Isa na itong POCO C65 sa mga phone ngayon, na sa presyong Php6,000.00+ lang ay 256GB na ang storage at 8GB na ang RAM. Pero kung sakaling Php5,000.00+ lang ang budget mo, meron din itong 6/128GB na variant. Pero ano ang mako-compromise na specs sa sobrang murang halaga. Anong performance ang mabibigay sa atin pagdating sa battery, Antutu score, at iba pa?
Unboxing
Ang nasa atin ay 8/256GB na color Blue. Pag-open ng box, ang una nating makikita ay ang C65 na nakabalot sa plastic. Dual tone ang phone. Medyo matte finish sa babang part at glossy sa camera part. Flat ang sides nito at comfortable hawakan. Sa document sleeve ay may SIM ejector pin at documentation. Walang jelly case dito at nakakalungkot kasi karamihan ng budget phone ay meron ng jelly case. Meron din itong charging cable at 18W charging brick na USB-A ang port.
Design
Okay ang default wallpaper ng phone. Depende na rin sa atin kung magugustuhan natin ang dual tone design ng back. Sa right side ay ang volume up and down button, at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa left side ay ang SIM tray. Kumpleto ang SIM tray, may micro-SD card slot at Dual SIM slot. Sa ilalim ay ang main speaker, USB-C port, at main mic. Sa taas ay ang headphone jack. Sa harap ay ang notch selfie camera. Hindi pantay ang bezel nito, mas makapal ang chin compared sa ibang sides. Okay lang sa akin ang bezel at acceptable para sa presyo.
Pagdating sa bloatware ay medyo madami-dami pero pwede naman natin i-uninstall. Pagdating sa haptics ay acceptable na para sa presyo. Single firing speaker lang ito at nakakabitin ang max volume. Yung quality ay hindi ganun kaganda, pero pwede na para sa presyo. Good to know na ang phone ay compatible hindi lang sa 2.4GHz connection, pati rin sa 5GHz WI-FI connection.
Display
Specification:
Mabuti nalang may screen protector ang C65 out of the box. Sa quality ng display ay okay na para sa presyo. Hindi natin ie-expect na super accurate at true to life ang kulay, kasi sobrang mura lang nito. Pwede na ito, pero nandun lang sa side na may pagka-bluish ang color reproduction. Matitimpla naman natin ang kulay sa settings. May dalawang options ang Screen Refresh Rate. Naka-lock lang ito to 90Hz at hindi bumababa. May certain application lang na bababa ito to 60Hz. Medyo magastos ito sa battery. Ang maganda din dito sa C65, ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix application, Full HD ang max playback resolution nito.
Performance
Specification:
Pwedeng-pwede ang phone sa mga everyday application. Pwedeng social media or mag-GPS based na apps. Pero pagdating sa pag-open ng multiple application at once, mahihirapan tayo dahil eMMC 5.1 lang ang storage. Hindi ganun kabilis ang transfer speed nito. Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-on ang Memory Extension ay 275261. Okay na rin para sa presyo pero hindi ganun kataaas compared sa ibang phone. Kapag naka-off naman, ang score ay 283892. Medyo malaki-laki ang jump sa performance, kaya if ever na hindi naman kailangan ng Virtual RAM ay huwag niyo na gamitin.
Pagdating sa gaming, hindi tayo mage-expect ng malaki dito sa C65. Pero kaya naman at hindi potato quality yung na-generate na graphics. Decent naman, walang lag, at hindi hirap. Kung casual na gamer tayo, pwede dito sa C65.
Ang maganda din dito sa C65 ay hindi ganun ka-aggressive ang chipset. Dito sa Wild Life Stress Test, from 31 degrees Celsius ay umabot ng 38 degrees Celsius. Tapos 3% lang ang nabawas sa battery.
Camera
Specification:
Ito ang sample video screenshots:
Sa selfie video, 1080p max resolution ang pwede ma-record, ganun din sa rear camera. Pwede na ang selfie camera at hindi ganun ka soft ang quality. Wala nga lang itong kahit anong stabilization.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Okay ang mga photos. Kung maganda ang ilaw natin sa paligid magiging maayos ang pictures. Pero huwag tayong masyasdong umasa kahit na 50MP ang main camera. Pagdating sa video, walang stabilization kaya maalog talaga.
Battery
Meron itong 5000 mAh na battery capacity. Capable ito sa 18W na charging speed. Nakakuha tayo dito ng SoT na 12 hours and 20 minutes. Medyo malakas-lakas sa battery ang phone dahil laging naka-90Hz ang refresh rate. Umabot naman ng dalawang oras ang pag-charge ko sa phone, from 20% to 100%.
Verdict
Sulit ba itong POCO C65? Kagaya ng sinabi ko kanina ay hindi ito para sa lahat. Kung naghahanap ka ng secondary phone na malaki ang storage ay pwede mo ito i-consider. Kung naghahanap ka ng budget friendly android phone para maging daily driver mo, pwede mo rin ito i-consider. Okay rin ito sa outdoor at hindi ganun kahina ang brightness. Mare-recommend ko ito sa mga taong gumagamit ng GPS based application. Kung bibili tayo nito at mage-expect ng magandang performance kasi nga POCO, huwag na baka ma-disappoint lang kayo. Para sa akin sulit ang phone na ito, kasi malaki na ang storage at malaki na ang RAM.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clky85l
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: