Price
As of writing this article, ang POCO Pad ay may presyong Php14,999. Lahat ng natuklasan ko sa tablet na ito ay isha-share ko sa inyo. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Black na may yellow accent pa rin ang box nitong POCO Pad na kagaya ng ibang phones ng POCO. May Dolby Vision at Dolby Atmos itong branding sa may itaas. Nasa atin ngayon ang Gray na POCO Pad na 8/256GB. Pagbukas ay makikita natin ang nakabalot na Pad, ang balot nito ay parang telang manipis na may naka-print na top specs. Napakasimple lang ng itsura ng POCO Pad at powered na ito ng Xiaomi HyperOS. Meron din itong 33W na charger sa ilalim ng box, USB-C to USB-A cable, documentation, at SIM ejector pin.
Sunod naman ang POCO Smart Pen, napaka-familiar naman ng design at may kasama na itong extra tip sa loob ng box. Upon writing this article, ang presyo nito ay Php2,699.
Sunod naman ang POCO Pad Keyboard, maganda ang key travel nito kaya mas masarap mag-type at protected pa ang Pad natin. Ang presyo nito ay Php3,299.
Kung ayaw mo naman ng case na may keyboard, ito naman ang POCO Pad Cover. Mawa-wake na yung Pad natin sa tuwing ino-open ito kaya less pindot sa power lock button. May lalagyanan din ito ng Smart Pen sa Gilid. Ang presyo nito ay Php719. Nasa baba ang link kung gusto mo ma-check ang updated pricing.
Design
Kapag tiningnan natin yung likod, napakasimple lang nito at walang kahit anong mga extra design na makikita sa likod. Elegant at napaka-professional ng itsura. Ang color blue na POCO Pad ay may Gold Accent yung camera module. Flat naman ang mga sides nito at sa taas ay makikita natin yung dalawang speakers na may Dolby Atmos Dolby Vision na Branding. Quad speaker ang meron dito kaya kahit sa baba ay may dalawa pang speaker, headphone jack, at USB-C port. Sa right side naman makikita yung volume up and down button, pati ang mga microphones, at tray. Sa tray ay SD card lang ang pwedeng ilagay pero pwede tayo magsalpak ng up to 1.5TB na micro-SD card.
Sa harap makikita natin ang selfie camera na nasa loob ng bezel. Kapag naka-landscape mode tayo ay nasa gitna ang camera kaya goods yun. Ang bezels din ng phone ay pantay na pantay, talagang immersive yung experience natin dito pagdating sa media consumption.
May mga ilang downside nga lang ito. Upon opening the box, wala itong kahit anong screen protector pero protected naman ito ng Corning Gorilla Glass 3. Pero syempre mas maganda pa rin kung may extra layer ito ng protection kaya hanap agad kayo ng screen protector or tempered glass para sa Pad. Isa pang downside sa design ay wala tayong biometrics sa power lock button or fingerprint scanner. Either face unlock, PIN, password, or pattern yung pwede natin gamitin as biometric.
Side note lang, itong POCO Smart Pen ay kayang tumagal ng up to 12 hours sa isang charge lang. Pwede natin ito ma-charge via USB-C. Walang kahit anong magnet itong POCO Pad sa gilid. Yung Folio case kanina ay may strap para sa Pen at wala rin magnetic charging ang Pen.
Auto detect naman ito kapag in-on natin ang Bluetooth at nilapit natin ang Smart Pen. Wala namang gumuguhit sa bandang palm habang gamit ang Pen. Yung ibang Smart Pen ay nauunahan ang pen sa pagsulat pero dito ay sabay na sabay. Sigurado ako na matutuwa dito yung mga nagdi-digital art. Sobrang baba ng latency ng Smart Pen. Talagang masarap mag-drawing dito at kahit mag sulat.
Maganda rin ang quad speaker ng Pad. Wala na akong kailangan i-explain, ang ganda ng speaker nito, sobrang lakas, hindi ako nabitin, tapos Dolby Atmos pa kaya maganda yung separation ng left and right. Mage-enjoy tayo sa panonood ng movies dito.
Display
Meron itong 12.1″ IPS LCD, 2.5K Resolution, 120Hz max refresh rate, Dolby Vision, May Corning Gorilla Glass 3 protection, at aabot ng 600 nits ang peak brightness.
Kung ako ang tatanungin sa color accuracy ng tablet na ito, goods na goods sa mata ko. Hindi ito blueish, hindi yellowish, maganda, at mage-enjoy tayo sa media consumption. Sa price nito ay hindi natin mae-expect na kapantay nito yung mas mahal na mga tablet ngayon like iPad, Samsung Tablet, at Huawei. Pero itong POCO Pad, pagdating sa color accuracy ay goods na goods talaga at ang ganda ng kulay.
Sa display settings ay may color scheme, may tatlong presets dito na vivid, saturated, at standard. Kung gusto natin ng mas vibrant ay vivid ang piliin natin at kung mas natural naman ay standard. Pero pwede pa natin timplahin yung kulay sa baba na color temperature. Ang maganda pa dito ay meron itong adaptive color, maga-adjust ang kulay ng display depende sa lighting environment na meron tayo.
Pagdating sa screen refresh rate setting ay may dalawang option, default kung gusto nating yung HyperOS na ang mag-decide kung bababaan ba nito yung refresh rate or ifi-fix lang nito to120Hz. Custom naman kung gusto nating naka-fix lang to 120Hz, 90Hz, or 60Hz. Kung gusto natin makatipid sa battery ay pwedeng-pwede na yung 90Hz. Pero sa mga test mamaya ay lagi lang ito naka-lock to 120Hz.
According to POCO ay pwedeng bumaba ng at least 30Hz or 40Hz yung screen refresh rate nito kapag hindi natin ginagamit at naka-default lang ang setting. At sa test na ginawa ko ay tsambahan lang na makuha yung 30Hz or 40Hz na refresh rate. Pero kapag nag-open tayo ng app na hindi nangangailangan ng mataas na refresh rate, halimbawa ay gallery, automatic na magii-switch ito to 90Hz. Most of the time ay naka-120Hz ito kahit pa naka-auto yung refresh rate kaya medyo magastos ito sa battery. Sana ma-fix ito sa mga susunod na software update.
Para sa mga nagpaplanong manood dito ng movies sa mga streaming services gaya ng Netflix, good news dahil Level 1 ang Widevine Security Level nito. Ang max playback resolution natin ay Full HD at may support pa sa Dolby Vision.
Battery
Para sa price-range ay ito ang may pinakamalaking battery capacity so far. Ito yung may 10000mAh na capacity at capable sa 33W na charging speed. Almost 12 hours na Screen on Time yung nakuha natin sa PCMark, 11 hours and 44 minutes. Para sa isang tablet ay napakalaking bagay na lumampas ito sa 10 hours dahil usually ang mga normal tablet na may normal battery capacity ay umaabot lang ng 9 hours. Kapag umabot ng 10 hours ay goods na iyun pero itong Pad ay almost 12 hours kaya talagang very good na yung makukuha nating battery life dito.
Charging
Specification:
Malaking bagay ang charging speed nito dahil 10000mAh ang capacity nito kaya mabilis na iyun.
Performance
Specification:
Meron itong Memory extension na up to 8GB so technically ay pwede ito umabot ng 16GB ang RAM. Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-off ang Memory extension ay 554686, not bad at maganda na ang performance para sa everyday application. Kapag naka-on ang memory extension ay sobrang laki ng ibinaba, naging 501775. I suggest na huwag niyo na gamitin ang memory extension kung hindi naman talaga kailangan. Sayang yung mawawalang performance.
Isa pang proof na maganda talaga yung battery performance ng POCO Pad ay itong Wild Life Stress Test result. From 97% to 92% kaya 5% lang ang nawala. Yung thermals naman ay 4°C lang ang nadagdag. Maganda na yung thermals at maganda pa yung battery consumption.
May game booster pa rin ito kapag magga-games tayo. Swipe lang mula sa left side papunta sa right ay lalabas na itong game turbo setting. Tap lang natin ang performance para mas maging maganda yung performance nito sa gaming. Check natin ito sa CarX Rally, sa graphic settings ay naka-sagad lahat. So far ay umaabot ito 40fps at for the most part ay napaka-smooth ng gameplay natin dito kahit sagad-sagad yung graphics dito sa game. Yung ibang mga tablet na tinest ko rin ng game na ito ay hirap na kapag naka-sagad yung graphic settings. Maliban nalang kung flagship talaga pero dito sa POCO Pad ay kayang-kaya at walang struggle na mafe-feel dito.
Camera
Ito ang sample video screenshot:
1080p/30fps ang pinakasagad sa selfie camera. Laging nakagitna yung tingin natin dahil kapag naka-landscape mode ay nakagitna yung camera. Hindi naman ako nag-expect ng malaki sa quality kasi usually kapag tablet ay hindi ganun kaganda yung selfie camera. Pero ito ay at least 8MP ang binigay sa atin ng POCO at okay na rin.
Conclusion
Sulit ba itong POCO Pad? Kung ako ang tatanungin, for PHp14,999, para sa akin ay okay ang tablet na ito. Mare-recommend ko ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllble1
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: