Pag-uusapan natin ngayon itong budget Android Tablet na Oscal Pad 13. Para sa hindi nakakaalam, ang Oscal ay under ng umbrella ng Blackview. Para siyang Narzo sa Realme at Redmi sa Xiaomi. Ang presyo nito sa ngayon ay nasa PHP10,346.27 pero siyempre madadagdagan pa iyan kapag shinip na sa atin. Para sa updated price, pwede niyong i-click itong link:
AliExpress: https://s.click.aliexpress.com/e/_opL…
Lazada: https://invol.co/clizbn4
UNBOXING
Sa harap pa lang ng box makikita na natin ‘yung mismong itsura ng tablet. Makikita sa may bandang kanan sa taas ng box ang isa sa mga ipinagmamalaki ng tablet na ‘to, na meron siyang total of 14GB RAM. Napakasimple lang ng box, meron siyang Oscal Pad 13 sa gilid at makikita sa likod ang top specs ng tablet na ‘to tulad ng OS niya na Android 11, 7680mAH at 1080p display.
Pagkabukas ng box, makikita agad ang tempered glass, which is good para hindi na tayo maghahagilap sa market, sa malls, sa Lazada o sa Shopee kasi meron na siyang kasama out of the box. Isa pang nakakagulat, meron na din siyang folio case. Manipis lang, maganda at protected ang tablet kasi covered siya mula sa taas hanggang sa baba. Sa loob pa din ng box, makikita naman ang stylus, USB-C to USB-A cable, quick start guide at 18W charging break na may USB-A na port.
Merong 2 color way itong Oscal Pad 13: Space Gray at Twilight Blue. Meron itong Oscal na logo sa gitna at aluminum ang likod. ‘Yung kanyang camera module ay may pagka-iPhone ang layout. Wala tayong makikita sa may bandang taas kapag naka-landscape mode. Sa left side, andito ang powerlock button, volume button at speaker. Sa right side naman makikita ang sim tray, USB-C port, speaker at headphone jack. ‘Yung kanyang sim tray ay hybrid na kayang makapag-handle ng up to 1TB na micro SD card. Kaya pwede tayong maglagay ng dalawang sim or isang sim at micro SD card. Take note lang din na wala itong fingerprint scanner kaya ang tanging security lang na pwede nating magamit ay PIN, Password at Face Unlock.
Sa may harap kapag nakalandscape mode, makikita sa bandang taas ang selfie camera/ webcam. Meron na din itong pre-installed na screen protector kaso nga lang sobrang fingerprint magnet, smudge magnet, talagang ang bilis madumihan ng display lalo na kapag araw-araw natin gagamitin.
DISPLAY
Meron itong 10.1″ IPS LCD, 1200 x 1920 resolution 224 ppi at 60Hz lang ang refresh rate. Maa-appreciate din natin dito sa display ng Oscal Pad 13 ay ang kanyang proportioned na bawat side ng bezel. Pagdating sa color accuracy, hindi natin mae-expect na sobrang accurate pero pwedeng-pwede na. Gusto ko lang kayo i-remind na medyo nasa cool side ang color temperature niya by default pero pwede natin i-adjust ‘yan. Sa Display Settings, meron tayong makikitang Colors & Contrast. pwede tayong mamili sa tatlong presets na Standard, Increased Contrast at Specialty. Kung gusto niyo naman baguhin ang Color Temperature, pwede kayong mamili sa Standard, Warm at Cool.
Ang maganda pa diyan, maliban sa Colors & Contrast, meron din itong Reading Mode sa kanyang Display Setting kung saan magiging black and white ang color ng buong display na makakatulong sa atin na makapag-focus sa binabasa natin.
Ang isa lang sa issue ko dito sa Oscal Pad 13 ay kapag pinuntahan natin ang kaniyang DRM, makikita doon na Level 1 ang kanyang Widevine Security kaya pwede tayo makapag-play dito supposedly ng mga HD content sa mga streaming services katulad ng Netflix. Pero kapag chineck natin sa Netflix, ang kanyang playback specification ay Level 3 lang ang kanyang Widevine Security at Standard Definition lang ang mape-play nating movie dito.
PERFORMANCE
Naka-Android 12 na ito out of the box, hindi Android 11 katulad ng nakasulat sa box. Doke OS_P 3.0 naman ang kanyang Operating System at first time ko makakita ng ganyang OS sa isang Blackview o Oscal na device. 8GB naman ang physical RAM at 256GB ang internal storage. In fairness naman sa Oscal kasi nilakihan nila ang storage nito imbis na 128GB lang. Kaya marami tayong malalagay na files dito, movies at music na malaking tulong lalo na sa mga student.
Pagdating sa Antutu, hindi naman kalakihan ang nakuha nating score na 256,673 pero pwedeng-pwede na isang Android Tablet.
Pagdating naman sa gaming, nag-try tayo dito ng NBA 2k20 na naka-ultra high setting pagdating sa graphics pero nakaya niya at wala akong naramdamang struggle sa kanya. Pero pagdating sa mas mabibigat na game katulad ng CarX Rally, sinagad ko nung una ‘yung graphic setting pero nung nag-uumpisa na ako, sobrang baba na ng FPS niya. Kaya nag-suggest ang game na babaan ang quality niya at nang mababaan na natin ay nagtuloy-tuloy na pero hindi pa din siya ganun ka-smooth. Kaya sa mga mabibigat na game, hindi natin maaasahan itong Oscal Pad 13. Sa Asphalt 9 naman, hindi din niya na-generate ang lahat ng graphics, malapit na siya sa pagiging potato quality pero nabuksan niya naman at napagana ang Asphalt 9.
Isa pa sa maganda dito sa Oscal Pad 13 sa nilagay nilang Doke OS ay plantsado na, hindi katulad ng dati na sobrang dami kong nakikitang error. Pero dito ang gaganda ng mga icon, mas organize at mas madaming features.
Speaking of features, ang isa pa sa pinagmamalaki ng Oscal ay ang kanyang PC mode. Ang gagawin lang natin ay punta lang tayo sa Home Screen, buksan natin ang Notification Panel, expand lang natin at hanapin natin ang PC Mode. Parang Windows ang UI niya. Merong Start Button para sa mga application, orasan, navigation, notifications, quick settings, search at marami pang iba. So, basically, para talaga siyang Windows UI, kulang na lang ng keyboard at mouse para magkaroon tayo ng instant laptop. Kapag magbubukas naman tao ng application, naka-Window din siya. Pwede natin siyang i-drag kung saan natin gustong ilagay at pwede ding i-resize. Meron din itong pre-installed na application tulad ng WPS. Kung gusto nating bumalik sa tablet mode, punta lang tayo sa quick settings sa baba at tap natin ang PC Mode. Para sa PHP10,000 na Android Tablet, napakalaking feature ng PC Mode!
BATTERY
Meron itong 7680mAh capacity at 18W na charging speed. Nakakuha tayo dito ng flat na 9 hours lang na SOT. Para sa isang tablet, average lang ang SOT na yan. May mga tablet na umaabot ng 8 hours, 10 hours o 11 hours. Pero ito, average na at okay na okay na.
CAMERA
Meron itong 13MP na main shooter at 8MP na selfie camera. Pero baka maitanong niyo para saan ba yung isa sa camera module niya? Well, hindi ko din alam kasi sa website nila, isa lang ang naka-declare na rear camera. Hanggang 720p lang din na resolution ang pwedeng ma-set sa kanyang selfie camera / webcam. Kaya hindi ganun ka-clear at sharp ang kuha dito. Pero ang maganda diyan, dahil ang camera niya ay nasa gilid kapag naka-portrait mode at nasa gitna kapag naka-landscape mode, talagang deretso ang tingin natin. Anong masasabi niyo sa kanyang selfie camera? Comment kayo diyan sa baba.
Again PHP10,300 ang price nito. Para sa akin, sulit siya kasi maganda ang kanyang display, maganda ang build quality, maganda ang battery life at ang pinakanagustuhan ko ay ang PC Mode. Muntik ko na din makalimutan na malakas din ang kanyang dual speakers at hindi siya basag kahit naka-maximum volume kaya another plus ‘yan dito sa Oscal Pad 13.
Mare-recommend ko naman siya although meron siyang down side na nakita pero hindi naman iyon deal breaker sa akin. Kung gusto niyong bilhin ito, check niyo lang ang link na ‘to:
AliExpress: https://s.click.aliexpress.com/e/_opL…
Lazada: https://invol.co/clizbn4