12,000 lang ang battery capacity na nilagay nila dito sa Phonemax P10. Same brand ito ng R4GT na na-review nating maliit na phone na may night vision at thermal imaging. Paguusapan natin ngayon itong mas malaki naman, P10 na 12000mAh ang battery capacity. Pero ang importante ay ilang screen on time ang makukuha natin sa phone na ito.
Price
As of writing this article, ang presyo nito ay Php18,300. May dalawang option ang shipping fee, pwedeng free ang shipping fee pero maghihintay ka ng 8 to 10 working days. Pero kung gusto mo naman ng mas mabilis ay 5 to 7 days, Php1,800 naman yung kailangan mong idagdag. Lahat naman free sa bawat city dito sa Philippines at lahat Php1,800 kahit saan ka nakatira.
Unboxing
Itong box ng Phonemax P10 ay mayroong sleeve. Remove muna natin ito para ma-open ang box. Sa ilalim ng box ay nakalagay ang top specs at protection na nilagay nila sa phone. Pag-open ng box, una nating makikita ang P10 na nakabalot sa plastic. Medyo makapal at mabigat yung phone. May honeycomb patterns na makikita sa likod. May outer part ang screen protector na kailangan lang natin i-remove ng dahan-dahan para hindi sumama yung mismong screen protector. Sa ilalim ng box ay merong tempered glass, documentations, USB-A to USB-C cable, at 18W charger na cheap plastic ang gamit. Kapag bibili tayo ng Phonemax P10 ay may tatlong kulay na pwedeng pagpilian; Orange, Green, at Gray. At ang Phonemax P10 na nasa atin ngayon ay Gray.
Design
Kumpleto ang protection ng phone. Meron itong IP68, IP69K, at MIL-STD-810G na protection. Waterproof, dust proof, at drop proof ang phone. Kapag tiningnan natin yung gilid ng phone, sa left side ay makikita niyo yung SIM tray at micro-SD card slot na hindi na kailangan ng pin. Meron din itong customizable or programmable button. Sa kabilang side naman ay makikita natin yung volume up and down buttons, power lock button, at naka-separate na side fingerprint scanner. Sa ilalim naman ang single firring speaker, main mic, USB-C port na may cover, at merong lalagyanan ng lanyard. Sa may likod, mapapansin niyo na honeycomb yung style na inilagay nila at medyo nakakatulong sa grip. Meron din itong Phonemax branding sa gitna, yung camera module ay bilog na may apat na camera.
Sa harap ay makikita natin yung punch hole selfie camera. May light leak ito sa punch hole, hindi naman sobrang obvious pero makikita natin kapag tinitigan. Yung bezel natin sa forehead at chin ay pantay naman pero mas manipis yung dalawang side. Overall, napaka-decent ng itsura kahit pa makapal-kapal yung bezel. Mapapansin niyo din na meron itong added protection sa mga edges. Kung sakali na mabagsak natin ito or mauna yung edge ay hindi agad-agad masisira yung phone dahil masasalo sa impact.
Ang isang complain ko lang siguro ay ang fingerprint scanner. Sana isinama nalang nila sa power lock button. Conventional ang fingerprint nito at dapat mabilis. Hindi super bilis at hindi super responsive pero most of the time ay nau-unlock naman ang phone. May mga time na hirap na hirap akong i-unlock ang phone, siguro dahil na rin sa paraan ko ng pag-register sa fingerprint ko.
Sa settings, meron itong custom key function. Ang programable key ay pwede natin lagyan ng ibat-ibang action or makapag-open ng ibat-ibang application. Kapag i-enable natin ito, pwede tayo mag-select ng one press at for long press. Pagdating sa single firing speaker, para sa more than Php18,000 na phone ay medyo disappointed ako kasi isa lang. Medyo muffled na yung tunog kapag tinodo natin yung volume. Yung haptic ay hindi rin ganun kaganda at entry level lang. Pero ang maganda naman sa Phonemax P10 ay compatible ito hindi lang sa 2.4GHz Wi-Fi connection at pati na rin sa 5GHz.
Battery
Ang battery ang isa sa pinagmamalaki nila sa phone na ito. 12000mAh ang battery capacity ng phone at capable sa 18W na charging at meron din itong reverse charging. Nakuha nating SoT ay umabot ng 18 hours and 15 minutes, ang tindi! Reliable talaga ang phone pagdating sa battery. Tamang-tama ito sa mga gagamit ng phone para sa business or trabaho. Halimbawa ay gumagamit tayo ng GPS base apps buong maghapon, hindi natin kailangan ibabad sa charger or power bank ang phone. Baka paguwi mo sa bahay ay may tira pa itong 30% to 40%. Hindi made-degrade agad ang battery dahil hindi kailangang palaging i-charge ang phone.
Sa charging, from 27% to 100% ay 1 hour and 55 minutes naman na-charge ang phone. Sabihin natin na mga 2 hours and dahil at the end of the day ay saka lang natin icha-charge ang phone ay hindi na natin mararamdaman yung 2 hours na iyun.
Display
Meron itong 6.67″, IPS LCD, Full HD+, at 60Hz refresh rate. Yung color reproduction ng display ay sobrang acceptable at maganda na para sa presyo. Mae-enjoy natin yung panonood ng videos at kahit yung 4K video sa YouTube ay sisiw na sisiw lang sa phone.
Mas mae-enjoy natin yung display ng phone kung level 1 yung Widevine Security. Sa Netflix, ang Widevine Security Level natin ay Level 3 at ang max playback resolution natin ay standard definition lang. Hindi natin masyadong mae-enjoy yung 1080p na resolution ng phone at medyo malabo-labo yung mapa-play natin na movies at TV series. Pero good news naman dahil sa display settings, meron itong mga customization na pwedeng gawin or pagtimpla sa kulay ng display. Sa Colors ay may tatlong presets na pwedeng piliin; Natural, Boosted, at Saturated. Meron din itong Night Light para ma-on natin yung Intensity ng pagtanggal ng blue light. Hindi lang natin bibilhin ang Phonemax dahil sa display at protection, gusto rin natin malaman kung kamusta yung performance nito lalo na sa mabibigat na application.
Performance
Itong Phonemax P10 ay naka-Android 12 out of the box, Dimensity 700 5G chipset, 12GB LPDDR4X RAM, at 256GB naman ang storage. Malaking disappointment dahil kaka-release lang ng phone pero Android 12 ang operating system. Malapit na mag-2025 at ire-release na din yung Android 15. Technically, tatlong major updates na yung nami-miss ng phone. Sayang at kahit sana Android 14 man lang ay acceptable na iyun. Tapos ang security update nito ay September 12, 2022. Sobrang behind na talaga. Hindi tayo sure kung mau-update pa ang phone sa mas updated na Android version. Walang pinangako yung Phonemax na major updates. Sa About Phone at System Update, pinindot ko ang check update at wala talaga.
Pero in fairness naman pagdating sa AnTuTu score, almost half million yung nakuha nito na 416522. Not bad, magandang performance na ito pero habang tumatagal ang phone ay meron kang pagaalala kung aabot pa ang phone kahit man lang sa Android 14. Kung tutuusin ay hindi pa ganun kaluma yung Dimensity 700 5G chipset kaya sayang naman kung hindi updated yung operating system. Hindi talaga ako maka-get over.
Ang ganda rin ng battery consumption at thermals ng phone. After ng test ay 3% lang ang nabawas sa battery at 5°C lang ang nadagdag sa thermals. Ang ganda sana ng performance ng phone at bumagsak lang sa Android version. Pagdating sa gaming, maganda talaga ang performance. Hindi naman flagship level pero pwedeng-pwede na para sa everyday application at kahit pa sa mga bagong games ay kakayanin din. At considering na 12GB yung RAM nito ay hindi ito agad-agad magha-hang kahit ilang apps yung naka-open sa background.
Camera
Meron itong 48MP main camera, 16MP ultrawide, 2MP macro, at 0.3MP photo sensitive camera.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshot:
1080p ang video recording ng Phonemax P10. Acceptable naman yung quality, yung mukha natin ay hindi naman naka-beautify, at natural naman. Yun lang ay hindi ganun kaganda yung dynamic range sa selfie camera. Hindi naman ito camera focus phone kaya acceptable na.
Conclusion
Kung ako ang tatanungin, nasa gitna lang ang phone. Nasa bordeline ito na bibilhin mo na kasi rugged phone, magandang battery performance, okay na display, maganda na rin ang color reproduction, at pwedeng manood ng 4K videos sa YouTube. Pero nandun din yung part na magiisip ka kung hanggang kailan mo magagamit yung phone kasi Android 12 lang yung operating system nito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Phonemax – https://phonemax.com/products/p10-5g-…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: