May kamahalan ng kaunti ang phone na pag-uusapan natin ngayon pero maganda naman talaga. Ito ang Poco F5 na nirelease 3 months ago. Merong dalawang variant ang phone na ‘to: 8/256GB na may price na PHP18,299 at 12/256GB na may price na PHP20,099. Mas maganda kung i-click niyo itong link para sa updated price kasi madalas magbago ang price ng phones ng Poco. Ang andito sa atin ngayon ay color black. Pero meron pa itong dalawang kulay: blue at white.
UNBOXING
Pag-open ng box, meron itong document sleeve na may laman na sim ejector pin, documentations at jelly case. Pagkatapos, makikita na ang Poco F5 na nakabalot sa plastic at may top specs na naka-print. Napaka-glossy ng likod nitong Poco F5 at napakakapitin ng alikabok, fingerprint at smudges. Meron itong carbon fiber na design sa may bandang baba. Sa loob pa din ng box, meron itong 67W fast charger at USB-C to USB-A cable.
DESIGN
Sa may bandang taas, makikita ang secondary speaker, secondary microphone, IR Blaster at earphone jack. Sa ilalim naman makikita ang USB-C port, sim tray na dual sim lang at walang micro SD Card slot, main microphone at main speaker. Sa may right side makikita ang volume up and down button at conventional fingerprint scanner na powerlock button na din. Sa left side naman ay wala tayong makikitang kahit na ano. Meron din itong punch hole selfie camera sa gitna. Good news din kasi meron na itong pre-installed na screen protector.
Ang maganda pa dito sa Poco F5 ay meron itong IP53 rating. Ibig sabihin, meron itong dust and splash resistant. Kaya kung sakali na maalikabukan at matalsikan ng tubig ay okay lang.
Flagship level din ang haptics nito kapag nagta-type. Maganda siya talaga, masa-satisfy ka at hindi mo siya gustong i-off. Maganda din ang quality ng dual speakers niya, hindi sabog kahit pa naka-max ang volume. Mabilis din ang response ng kanyang fingerprint scanner kasi isang dampi lang ay maa-unlock na siya agad.
DISPLAY
Meron itong 6.67″ AMOLED display, 1080p resolution, 120Hz maximum refresh rate, 295 ppi, meron pa siyang support sa HDR10+ at Dolby Vision, aabot ng 1000 nits ang peak brightness at protected pa siya ng Corning Gorilla Glass 5.
Kung pag-uusapan naman ang color reproduction nitong Poco F5, maganda siya, accurate ang colors at napaka-vibrant pero hindi OA ang saturation niya. Kaya mag-e-enjoy kayo dito kapag nanood ng mga movies at TV Series.
Sa DRM Info, Level 1 ang kanyang Widevine Security Level at Full HD naman ang Maximum Playback Resolution niya sa Netflix.
Pwede din nating ma-customize ang timpla ng kulay kasi meron itong tatlong presets: Vivid, Saturated at Standard. At pwede din i-adjust ang color temperature.
Pagdating sa refresh rate, naka-default na siya. Ibig sabihin, 120Hz siya tapos bababa siya to 60Hz kung kinakailangan. Pero kung sakali na gusto niyong i-lock sa 60Hz, select niyo lang ang Custom tapos select niyo lang ang 60Hz. Pagdating naman sa behavior ng refresh rate, hindi siya bumababa to 60Hz kahit na di siya ginagalaw at kahit na nag-open na tayo ng app na di kinakailangan ng 120Hz.
PERFORMANCE
Naka-MIUI14 na ito out of the box on top of Android 13. Snapdragon 7+ Gen 2 ang chipset, mamimili tayo kung 8/12GB RAM at may 256GB UFS 3.1 internal storage. First impression ko talaga nung magamit ko ang phone na ‘to, parang flagship phone talaga. Ang ganda ng performance niya! Talagang pwede na siyang substitute sakaling ayaw nating bumili ng flagship phone na sobrang mahal.
Kapag naka-lock to 60Hz ang refresh rate, nakakuha tayo ng 1099690 Antutu Score. Karamihan sa mga phone sa ngayon na nakakatungtong sa 1M ay mga flagship phone! Kapag naka-Default naman ang refresh rate, nakakuha naman tayo ng 1118820 Antutu Score.
Sa Wild Life Stress Test naman, from 99%, bumaba ang battery consumption to 92%. Sa temperature naman, from 28°C, tumungtong ito ng 41°C. In short, hinay-hinay pa din tayo kasi kait mabilis ang phone na ‘to, possible na magbigay ito ng alarming heat.
Sa Offroad Unchained na game, compatible ito sa high refresh rate gaming kasi hindi tayo umaalis sa 120fps. Napaka-smooth ng game, walang lag o framedrops at lahat ng graphics ay na-generate. Sa Asphalt 9 naman, hindi pa siya ganun ka-optimized pero napaka-smooth ng game play at halos lahat ng graphics ay na-generate niya.
CAMERA
Meron itong 64MP main shooter na may OIS, 8MP ultrawide, 2MP macro lens at 16MP selfie camera. Ito ang mga sample photos:
BATTERY
Meron itong 5000mAh na compatible sa 67W fast charging. Kapag naka-default ang refresh rate, nakakuha tayo ng 14 hours and 25 minutes na SOT. Kapag naka-lock naman to 60Hz, nakakuha naman tayo ng 18 hours and 10 minutes. Pagdating sa charging, from 13-100%, 52 minutes lang ang inabot.
Iyon na lahat ang gusto kong i-share dito sa Poco F5. Kung kayo ang tatanungin, sulit ba siya para sa presyo niya na PHP18,299? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin ninyo, napakasulit ng phone na ‘to. Ilang araw ko na siyang ginagamit pero wala akong major issue na na-encounter dito. Maliban na lang sa mga bloatwares na lagi naman nating problema sa mga Poco phones. Talagang maire-rekomenda ko sa inyo itong Poco F5.
If ever na gusto niyong bilhin ito, click niyo lang itong link:
Lazada – https://tinyurl.com/Sulit-Tech-Reviews
Shopee – https://shopee.ph/universal-link/prod…