang internal storage. Meron din itong Dynamic RAM Expansion 3.0. Sa memory extension, pwede tayong mag-add ng hanggang 5GB of virtual RAM. Pero katulad ng mga nakita niyo na sa mga test sa ibang mga phone, kapag in-enable natin ‘to, hindi siya agad magha-hang pero medyo mako-compromise ang speed ng ating phone.
Tignan naman natin ang performance niya sa gaming. Sa Rush Rally 3, umaabot siya ng more than 100fps kaya compatible siya sa high refresh rate na gaming. Sa mismong game play, sagad ang graphic settings niya pero umaabot pa din siya ng more than 60fps. Kaya capable sa gaming itong Poco X5 Pro 5G.
Kapag naka-Default ang refresh rate setting, nakakuha tayo ng 532,655 Antutu Score. Ang gandang score niyan! Kaya maaasahan natin ang magandang performance sa phone na ‘to. Kapag naka-set sa 60Hz, nakakuha naman tayo ng 529,603 Antutu Score.
CAMERA
Meron itong 108MP main shooter, 8MP ultrawide camera, 2MP macro lens at 16MP na selfie camera. Sa selfie video recording naman, hanggang 1080p 60fps ang pinakasagad na resolution na pwede nating i-set. Hindi ganun ka-wide ang framing pero satisfied naman ako sa quality kasi hindi siya ganun kapanget, hindi rin mukhang maputla or blurry at sharp din siya. ‘Yun nga lang hanggang 1080p lang siya, walang 4K resolution at wala din siyang stabilization o OIS.
BATTERY
Meron itong 5000mAh battery capacity at 67W na charging speed. Nakakuha din tayo ng 15 hours and 43 minutes na SOT. Abangan niyo sa full review kung anong refresh rate setting yan. Napakagandang SOT niyan para sa ganitong specs ng phone. Pagdating naman sa charging, 51 minutes lang ang inabot from 14-100%.
Abangan niyo ‘yung in-depth full review ko dito sa Poco X5 Pro 5G at ang dedicated gaming review.
Para sa inyo, anong masasabi niyo sa phone na ‘to? Comment kayo jan sa baba.
Para sa akin, ang ganda ng phone na ‘to. Ang ganda ng design lalo na ‘yung color yellow. Highly recommended ko tong yellow! Ang ganda din ng display niya, sobrang accurate ng kulay. Maganda din ng battery life at camera. So far, wala pa akong nae-encounter na issue dito after almost 1 month na paggamit ko sa kanya.
Kung sakali na gusto niyo na itong bilhin, click niyo lang itong link: https://invol.co/clgcjj2