Dapat ka bang mag-upgrade sa Red Magic 9s Pro at anong mga improvement yung makikita natin sa phone compared sa 9 Pro?
Price
Nasa baba ang link para sa updated pricing.
Unboxing
Wala namang kakaiba sa box ng 9s Pro. Pinasimple yung itsura ng box dahil single color na lang ang buong box. Nasa atin ngayon ang 16/512GB na Snow Fall colorway. Pag-open ay makikita natin ang black na document sleeve na may REDMAGIC branding. Meron itong SIM ejector, manual, warranty card, at case. Sunod naman ang phone, grabe dahil paganda ng paganda yung design ng Red Magic phones habang tumatagal. Mamaya ay iisahin natin yung mga na-notice kong changes sa 9s Pro compared sa 9 Pro.
Sa ilalim ng box, meron itong card cover, 80W charger na USB-C ang port, at USB-C to USB-C cable.
Design
Pagdating sa design ng phone, wala tayong makikitang day and night difference compared dun sa 9 Pro. Yung frame nito ay aluminum pa rin, yung likod ay glass pa rin, at ang shoulder triggers nito ay 520Hz pa rin kagaya sa 9 Pro. Meron pa rin itong built-in fan na may RGB lighting at flat lahat ng sides ng phone. Wala tayong curve na mafe-feel kahit sa likod. Ang talagang makikita nating subtle changes sa 9s Pro ay ang mga text na nasa likod compared sa 9 Pro.
Ni-remove na nila yung Chinese character sa right side. Yung nubia logo naman sa lowest right ay inilipat nila sa taas ng REDMAGIC branding sa may left side. Tinanggal na rin ang text na win more games sa may top left part. Tinanggal din yung cooling system na wordings sa may gilid ng fan. At mas madami na ring butas yung vents ngayon. Overall, kung ako ang tatanungin ay mas nagustuhan ko yung ginawa nilang subtle changes sa 9s Pro. Mas naging formal, mas naging premium, mas naging professional, at higit sa lahat ay mas naging phone. Ang linis tingnan ngayon pero expect pa rin natin sa susunod na Red Magic phone ay mas magiging maganda pa yung design.
Display
Meron itong 6.8″ AMOLED, 120Hz refresh rate, 1116×2480 resolution, 960Hz ang touch sampling rate, 400ppi, protected ng Corning Gorilla Glass 5, at 1600 nits pa rin ang peak brightness. In short, ang display ng 9s Pro ay identical sa 9 Pro. Kahit nakatapat sa matinding sikat ng araw ay malinaw na malinaw pa rin nating nakikita yung buong display. Isa iyan sa mga edge ng Red Magic phones dahil ang taas talaga ng peak brightness na inilalagay nila.
Pagdating naman sa pag-stream ng movies and TV series, sa Netflix, ang Widevine Security Level ay Level 1. Ang max playback resolution ay Full HD pero wala itong support sa HDR content. Pagdating sa color mode and temperature ay pwede natin ito ma-adjust. Pagdating sa screen refresh rate ay meron itong apat na option; Auto, 60Hz, 90Hz, at 120Hz. Para sa akin ay okay na yung auto kung gusto niyo ng sobrang smooth na display pero efficient pa rin sa battery. Kapag naka-auto, mabilis ang pagbaba ng phone from 120Hz to 60Hz kapag hindi na ginagalaw ang display. Para sa akin, kagaya sa 9 Pro ay napakaganda pa rin ng display nitong 9s Pro.
Saan tayo makakakita ng malaking improvement pagdating sa 9s Pro compared sa 9 Pro? Iyan ay sa performance at battery consumption.
Performance
Itong Red Magic 9s Pro ay naka-Redmagic OS 9.5 out of the box, on top of Android 14, Snapdragon 8 Gen 3 chipset, 16GB LPDDR5X ang RAM, at 512GB UFS 4.0 ang storage.
Yung Snapdragon 8 Gen 3 chipset na nilagay nila sa phone ay nilagyan nila ng improvement. Yung max clock speed or frequency ng chipset ay 3.4GHz na. Yung GPU naman nito na Adreno 750 ay 1GHz na ang frequency. Point lang yung dinagdag na frequency sa CPU kaya hindi natin ito masyadong maramdaman. Pero ang laking bagay na 1GHz na yung frequency nung GPU. Pagkatapos, in-optimize pa ng nubia itong 9s Pro para mas maging tipid sa battery consumption. Idagdag pa natin na in-upgrade nila yung cooling system sa 9s Pro. ICE 13.5 na ang cooling system. Meron itong New Frost Cooling Gel at upgraded na built in fan na 22,000 RPM na kaya +10% yan na speed.
Para ipakita sa inyo na may improvement talaga yung performance ng 9s Pro compared sa 9 Pro ay tingnan natin yung AnTuTu score at thermals sa Wild Life Stress Test.
Ang AnTuTu score na nakuha natin sa 9s Pro ay 2170641, sa 9 Pro ay mas mababa ng kaunti yung nakuha nating score. Pero matindi ang Wild Life Stress Test result. Nabawasan lang ito ng 10% sa battery at nadagdagan lang ng 16°C. Compared sa 9 Pro na 23% ang nabawas sa battery at nadagdagan ito ng 29°C sa temperature. Ang laki ng in-improve ng battery consumption at thermals sa 9s Pro. Kaya kung nagiisip ka kung may improvement bang makikita sa 9s Pro compared sa 9 Pro? Yes, meron talaga. Pero pagdating sa real life performance ng phone sa gaming ay halos wala tayong makikitang improvement or pagbabago. Kayang-kaya pa rin ng phone yung mabibigat na games sa ngayon.
Try naman natin yung wired casting. Ini-connect ko ang phone sa monitor gamit ang USB-C cable. Make sure niyo lang na ang gagamitin niyong cable ay compatible sa video display. Kung ano ang orientation sa phone ay yun din ang magiging orientation sa monitor. Kapag naka-landscape ang phone ay ganun din ang magiging itsura sa monitor. Meron itong translucent na icon, tap lang natin ay makikita natin ang mga option sa pag-cast. Open natin ang Chrome at piliin ang Extended option. Ang mangyayari ay ang 9s Pro ay magiging trackpad.
I-enable naman natin yung Game Space. Pindutin lang natin yung physical button sa gilid at may lalabas na message. Magiging trackpad ulit ang 9s Pro at pwede na tayong mamili ng game na naka-install sa phone. Pwede natin gawing controller yung Red Magic 9s Pro sa paglalaro kapag naka-cast sa monitor. Ang galing dahil meron na agad tayong instant na gaming console.
Camera
Same na same pa rin ang system ng camera ng phone sa 9 Pro.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshot:
Meron itong stabilization up to 4K/60fps. Mawawala lang ang stabilization kapag ini-switch natin yung resolution to 8K/30fps. Sa selfie camera naman ay may 1080p video recording. Kapag maganda ang lighting ay acceptable naman ang quality. Pero kapag indoor na ay medyo maasiwa kayo sa quality dahil in-display yung camera nito kaya may layer na tumatakip sa camera. Pwede na rin pero hindi ito yung strongest point ng 9s Pro. Matagal-tagal pa siguro before maging maayos yung selfie camera dahil priority sa kanila ang pagiging immersive ng display.
Battery
6500mAh yung capacity at capable sa 80W na charging speed. Ito ang mga SoT na nakuha natin:
Sa auto settings ay not bad at pwedeng-pwede na. Kapag naka-lock naman to 120Hz ay hindi ko nire-recommend yung ganitong settings. Hindi ko rin nire-recommend na naka-fix to 90Hz yung refresh rate. Pinakamalaking SoT yung nakuha natin kapag naka-60Hz ang refresh rate. Mamimili lang tayo kung sobrang smooth pero efficient pa rin sa battery consumption ay doon tayo sa auto. Pero kung gusto natin na sobrang tipid talaga na battery consumption at hindi importante sa atin ang smoothness ay duon tayo sa 60Hz.
Pagdating sa charging, 12% to 100% ay 40 minutes ko na fully charge ang phone. Para sa akin, may kailangan pang gawin ang nubia pagdating sa battery consumption ng Red Magic phones. Palagi naman nagi-improve sa bawat release nila pero wala pa rin sila sa mai-impress tayo ng sobra. Sana sa darating na alteration ay umabot na ng 15 hours man lang yung SoT na makukuha natin kapag naka-auto na refresh rate.
Conclusion
Overall, masasabi ko na sulit ang phone na ito para sa presyo. Lahat mabilis at gumanda rin ang thermals, performance, at battery consumption. Pero if ever na nakabili ka na ng nubia Red Magic 9 Pro, huwag ka ng magalala na bilhin ito kasi hindi mo mararamdaman ng malaki yung difference or improvement. Merong improvement pero hindi sulit para mag-upgrade ka. Hintayin mo nalang yung susunod. Pero kung naka-Red Magic 8 ka pababa ay pwede ka na mag-upgrade. Mafe-feel mo talaga yung improvement. Kung naghahanap ka ng gaming phone na napaka-stable at madaming pwedeng magawa, Red Magic 9s Pro ang pwede mong i-consider.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.io/cllm02m
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: