Merong bagong phone ang nubia, ito ang Neo 2 5G. Php9,999.00 ito pero meron itong feature na dati ay sa mga mahal na gaming phone lang natin makikita. Unbox natin ito at check natin ang performance.
Unboxing
Design palang ng box ay alam mo nang pang-gaming ang phone na ito. 5G na ito at nasa atin ang 8/256GB Storm Gray na colorway. Pag-open ay document sleeve ang bubungad sa atin. Sa loob nito ay may documentation, SIM ejector pin, at hard case. Frosted ang case nito at cover ang buong likod maliban sa gilid. May protection din ito sa camera bump. Sunod ang nubia Neo 2 5G na nakabalot sa printed plastic na may top specs. Meron din itong maliit na box na may lamang USB-C to USB-C cable. Sa pangalawang box naman ay may charging brick na 33W na USB-C ang port. Na-appreciate ko na may naka-engrave na square sa charging brick para madali natin mabunot sa saksakan.
Design
Gaming na gaming talaga ang design ng phone. Malaki pa rin ang resemblance sa first-generation ng nubia Neo, pero para sa akin ay mas holographic ang design nito. Aakalain mo na may fan ang likod pero flat na flat ito. Camera module ay may octagon na shape at flat ang mga sides. Makikita rin ang shoulder triggers sa gilid. Ang red button ay power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa kabilang side ay ang volume up and down button at SIM tray. Dual SIM slot lang ang SIM tray at walang SD card slot. Sa taas ng phone makikita ang secondary microphone. Sa ilalim naman ang main mic, USB-C port, at main speaker. Yung likod nitong phone ay maganda talaga at pang-gaming sa unang tingin. Pero sobrang glossy nito kaya fingerprint at smudge magnet kapag walang case. Sa harap naman ang punch hole selfie camera at may pre-installed na screen protector. Ang secondary speaker ay nasa earpiece.
Ang shoulder trigger nito ay meron talagang texture. Kaya alam mo na ang kinakapa mo ay shoulder triggers. Ang dual speaker nito ay DTS:X Ultra. Malakas at talagang immersive ang sound, bihira ako makarinig ng ganitong sound quality sa isang Php10,000.00 na phone. Kung ang hinahanap mo sa isang phone ay immersion, lalo na kung manonood tayo ng movies, TV-series, or games. Sakto sa atin itong phone. Sa bezel naman, hindi ganun ka nipis ang chin compared sa forehead pero manipis na iyan para sa presyo. Okay din ang performance ng fingerprint scanner, mabilis ang animation at isang dampi ay nabubuksan na.
Performance
Specification:
Kaka-realease lang ng Unisoc T820 nitong November 2022. More than a year na pero masasabi pa rin nating bago ito para sa isang chipset. Mas powerful ang chipset na ito compared sa nakasanayan nating G99. Nakakabilib na sa ganitong presyo ay naka-UFS 3.1 na ito. Kasi usually sa ganitong presyuhan ng phone, UFS 2.1 lang at minsan ay eMMC 5.1 pa nga. Pero napakabilis ng read and write speed ng storage. Malaking tulong iyan sa gaming performance.
Itong nubia Neo 2 5G ay may extended RAM na up to 12GB, in total ay para kang naka-20GB of RAM. Ang nakuhang Antutu score kapag naka-on ang extended RAM ay 542909. Kapag naka-off naman ay 537534 ang nakuhang score. Medyo malaki-laki ang nabawas sa score kapag ini-off natin ang extended RAM. Dito sa phone ay mas maganda kung naka-on ang virtual RAM. Good news iyan para sa mga gamers.
May tatandaan lang tayo kapag nagga-games tayo sa phone na ito. Sa result ng Wild Life Stress Test, nabawas sa battery ay 4% at not bad. Pero pagdating sa temperature, from 32 degrees Celsius ay tumaas ng 41 degrees Celsius. Kung 36 degrees Celsius ang starting temperature ay alarming heat na ang mage-generate natin. Mas powerful talaga ang Unisoc T820 compared sa mga chipset na ganitong presyo. In the future ay imbis na G99 ang makita natin sa mga budget phone, mas maganda kung itong Unisoc T820 dahil sa magandang performance.
Okay, walkthrough naman tayo kaunti sa GameSpace 2.0. Select tayo ng game at pwede natin i-customize ang aspects ng phone. For example, ang performance ay pwede natin i-set to eco, balance, or rise. Pwede ito gawin sa bawat game at pwede rin na ibat-iba ang performance nito. Para ma-customize ang gaming triggers, swipe lang sa gilid, pindutin ang trigger icon, at pwede na natin i-customize. Napaka-responsive naman ng gaming triggers at parang physical button na talaga. May vibration o haptics din ito at okay ang haptics. Talagang mafe-feel sa buong phone kapag pinundot ang gaming triggers. Dito sa game ay nakaka-80+fps kaya pwede talaga sa high refresh rate gaming ang phone.
Test natin dito sa SpongeBob Cosmic Shake, ang pinakamataas na setting na pwede natin i-set ay Ultra pero hindi talaga nagpe-perform ng maayos. Kaya naka-set nalang ito sa High, pati na ang advance video setting. Sa gameplay ay nakaka-30fps ito at very playable naman. Hindi ito nag-stutter or may hiccups pero kapag tinaasan ang graphic settings ay gapang talaga ang performance. Kung maglalaro tayo ng mabigat na game dito ay mage-enjoy naman tayo. Sa Asphalt 9, hindi nito na-generate lahat ng graphics pero naka-set ang graphic sa high. Almost potato quality na ang graphics. Pero sa mismong gameplay at performance ay okay naman, napaka-smooth, walang hiccups, at pwedeng-pwede sa 60fps na gameplay.
Yes, for gaming talaga itong nubia Neo 2 5G. Pero huwag pa rin tayo mag-expect na magpe-perform ito ng sobrang ganda sa mga mabibigat na games. Kayang-kaya nito magpatakbo ng mga mabibigat na games pero hindi nito kaya isagad ang graphic settings. Ang chipset nito ay hindi pa rin naman mid-range or flagship killer level, entry level pa rin.
Display
Specification:
Okay naman ang kulay at saktong-sakto lang para sa presyo nito. Hindi sobrang accurate pero almost accurate. Pwedeng-pwede ito sa mga media streaming at hindi nakakasira ng experience yung kulay nito. Malaking downside lang ang Widevine Security Level nito ay Level 3. Hindi tayo makakapanood ng HD content sa mga streaming services. Pero nabawi naman ng phone sa ibang feature. Hindi mo rin naman ito bibilhin siguro para sa pag-stream ng movies, primarily ay bibilhin mo ito dahil sa performance.
Gusto ko lang din kayo i-inform na meron akong nahalatang yellowish tint sa baba, kapag puting-puti ang naka-display sa screen. Expected na iyan, kasi may compromise talaga sa ganitong presyo, para makuha natin ang performance at feature na hindi natin makikita sa ibang phone. Ang display pala nito, kapag naka-auto ang refresh rate ay kusa namang bumaba to 60Hz kung hindi naman kailangan. Mabilis din ang pagbaba kaya makakatipid tayo sa battery kapag naka-auto lang ang refresh rate.
Battery
Specification:
Siguro, iispin ninyo na dahil 6000 ang capacity ng phone ay mage-excel ito sa SoT? Iyan din ang iniisip ko noong una. Nakuha lang natin ditong SoT ay almost 12 hours, 11 hours and 42 minutes. Medyo aggressive talaga ang chipset ng phone, maganda ang performance pero compromise pagdating sa battery.
Para sa mga gamers na gusto nila nakasaksak ang phone habang naglalaro, meron itong charge separation or bypass charging. Very safe ito gamitin kahit naka-charge ang phone.
Camera
Alam natin na sa kahit anong gaming phone, camera talaga ang number 1 na compromise.
Specification:
Meron itong Depth Sensor na kuing tutuusin hindi naman talaga natin kailangan kaya halos isa lang talaga ang magagamit natin. Sa harap na camera ay hindi ko sure kung ilang MP.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshot:
1080p/30fps ang video recording sa selfie camera, iyan ang pinakasagad na pwede natin i-set. Pagdating sa quality, parang pixelated na at hindi na sharp.
Verdict
Sulti ba itong nubia Neo 2 5G? Iyan lang muna ang gusto ko i-share at kung may question ka ay comment lang sa ibaba.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.io/cll10yi
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: