Price
As of writing this article, ang presyo nitong POCO F6 Pro ay Php24,999 para sa 12/256GB na configuration. Pero pwede ito umabot ng hanggang 16/1TB. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Same pa rin ang design, color, at overall na itsura ng box ng POCO F6 Pro sa previous POCO phones. Nasa atin ang Black na 12/256GB. Document sleeve pa rin ang makikita natin pag-open ng box. Sa loob nito ay may SIM ejector, documentation, at case na kagaya ng style ng nagdaang Note series. Sunod naman ang F6 Pro na nakabalot sa printed plastic na may top specs.
Ang ganda ng color Black na POCO F6 Pro. I’m sure na mas magugustuhan niyo ang White pero dito sa Black ay nagustuhan ko ang matte finish nito. Hindi rin naman plain ang design pero simple pa rin. May gold accent ito sa camera at nakadagdag ito sa pagiging premium ng F6 Pro. Sa ilalim ng box ay may 120W na charger at USB cable.
Design
Okay at mine-maintain ng POCO ang itsura ng case pero ang complain ko lang talaga sa case ay masyadong expose yung camera module. Hindi ako magtatagal sa case dahil maiipunan ito ng alikabok kapag nakasuot ang case sa phone. Pero good start naman dahil hindi tayo mapipilitan na bumili agad ng case.
Sa website ng POCO, pinagbasehan daw nila ng design ng phone ay ang dark side of the moon. Yung white naman ang bright side of the moon. Kaya makikita niyo sa design ng phone na parang texture talaga ng moon. Ang galing ng design nito at hindi rin kapitin ng smudges at alikabok. For the first time, para sa akin ito ang pinakaunang design na nagustuhan ko sa F series ng POCO.
Medyo maumbok lang ang camera pero metal naman ang frame at flat sa lahat ng side. May kaunting curve din ito para maging comfortable tayo sa paghawak ng phone pero dahil lalagyan natin ito ng case ay hindi na natin ito maa-appreciate. Ang biometrics nito ay in-display, mabilis at reliable naman ang pag-scan. Ang bezel naman nito ay pantay na pantay all over. Naka-punch hole selfie camera ito at napakalapit na nito sa bezel. At least ay manipis lang at hindi malaki ang footprint ng punch hole selfie camera. Meron din itong pre-installed na screen protector kaya hindi natin kailangan agad bumili ng tempered glass.
Sa SIM tray, dual SIM lang ang meron at walang lagayan ng micro-SD card. Kung plano natin ito gamitin ng matagal ay bilhin natin yung mas mataas na configuration kung kaya. Meron din itong IR Blaster at dual speaker na naka-Dobly Atmos na High-Res Audio. Pagdating sa haptic nitong POCO F6 Pro ay napaka-discreet at feel na feel ang vibration pero hindi makalat yung feeling. Napaka-flagship nung feels na hindi natin mae-experience sa mid-range phones at lalo na sa entry level phone. Pagdating naman sa connectivity, naka-Wi-Fi 7 na ito at Bluetooth 5.3 version.
Display
Specification:
Kapag tiningnan pa natin ang website ng POCO Global regarding sa display specs ng POCO F6 Pro, naku! Nakaka-overwhelm at talagang ang haba. Pagdating sa display ay mae-expect natin na flagship level din ang specs quality na makukuha natin. Nakakabilib din para sa presyo dahil sa Php24,999 pero para ka nang naka-40K na phone dahil sa ganda ng display nito. Ang Widevine Security Level nito ay Level 1 at Full HD ang max playback resolution. May support din ito sa HDR 10 at Dolby Vision sa Netflix.
Pagdating naman sa color settings, dito sa color scheme ay may mga option gaya ng original color PRO para sa realistic color, vivid para sa vibrant color, saturated para sa enhance color, at advance para ma-customize ang color. Pero kahit alin pa diyan ang piliin natin ay nakakabilib talaga ang display ng phone na ito. Meron din itong adaptive colors na depende sa ilaw ng ating environment. Pwede rin naman natin i-adjust ang color temperature depende sa gusto natin. May liberty tayo pagdating sa display settings.
May dalawa tayong pagpipilian na resolution dito. By default, naka-WQHD+ ito na resolution na 1440p para mas crispy ang quality ng display. Pero kung gusto naman natin na makatipid sa battery at kontento tayo sa 1080p lang ay Full HD+ naman ang pipiliin natin. Ang mga ipapakita ko mamaya na Antutu score, battery test, at charging ay Full HD+ ang setting. Yun naman talaga ang usual na resolution ng mga phone sa ngayon at para sa akin ay overkill yung 1440p. Pagdating naman sa refresh rate ay may dalawang option, default or custom. Sa custom ay pwede natin ito i-lock to 60hz or 120Hz. Kapag default naman ay mabilis naman ang pagbaba nito to 60Hz.
Performance
Specification:
Pagdating sa performance ay flagship level pa rin at may memory extension pa rin ito. Pwede natin patungan ang 12GB na physical RAM ng up to 8GB of virtual RAM. Technically, up to 20GB ang total RAM nito. Ang Antutu score kapag naka-on ang memory extension at naka-performance mode ay 1537427. Nakakabilib ang score na nakuha natin para sa presyo nito. Kapag naka-off naman pero naka-on pa rin ang performance mode, nakuhang score ay 1551597.
Test naman natin ito sa gaming, unahin natin itong Grid Autosport. Sa gaming turbo ay meron itong Wild Boost kaya pwede natin isagad ang performance. Nakaka-100+fps tayo dito at napaka-smooth ng gameplay. Grabe ang phone na ito at expected naman na natin dahil maganda talaga ang specs ng phone. Ang number one talaga na priority ng mga phones ng POCO ay performance kaya expect natin na pagdating sa game ay hindi tayo mapapahiya sa phone na ito. Para sa mga user na ang priority sa bibilhin nilang phone ay pang-games or para sa mabibigat na application ay ito na yung POCO F6 Pro.
Dito naman sa SpongeBob Cosmic Shake, naka-Wild Boost pa rin at nakaka-120fps ito. Ang video settings dito ay Ultra ang resolution, 120 ang fps limit, at sa advance ay naka-Ultra lahat ng option. Sa mismong gameplay, napaka-smooth at ang ganda ng graphics. Pero yun lang ay may nafe-feel na akong alarming heat sa may bandang camera. Pero pagdating sa gaming performance ay grabe ang ganda. Walang struggle kahit anong game ang ibato natin dito.
Battery
Specification:
Make sure niyo lang guys sa battery setting na ang boost charging speed ay naka-enable para ma-experience natin ang sobrang bilis na charging nitong phone. Pero magge-generate ito ng alarming heat kapag china-charge natin. Kaya I advice na huwag niyo na gamitin in regular basis, gamitin lang natin ito kapag nagmamadali tayo.
Sa result ng Wild Life Stress Test, sa battery ay nabawasan ng 6%. Okay lang ito pero magwo-worsen pa ito kapag sinelect natin yung 1440p na resolution. Pagdating sa thermals ay dito na nagka-problema. From 32°C ay umabot ito ng 46°C, kung magpapatakbo tayo dito ng mabibigat na games at application ay i-expect niyo na talagang iinit itong phone. Para makatulong na mabawasan ang init ng phone kapag gumagamit tayo ng heavy applicaiton ay pwede tayong gumamit ng cooler. Pero kahit na ganun ay mas maganda na huwag niyo abusuhin itong phone dahil magiging maikli ang life span at sayang naman.
Camera
Specification:
Okay lang ang mga quality ng nakuha nating photos. Dahil nga priority ng POCO ang speed at performance ay hindi tayo masyadong mage-expect pagdating sa camera quality. Pero sana sa susunod na alteration ay tangalin na nila ang macro at depth sensor, pero itong phone ay wala namang depth sensor. Palitan nalang nila ito ng kahit telephoto na camera para satisfied tayo pagdating sa camera quality ng mga POCO phones.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Verdict
Sulit ba itong POCO F6 Pro para sa presyo?
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
TikTok: https://invol.co/cll9qwr
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: