Price
Ito ang pinakamaliit na phone sa buong mundo na mayroong thermal imaging, ito ang Phonemax R4GT. As of August 2024, wala pang official SRP na ini-declare ang Phonemax sa website nila para sa R4GT. Pero kung titingnan natin yung kanilang Kickstarter, nasa $339 yung presyo nito. Pero meron silang Super Early Bird promo at magiging $199 na lang kapag in-order natin ito sa kanilang Kickstarter. Nasa around Php11,000 yun at hindi pa kasama yung shipping fee. Pinadala nila ito para magkaroon kayo ng idea bago niyo planuhin na bilhin yung phone na ito. Nasa baba ang link kung gusto mo ma-check kung available na ang phone.
Unboxing
Napakasimple lang ng box at ang branding sa harap ay dinikit lang nila. Hindi pa talaga ito yung final na makukuha nating box or unit kapag natapos na ang Kickstarter. Pag-open, una nating makikita agad ang R4GT na nakabalot sa plastic. Sobrang liit ng phone at kasyang-kasya lang sa palm ko at hindi rin naman kalakihan yung kamay ko. Sa may ilalim ay may USB-C to USB-A cable, SIM ejector pin, at 10W na charging brick.
Design
Ulitin ko, napakaliit lang ng phone na ito. Kapag tiningnan natin yung right side, makikita niyo na meron itong volume up and down button at power lock button. Sa left side naman ang dedicated PPT or push to talk button para sa walkie talky at SIM tray na hindi na kailangan gamitan ng SIM ejector pin. Hindi ko ma-gets kung bakit sila nagsama ng SIM ejector pin sa box kanina pero hindi pa ito talaga yung final packaging. Sa may likod, meron itong Phonemax branding, camera module na may night vision at thermal imaging, at lalagyanan ng lanyard. If ever man na gagamitin natin ito sa pag-travel at iha-hang natin sa bag natin, gagawin nating kwintas kapag naghi-hiking tayo, at iba pa ay pwedeng-pwede nating gawin sa sabitan ng lanyard.
Sa may ilalim ay makikita natin yung USB-C port na may cover at yung speaker. Yung nakikita niyo ngayon na dalawang grills, isa lang talaga ang speaker nito at yung isa ay malamang na main mic ang nasa loob. Sa harap naman makikita yung napakaliit na screen at ang kapal ng mga bezels lalo na sa may chin. At ang forehead ay may notch selfie camera. Outdated na talaga ang itsura ng phone at hindi masyadong nag-focus ang Phonemax sa overall na itsura ng R4GT. Nag-focus sila sa function na thermal imaging, night vision, at military grade protection.
Itong R4GT ay may IP69K at MIL-STD-810H na protection. Ibigsabihin, kahit pa mataas or mababa yung temperature, mabagsak natin, ilubog sa tubig ay pwedeng-pwede natin gawin sa phone na ito. Ang isa lang sa hindi ko maju-justify sa phone na ito ay wala itong fingerprint scanner. Ang biometrics natin dito ay face unlock, pin, at password. Kahit sana naglagay sila sa bandang likuran or ginawa nilang fingerprint scanner ang power lock button, acceptable sana dahil more than Php10,000 ang phone na ito. Pero nakakatuwa na itong R4GT ay compatible hindi lang sa 2.4GHz connection, pati na rin sa 5GHz connection. Baka tanungin niyo kung comfortable ba mag-type dito? Yung haptic feedback ng phone na ito ay muntik ng maging mid-range, nasa entry level pa rin na side pero hindi yung pinakapangit na haptic yung mafe-feel niyo.
Pagdating sa pagta-type sa phone, may mga times na bigla-bigla kong nako-close yun itina-type ko at nakakapag-open ako ng ibang app. Pero most of the time ay nakakapag-type naman ako ng maayos. Basta ang gagamitin niyo lang na navigation dito ay yung gestures at huwag yung tatlong button.
Display
Meron itong 4.3″ IPS LCD, 540×1200 resolution, at 90Hz max refresh rate. Sa official Kickstarter page ng R4GT ay wala kayong makikita na ini-declare na 90Hz yung screen refresh rate ng R4GT. Bakit ko nasabi na 90Hz? Sa settings, meron itong Screen refresh rate settings na up to 90Hz. Sa test na ginawa ko sa Test UFO, 60Hz lang talaga ito. Kahit ini-lock ko to High or 90Hz ang screen refresh rate ay 60Hz pa rin. Isa pang evidence, sa show screen refresh rate option ay 60Hz pa rin.
Ang Widevine Security Level nito sa Netflix ay Level 3 lang. Ang mapa-play lang natin na resolution ay Standard Definition lang. Hindi naman na ako nagtaka dahil 540X1200 lang ang resolution nito.
Performance
Naka-Android 14 na ito out of the box, Helio G99 chipset, 8GB RAM, at 256GB na ang storage. Pero pwede pa tayo maglagay ng micro-SD card na up to 512GB. Ang AnTuTu score na nakuha natin kapag naka-off ang virtual RAM na 8GB ay 388369. Not bad, pero tingnan natin kapag ginamit natin ang virtual RAM. Tumaas ng kaunti ang score at naging 394591. Inulit ko pa ulit at naging 409308. More or less, nasa 400K ang makukuha nating AnTuTu score sa phone, which is not bad. Pero for the price at habol mo ang performance, medyo mababaan ka. Pero hindi performance, hindi display, at hindi design yung number 1 factor kung bakit bibilhin mo ang phone. Kundi yung night vision at thermal imaging.
Camera
Meron itong 64MP main, 20MP night vision with IR, at 13MP naman ang selfie camera.
Ito ang sample night vision at thermal imaging screenshots:
Pitch black ang kwarto pero kapag ginamit natin ang night vision, ang laki ng difference. Ang liwanag na, walang flash at infrared lang. Malaking tulong kapag nagka-camping tayo. Imagine na kapag nagka-camping tayo at napakadilim sa lugar at meron tayong narinig na kaluskos. Para sa safety natin ay pwede natin gamitin ang camera nito para ma-check kung meron bang tao or wild animal na papunta sa atin. Pagdating naman sa thermal imaging, nade-detect talaga ng phone ang merong mataas na temperature. At ang isang maganda sa thermal imaging ng phone ay aabot daw ito ng up to 1,000m. Kahit sobrang layo pa ng object na gusto natin kunan ng temperature ay pwedeng-pwede. Yung thermal imaging at night vision ang #1 na feature na pino-promote nila sa phone na ito. Kung sakaling gusto natin talaga ng phone na may ganoong feature, maliit lang, at comfortable gamitin, baka itong R4GT na yung hinahanap mo.
Ito ang sample video screenshot:
2K/30fps na pinakasagad na resolution na pwede nating ma-record sa selfie camera ng phone. Nakakatuwa naman na bumawi sila. Ano ang masasabi niyo sa quality? Para sa akin, una kong napansin na may ghosting at hindi ganun ka-smooth.
Ito ang mga sample photos:
Battery
3200mAh ang capacity nito at capable sa 18W na charging at 15W na wireless charging. Baka sabihin natin na ang liit naman ng 3200mAh na capacity, well maliit lang naman kasi ang phone kaya ang 3200mAh ay sapat na sapat na para sa size na ito. Ang result naman sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 9% sa battery at nadagdagan lang ng 4°C pagdating sa temperature. Medyo hindi maganda yung naging starting point ng temperature dahil kakagaling lang nito sa pag-benchmark at pag-charge nung ginawa ko yung Wild Life Stress Test. Pero makikita ninyo na hindi ito tumaas ng matindi pagdating sa temperature.
Pagdating naman sa charging, kapag wired ang ginamit natin, from 38% to 100% ay 57 mins ang inabot. Pwede ito sa wireless charging. Paglapag ko pa lang, hintay lang tayo ng mga 2 seconds, magii-start na yung wireless charging. Always on yung wireless charging ng phone.
Conclusion
Yan na lahat ang gusto kong i-share sa Phonemax R4GT. Kung kayo ang tatanungin, bibilhin niyo ba ang phone na ito? Ito na ba yung hinahanap niyong phone na eksatong-eksato at pwedeng-pwede sa camping?
Kung gusto niyo bumili, click niyo lang ang link na ito:
Phonemax – https://phonemax.com
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: