First time ko makakita ng ganitong phone, ito ang nubia Music. Ito kasi ang kauna-unahang phone na nakita ko na dalawa ang headphone jack, sobrang lakas ng speaker, at napaka-loud ng design.
Price
Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price.
Unboxing
Maganda yung condition ng package nung dumating. Maganda ang pagkaka-package nila dito, may mga fragile na mga tape sa palibot ng box, at makapal ang buble wrap. Ang tanging ayaw ko lang sa pagkakabalot nila ay naka-indicate sa waybill kung ano yung laman ng package.
Nakabalot pa sa isang bubble wrap yung mismong box ng phone kaya may extra protection din. Napaka-colorful at puro music instrument yung design ng mismong nubia Music. Sa gilid ng box, makikita natin yung ilang top specs. Pag-open ng box ay makikita agad natin yung document sleeve na may SIM ejector pin, documentations, jelly case, at extra na screen protector. Sunod naman ang nubia Music na nakabalot sa printed plastic. Ang generous nila pagdating sa packaging ng phone na ito dahil lahat colored.
Pagtanggal ng plastic, napaka-unique, napaka-loud, at napaka-unusual ng phone na ito. Dedepende na sa user kung magugustuhan niya yung ganitong itsura pero as for me, okay sa akin at nagustuhan ko. Sa ilalim ng box makikita yung 5W na charger at USB-A to USB-C cable. Music yung prino-promte ng nubia Music pero wala tayong nakitang wired earphone sa box, medyo weird lang.
Design
Kagaya ng sinabi ko kanina, napaka-unique at wala tayong makikitang ganitong itsura ng phone na parang may malaking speaker sa loob. Yung design na nakikita niyo ay parang painting ni Piet Mondrian. Meron tayong Mondrian Edition na Techno Camon dati pero color changing naman ang likod. Pero itong phone ay may polka dots na design na parang nagiging comics na.
Meron itong malaking speaker na may dts x na logo sa loob. Ang dts x na logo na iyan ay umiilaw kapag meron tayong pinapakinggang music or pinapanood na video. Sabi ng nubia na itong nubia Music ay aabot ng 600% yung max volume.
Mapapansin niyo sa volume levels, kapag pinipindot natin ang volume trackers, by default ay naka-blue ito kapag naka-max volume. Pero kapag pinindot pa natin ng isa ay merong boost na mangyayari. At kapag pinindot pa natin ng isang beses ay magiging 600% yung boost sa volume. At seryoso na ang lakas talaga ng speaker sa likod lalo na kapag naka-max volume. Nasa baba ang video ko para makita niyo ang test ko sa volume. Sa test na ginawa ko, ang lakas talaga. Kapag nanonood tayo dito ng videos at mga pelikula ay mas mae-enjoy talaga natin. Lalo na kapag meron tayong ka-share sa panonood. Para tayong may maliit na instant Bluetooth speaker na nakadikit sa phone, ganun ito kalakas.
Makikita niyo rin na dalawa ang headphone jack nito. Pwede natin i-share yung pinapakinggan nating music sa iba gamit ang isa pang wired earphone. Ito ang first phone na nakita ko na dalawa yung earphones. Ang galing diba. Kapag meron lang tayong gustong iparinig privately na sound sa isang tao na katabi natin at ayaw natin marinig ng iba at ayaw rin natin hubarin ang earphones natin. Pwede natin gamitan ng extra earphones. Kung gusto natin i-share ang music or pinapanood nating video dun sa kasama natin at gusto natin maging hygienic at ayaw natin ipagamit ang earphones natin, pwede natin ipasaksak yung earphone nila. Ang daming tulong na maibibigay sa atin ng dalawang headphone jack na ito.
Pagdating sa pagiging music centric phone, sa tingin ko ay nakuha naman ng nubia sa nubia Music yung goal nila. At considering na less than Php4K ang phone na ito ay talagang okay na okay ito sa pakikinig natin ng music. Ang kagandahan din nitong nubia music, meron itong FM Radio at ang antenna nito ay built in. Ibig sabihin, hindi kagaya ng ibang mga phone na kailangan pang kabitan ng headphone jack para gumana yung FM Radio, itong phone ay hindi na. Open lang natin ang application at pwede na tayo makinig ng radio at additional points yan.
Isang downside lang siguro sa design nitong nubia Music ay hindi ito makasagap ng 5GHz connection. Kinabit ko ito sa router namin na may 2.4GHz at 5GHz na WI-Fi connection, naka-connect ito pero nagloloko at namamatay-matay ang Wi-Fi. Pero nung ini-connect ko ito sa router namin na dedicated 2.4GHz Wi-Fi connection ay naging stable na ang Wi-Fi. Isang tip na make sure niyo na 2.4GHz na Wi-Fi connection yung iko-connect natin sa nubia Music.
Display
Meron itong 6.6″ IPS LCD, HD+ or 720p resolution, 90Hz yung max refresh rate, at 267 naman ang ppi.
Kung paguusapan yung quality ng display, sobra-sobra yung makukuha nating quality pagdating sa color reproduction. Hindi ganun kaputla, hindi bluish, at hindi yellowish. Pwedeng-pwede natin gamitin ito sa media consumption. Mage-enjoy tayo dahil maganda na yung quality ng 720p na display at malakas na ang speaker.
Nakakatuwa sa display settings na pwede natin matimpla yung color temperature. Wala lang color scheme na pwede i-select para matimpla pa natin yung overall na kulay ng display. Para sa ganitong presyuhan ng phone ay pwedeng-pwede na. Medyo makapal lang yung chin natin compared sa ibang mga side pero normal yan.
Performance
Naka-Android 13 ito out of the box, Unisoc SC9863A ang chipset, 4GB RAM, at 128GB naman ang internal storage.
Isa sa mga downside ng phone na ito ay hindi pa Android 14 yung makukuha nating operating system. Medyo outdated na ang Andorid 13 at hindi natin sure kung makakatangap pa ito ng Android 14 na update. Pagdating sa update, meron akong natanggap na software update nung sine-setup ko ang phone na ito pero security patch lang. Nakaka-sad lang na hindi pa latest na Android operating system yung meron tayo dito.
Meron itong extended RAM na up to 4GB. Technically ay pwedeng maging 8GB yung RAM. Ang Antutu score natin kapag naka-off ang virtual RAM ay 146856. Sobrang baba nito para sa isang phone at para sa ganitong panahon na kalagitnaan ng 2024, para sa akin ay hindi na acceptable yung ganitong score. Pero dahil less than Php4K ang phone na ito ay palampasin natin iyan. Ang score naman kapag naka-on ang virtual RAM ay 147530. Nakatulong naman ang virtual RAM kaya advice ko na gamitin niyo.
Para naman mabigyan kayo ng idea sa battery consumption. Sa result ng Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 4% at nadagdagan naman ng 2°C pagdating sa thermals. Very good ang thermals at okay din ang battery consumption.
Pagdating naman sa games, wag na. Wag na kayo mag-games dito dahil ang laki na ng sinasabi ng Antutu score ng phone na ito pagdating sa performance sa gaming. Pagdating sa mga very basic na games na hindi masyadong 3D ay pwede siguro. Pero kung magi-install tayo ng mabibigat na games ay mahihirapan lang tayo. Para sa akin, ang phone na ito ay para sa gusto ng phone na malakas ang speaker at for some reason ay nangangailangan ng phone na dalawa ang headphone jack.
Camera
Ito ang sample video screenshot:
Meron itong 50MP na main camera at sa harap ay hindi ko alam kung ilang MP. Pero ang kaya nitong i-shoot na video recording ay 720p lang. Talagang mababa at makikita niyo sa quality na napaka-soft na at ang kulay ay hindi na accurate. Kung hindi ganun ka-importante sa atin yung selfie camera ay baka okay naman sa atin ang phone na ito.
Ito ang mga sample photos:
Battery
5000mAh ang capacity ng battery nito at capable sa 5W lang na charging speed. Kung icha-charge naman natin ito overnight ay hindi na natin ito mafe-feel.
Verdict
Sulit ba itong nubia Music? Pero pwede niyo tanungnin ang sarili niyo before niyo bilhin ang phone na ito. Kaya ba nating i-compromise yung performance ng phone para sa magandang tunog na speaker at dalawang headphone jack? Kasi yun talaga yung main na focus ng phone at yun talaga ang pinagmamalaki ng nubia. Sa tingin niyo ba worth it itong bilhin or maghintay taayo ng susunod na version.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada:Â https://invol.co/clle7qs
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: