Itong Poco M5S ay para sa mga may budget na more than PHP5,000. Nabili ko ito sa Lazada ng PHP8,590 na may variant na 4/128GB at color white. Kung gusto niyong malaman kung saan ko ito nabili, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljk3e4
UNBOXING
Same pa din ang box niya, kulay yellow at may black na accent. Meron itong Poco M5S na text at Poco branding. Pagka-open ng box, makikita agad ang Poco M5S. Ang ganda ng pagkaputi niya, matte-finish, hindi kapitin ng fingerprint at smudges at hindi din siya gaun kakapal.
Sa loob pa din ng box, makikita din ang document sleeve na may sim ejector pin, documentation at jelly case. Meron pa itong 33W charging break, USB-C to USB-A cable.
Kung ayaw niyo naman ang white na color, meron pa itong kulay na blue, black at yellow.
DESIGN
‘Yung likod nitong Poco M5S ay plastic lang pati na ang buong frame sa body niya. Pero, IP53 dust and splash resistant ang phone na ‘to. Sa may bandang right side, makikita ang volume up and down buttons at powerlock button na fingerprint scanner na din. Sa left side, walang ibang makikita kundi ang sim tray na may dedicated micro SD card slot at dual sim. Sa may ilalim naman maikita ang USB-C port, main mirophone headphone jack at main speaker. Sa taas naman, meron itong IR blaster, secondary microphone at secondary speaker.
For less than PHP9,000, meron na itong dual speakers na bihirang makita sa ibang brands na ganito din ang presyo. Habang sineset-up ko ito, naralize ko na ang gaan ng phone na ‘to. Para lang akong may hawak na phone case. Isa pa, ang ganda din ng kanyang haptics. Para siyang worth PHP14,000 or PHP16,000 na phone. Pagdating sa WiFi connectivity, 2.4GHz at 5GHz ang pwedeng i-connect dito. Upon setting up din, napansin ko na madami-dami din itong bloatwares. Kaya kailangan pang mag-uninstall ng mga pre-installed apps para makatipid tayo sa space.
DISPLAY
Meron itong 6.43″ AMOLED 1080p, 409 ppi, 110 nits peak brightness at protected ito ng Corning Gorilla Glass 3 pero 60Hz lang ang refresh rate. Yes, maganda ang display ng phone na ‘to kasi AMOLED kaya mas vibrant ang kulay compared sa mga phone na may IPS LCD. Pero, para sa mga gamer, hindi nila masyadong ang game kasi 60Hz lang ang refresh rate. Kung ang priority mo naman ay manood ng mga videos at TV series, talagang mag-e-enjoy ka kasi nga mas vibrant ang kulay at Level 1 ang kanyang Widevine Security Level.
If ever na hindi niyo gusto ang kulay by default, pwede niyo pa itong timplahin. Meron itong tatlong preset na color scheme: Vivid, Saturated at Natural.
PERFORMANCE
Naka-MIUI 14 na ito on top of Android 13. MediaTek Helio G95 ang chipset nito, 4GB physical RAM at 128GB of UFS 2.2 internal storage. Sa totoo lang, maliit talaga ang RAM ng phone na ‘to kasi ang standard na ngayon ay 6GB or 8GB para hindi tayo mabitin lalo na kung madami-daming app ang kailangan buksan at once. Pero, meron naman itong memory extension na up to 3GB of virtual RAM.
Kapag naka-on ang memory extension, nakakuha tayo ng 423672 Antutu Score. Pero kapag naka-off ang memory extension, nakakuha tayo ng 426017.
Napaka-smooth din ng game play niya sa Asphalt 9. Hindi niya lang na-generate lahat ng graphics pero decent naman at hindi potato quality. Sa CarX Rally naman, medyo nagla-lag siya kasi nakasagad ang graphics nito. Overall, kaya naman niyang magpatakbo ng game pero huwag lang kayo masyadong mag-expect sa graphics.
BATTERY
5000mAh ang battery capacity nitong Poco M5S na compatibe sa 33W charging. After ng 20 minutes na Wildlife Stress Test, nabawasan ng 6% ang battery at nadagdagan ng 6°C ang temperature niya. Pagkatapos, inulit ko ulit ang test at 7% naman ang nabawas sa battery at 12°C ang nadagdag sa temperature. Kaya pagdating sa thermals, mag-ingat tayo sa phone na ito kasi aggressive ang Helio G95 chipset. Pagdating naman sa charing, from 15-100%, 1 hour and 29 minutes ang inabot.
CAMERA
Meron itong 64MP main shooter, 8MP ultrawide lens, 2MP macro lens, 2MP depth sensor at 13MP selfie camera. Ito ang ilang mga sample shots:
Kung ako ang tatanungin, kung ang priority ninyo ay games, mas maganda kung Tecno Pova 5 ang bibilhin ninyo. Pero kung entertainment at camera setup ang priority mo, mas maganda naman kung Poco M5S ang bibilhin mo. Kung sakali na gusto niyong bilhin itong Poco M5S, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljk3e4