Price
As of March 2024, nabili namin ito sa Lazada ng Php4,999.00. Kadalasan kapag OPPO ay medyo may kamahalan talaga. Na-curious ako kung ano ang kayang i-offer ng OPPO sa ganitong presyo. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Decent ang packaging, kagaya ito ng mga premium mid-range phones ng OPPO. Sa gilid ng box makikita ang ilang top specs. Meron itong 36-Month Fluency, ibig sabihin ay na-test ng OPPO ang phone at tatagal ng 36 months at least. Pag-open ng box, document sleeve agad ang bubungad. Sa loob ng sleeve ang SIM ejector pin, documentation, at jelly case. Medyo flimsy na ang jelly case pero frosted ang gilid. Sa ilalim ng sleeve ang phone na nakabalot ng thin paper at nakalagay ang top specs. Sa ilalim ng box ang USB-A to USB-C cable at 10W na charging brick. Maganda mag-take note ang Samsung. Kasi ang mga phone nila ay walang kasamang case, pero itong OPPO A18 ay kumpleto ang laman.
Design
Ang ganda ng Glowing Blue na colorway. Hindi ito kapitin ng smudges at fingerprint kasi matte finish. May color changing effect din depende sa angulo. Simple pero elegant para sa presyo. Medyo makapal ang camera bump. Hindi mo aakalain na Php5,000.00 lang ang phone sa design nito. May dual camera ito sa likod na may LED flash. Sa gilid naman ay flat na flat ang frame. Sa left side ang SIM tray na pwede salpakan ng dalawang SIM at SD card. Sa right side ang volume up and down button, at power lock button na may fingerprint scanner. Sa ilalim ang speaker, USB-C port, main mic, at ang headphone jack. Sa harap naman ang notch selfie camera. Makapal ang chin at hindi proportioned ang bezel ng phone.
May screen protector na ito out of the box. Itong phone ay may IP54 dust and splash resistance. Kung matalsikan ng tubig at madala natin sa maalikabok na environment, hindi ito agad-agad papasukin. Sa haptics naman, nasa border na ito na idi-disable ko na at tsaka pwede na para sa presyo. Single firing speaker lang ito sa may ibaba pero ang lakas, kasi meron itong Sound Boost up to 300% max volume. Nag-try akong isagad pero hindi sabog ang sound, malakas, at malinaw. Thumbs up sa OPPO. Pagdating naman sa Wifi connectivity, compatible ito sa 2.4GHz at 5GHz.
Display
Specification:
Pagdating sa quality ng display, pasado naman ang kulay. Hindi naman maputla at hindi bluish. Okay na okay ‘yung panel na ginamit sa phone. Natitimpla rin ang kulay sa settings. Sa Screen Refresh Rate may tatlong option. Bumababa naman ang Refresh Rate nito pero hindi ganu’n kabilis. Huwag niyo kalilimutan na Php5,000.00 lang ang phone na ito. Kahit maganda ang panel, may mga ghosting pa rin na makikita. Siguro dahil mababa ang touch sampling rate ng phone, okay pa rin at mapagbibigyan natin. Good news dahil ang Widevine Security Level ay Level 1. Makakapag-play tayo dito ng HD content sa mga streaming services. Kahit mababa ang peak brightness ng phone, meron itong Sunlight Display. Visible pa rin ang display kahit gamitin outdoor.
Performance
Specification:
Dito ako medyo nakakita ng madaming red flag. Una, kapag ang isang device ay 4GB lang ang physical RAM, dapat naka-Android GO edition na at hindi full blown na Android OS. At ang skin nailalagay kapag 4GB ang RAM ay dapat light version din. Isa pa ang daming pre-installed na application na kailangan pang i-uninstall. Para sa akin, medyo nakakakamot sa ulo bakit ginawa ng OPPO ‘yun. eMMC ang storage at hindi UFS kaya expect na medyo slow ang performance. Hindi ito kagaya ng phone ng ibang brands na nakakahabol pa rin ang performance, may struggle na nang kaunti talaga.
Ang Antutu score na nakuha kapag naka-off ang memory extension ay 271877. Kapag naka-on ang memory extension ay bumaba pa, 258316 ang score. Kahit may RAM extension ito, bottom line ay 4GB pa rin ang physical RAM. Pagdating sa GPS base apps, na-try natin ito sa Google Map. Okay naman, mabilis mag-zoom in at mabilis mag-zoom out. Para sa mga gagamitin ang phone sa mga trabaho na kailangan ng GPS ay pwedeng-pwede. Try na rin natin sa Asphalt 9, talagang may struggle na. May mafe-feel na lag, frame drops, at hindi rin na-generate lahat ng graphics. Potato quality na ang phone at hindi ko nire-recommend na gamitin sa gaming ang phone.
Camera
Sa likod ng A18 may 8MP na main camera, 2MP na depth sensor, at selfie camera na 5MP. Parehas na kaya mag-shoot ng 1080p, okay yun para sa presyo. Sa photos naman ay soft na ang quality. Magagamit naman ang camera kapag outdoor. Kapag indoor photos, medyo struggle na at kahit ang mismong video ay soft din. Sa selfie photo naman, soft din at nahihirapan ito mag-focus.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshots:
Battery
5000mAh ang battery capacity nito at capable sa 10W charging. Nag-charge ako from 17% to 55%, 51 minutes. Malamang na para ma-fully charge ang phone, aabot ito ng 2 or 2 and half hours. Pagdating naman sa battery performance ay okay din. Nagamit ko ito mula sa pag-unbox at pag-set up, nabawas sa battery ay 10% to 15%.
Verdict
Sulit ba itong OPPO A18? Kung plano natin ito gamitin sa trabaho at GPS base na application, okay ang phone na ito. Pero kung gagamitin natin ito sa pag-shoot ng photos at videos, madi-disappoint tayo dahil hindi ito ganun kaganda. Hindi rin ito pang-gaming pero kung everyday use, pwedeng-pwede ito. Kapag malaking brand makakaasa tayo sa mga software update. Ganun din dito dahil pagka-set up ko ay nakatangap ako ng software update. May promise din ang OPPO na makakatangap ito ng ColorOS 14 at Android 14 update. Pero sana gawing light version para mas-feel natin ang performance.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkulvf
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: