Pinadala sa atin ng Gshopper itong POCO M6 Pro, nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Yellow pa rin ang box ng phone. Pinadala sa atin ay ang 8/256GB na variant at Blue na colorway, pero may Black at Purple rin. Pag-open ng box, ang unang bubungad sa atin ay document sleeve. Sa loob ng document sleeve ang SIM ejector pin, documentations, at case na kahawig sa Redmi Note 13. Sa likod ng sleeve ang M6 Pro na nakabalot ng printed plastic. Sa ilalim ng box ang 67W na charging brick at USB-C to USB-A cable. Kapag may case ay expose na expose ang buong camera module. Okay naman ang case pero I suggest bili kayo ng mas magandang case.
Design
Dual tone itong M6 Pro. Sa babang part ang less reflective pero parehas lang namang glossy. Kapitin ito ng smudges at fingerprint. Meron itong IP54 dust and splash resistance, matalsikan man o mapunta tayo sa maalikabok na lugar ay okay lang. Sa taas ang headphone jack, secondary speaker, secondary microphone, at IR Blaster. Sa ibaba ang speaker, USB-C port, at main mic. Sa left side ang SIM tray na hybrid, pwedeng dalawang SIM card o isang SIM at isang SD card. Sa right side ang volume up and down button at power lock button. Sa harap ang punch hole selfie camera at meron nang pre-installed screen protector. Proportioned ang bezel sa bawat sides, very good sa POCO.
Pagdating sa haptics ng phone na ito, maganda naman. Para sa akin mas okay ang haptics ng CHERRY GR compare dito, pero okay pa rin ito. Pagdating sa stereo speaker, maganda ang tunog, may depth, may bass, at hindi rin ako nabitin sa max volume. Suggestion ko lang na lagi i-on ang Dolby Atmos sa control panel, para mas maganda ang tunog at feel natin ang separation from left to right.
Display
Specification:
Para sa akin, dito sa display nag-excel ang phone na ito. Ang ganda ng display at proportion ang bezel, kaya napaka-immersive kapag manonood tayo. Pop na pop ang kulay, vibrant, at accurate for the most part. Mage-enjoy tayo sa panonood ng videos at movies. Ang Widevine Security Level ay Level 1, makakapag-play tayo ng mga HD content sa mga streaming services. Dito sa display settings, may color scheme na pwede matimpla ang kulay. Sa Refresh rate ay may dalawang option, Default at High. Mabilis din itong bumababa from 120Hz to 60Hz. Goodnews din na kapag gumamit tayo ng Always on Display, bababa pa ito ng 30Hz kaya makakatipid talaga tayo sa battery. Kung gagamitin natin ang phone sa labas, makikita pa rin natin ang display kahit tirik na tirik ang araw.
Performance
Specification:
Nag-check ako kung ano ba ang difference ng normal na G99 sa G99 Ultra. By default, wala naman talaga at napaka-identical nito. Pero bakit tinawag na Ultra? Kung familiar kayo sa Intel CPU na may K sa dulo, pag may K pwede kang mag-overclock. Pwede i-change ‘yung frequency, voltage, overclocking in short. Parang ganiyan ang G99 Ultra. May free will ang brand na i-customize ang speed, i-optimize ang G99 base sa skin na ginagamit. Pero sa totoo lang, halos wala ako makitang difference pagdating sa performance ng Helio G99 sa Helio G99 Ultra. Hindi lang tayo sure kung mafe-feel natin ‘yan kapag nag-upgrade na to HyperOS14.
May mga bloatware pa rin pero pwede naman natin ito i-uninstall. Ang M6 Pro ay may memory extension up to 8GB, total of 16GB of RAM kapag 8GB na variant ang phone. Ang Antutu score kapag naka-off ang memory extension ay 423851. Kapag naka-on naman ay umabot ng 436609. I-able niyo nalang ang memory extension para gumanda pa ang performance ng phone. Ito pa siguro ang advantage ng G99 Ultra, sa Wild Life Stress Test, 2% lang ang nabawas sa battery at 2 degrees Celsius lang ang nadagdag sa thermals.
Sa gaming naman, na-test natin ito sa Asphalt9. Naka-60fps tayo na gameplay at high na Visual Quality. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero napaka-decent ng graphics at hindi naman potato quality. Wala akong ma-feel na struggle, walang frame drop at lag. Sa NBA Infinite, madaming option ang naka-super sa graphic settings. Aabot din nang 120Hz na gameplay. Sa gameplay, okay naman ito at napaka-smooth. Pagdating sa Gaming, okay naman ang performance ng M6 Pro. Pero sa graphics, hindi natin palagi i-expect na makakayanan nito ang highest graphic.
Camera
Specification:
Okay naman ang selfie camera video, maganda naman ang texture, okay naman ang kulay. Pagdating naman sa rear photos, okay naman at hindi ganun ka liwanag. Hindi ko rin gusto iyung kulay nito. Hindi nag-excel sa mobile photography itong M6 Pro.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Pagdating sa videos ng rear camera, sabi ng POCO may OIS dito. Smooth dapat kapag naglalakad tayo pero may jiggly effect kapag naglalakad. Stable ito pero may alog ng kaunti.
Battery
Specification:
Nakuha nating SoT ay 12 hours and 2 minutes, naka-50% brightness, auto refresh rate, at off ang memory extension. Pwede pa ito mag-improve depende sa usage natin. Pero okay naman na ang nakuha nating score.
Charging
Specification:
Verdict
Sulit ba itong POCO M6 Pro? Kung ako ang tatanungin, kung ang hanap talaga natin sa isang phone ay pang photos and videos, skip niyo na itong M6 Pro. Saan ito nag-excel? Sa display, ang ganda ng display ng phone na ito. Mage-enjoy tayo sa media consumption. Okay ito sa casual gaming at sa medyo mabibigat na games. Acceptable na rin ang battery life na nakuha natin.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Gshopper –
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: