Binilhan ko na ang itong Nothing Phone (2a) ng case at matte na screen protector. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili. Kamusta ba ang performance ng phone na ito? worth it ba para sa presyo?
Price
Mabibili natin ang Nothing Phone (2a) sa online or physical store ng Digital Walker. As of writing this article, Php18.990.00 ang 8/128GB na variant. Ang 12/256GB naman ay Php20,990.00. Nasa atin ngayon ang Milk na colorway at 12/256GB variant. Pero may Black at White na colorway pa ito.
Unboxing
Same pa rin ang feels ng unboxing sa (2a). May printed sleeve na kailangan punitin sa taas para ma-open. Pag-open, yung mismong box ng phone ay pure white lang talaga. Ang design sa likod ng phone ay naka-engraved or naka-embossed sa box. Napaka-unique at elegant ng box. Pag-open ng box mare-reveal sa atin ang (2a) na nakabalot sa paper at short message sa left side. Maliban sa phone, ang accessory lang ay, USB-C to USB-C cable, at SIM ejector. Sa bandang ilalim ay ang safety and warranty information.
Design
Grabe ang design ng Nothing Phone (2a). Kagaya pa rin ng nagdaang Nothing Phone, sobrang ganda at sobrang unique. Nangingibabaw pa rin ang design at alam mo agad na (2a) ang phone sa unang tingin palang. Itong phone ay may IP54 rating. Hindi agad-agad mapapasukan ng patak ng tubig, ulan o alikabok. Ang layout ng dual camera ay pa-landscape compared sa nagdaang generation na patayo. May malaking bilog sa bandang taas na nagmumukhang robot or ulo. It made sense naman kasi sabi ng Nothing, nandiyan sa loob ng bilog ang chipset o brain ng phone. Parang buntot naman ang design ng ibabang part. Very comfortable gamitin ang phone na ito. Sa ngayon, ito ang pinaka-favorite na phone ko.
Kung paguusapan ang haptic ng phone na ito, pang-flagship at highly recommended na gamitin niyo. Mas mafe-feel niyo bawat pindot at pag-type sa keyboard. Hindi rin ako nabitin sa dual speaker ng phone. Kahit max ang volume okay pa rin ang quality. Maganda ang separation ng left and right, at hindi distorted ang tunog. In-display ang fingerprint scanner. Okay naman ito. Medyo may kabagalan lang ang animation pero for the most part reliable naman.
Display
Specification:
Hindi talaga tinipid ng Nothing ang display. Talagang pang-flagship ang quality. Pantay na pantay ang bezel ng phone. May naka-installed na rin itong screen protector pero pinalitan ko lang itong akin. ‘Yung quality ng display ay medyo reflective talaga. Pero for the most part ang ganda ng display. Ang ganda ng color reproduction, accurate ang color, at napaka-vibrant ng display. Natitimpla rin natin ang color sa settings. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Makakapag-play tayo dito ng Full HD. Nabitin lang ako ng kaunti, dahil nakalagay sa Netflix application na “none” ang HDR capabilities. Pero may support ito for HDR 10+. Siguro sa susunod na software update ay mafi-fix ito ng Nothing. Pagdating naman sa Refresh Rate may tatlong option. Bumababa naman ito kapag hindi na natin ginagalaw. Kapag naka-Always On Display, stuck lang ito sa 120Hz at maaksaya sa battery iyan. Sa ngayon hindi ko ma-recommend na gamitin niyo ang Always On Display hanggang sa ma-fix ito ng Nothing.
Performance
Specification:
Itong Nothing Phone (2a) ang closest to Pixel na pwede natin makuha dito sa Philippines. Stock Android na Stock Android ‘yung feels ng phone. Walang itong bloatware. May konting alteration lang ‘yung Nothing, katulad ng icon sa settings. May Glyph Interface pa rin ito. May tatlong LED ito sa likod na iilaw para maging notification natin. May composer pa rin ito, kung saan pwede tayo makapag-compose ng behavior ng ilaw at tunog.
May RAM Booster din na up to 8GB. Kung 12GB na variant may total ito na 20GB of RAM. Ang Antutu score kapag naka-off ang RAM Booster ay 671610. Naka-game mode tayo dito para sagad ang performance. Kapag naka-on naman ang Booster, ang nakuhang score ay 685828. Ang laki ng na-improve. Kaya I suggest na i-on niyo ang RAM Booster para makatulong pa sa performance ng phone. Sa totoo lang medyo nabitin ako sa score na nakuha ko. Nage-expect ako ng 700k na score. Nakailang ulit ako pero gano’n pa rin ang score. Sa Wild Life Stress Test naman, after ng test, ang nabawas sa battery ay 8% at 9 degrees celsius naman ang nadagdag sa temperature.
Nag i-test natin ito sa Asphalt 9, na-generate naman lahat ng graphics. Napaka-smooth ng performance. Indication ito na kayang-kaya ng phone kahit pa ang mabibigat na games. Sa Grid Autosport, smooth pa rin ang performance at napakaganda ng graphics. Sa NBA Infinite, halos lahat sa graphic settings ay naka-max naman, at ang Anti-aliasing ay naka-2x. Kahit papaano ay may enhancement sa graphics dahil sa chipset nitong phone. Sa actual performance ng NBA Infinite, wala akong naging problema. Wala akong naramdamang struggle, at smooth pa rin ang performance. Pagdating sa gaming, kayang-kaya nitong phone. Pero dahil aggressive ang chipset nito, medyo magge-generate ito ng alarming heat kung hindi ideal ang room temperature.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshot:
Ang pinakasagad na mare-record sa selfie camera ay 1080p/30fps. Hindi gano’n ka wide ang framing siguro dahil sa EIS, pero stable naman. Pagdating sa kulay, may signature talaga ang Nothing sa video at photo. Hindi ko masasabi na natural. Kahit ‘yung skin natin ay may enhancement na ginagawa ang Nothing. Sa photos naman ng rear camera, hindi gano’n ka natural pero okay naman ang kulay. Okay din ang sharpness at detailed naman. Kailangan lang siguro natin gumamit ng 3rd-party application para maging natural ang kulay. Pero pasado ito para sa overall na quality.
Sa 4K video recording ng rear camera, okay naman at stable rin. Meron din namang bokeh. Kahit indoor ay maganda ang quality. Overall, pasado naman pagdating sa presyo. Dahil na rin siguro sa pagiging stock android ay may kamahalan ang presyo. Pero ang camera ay hindi natin maico-compare sa ibang brands, na kapareha ng presyo pero hindi stock android. Dahil almost stock android itong phone, mapagbibigyan natin ito sa camera. May pangako rin ang Nothing ng matagal na software update. Maasahan natin na ang camera quality at video quality ay magi-improve pa by time.
Battery
Specification:
Dahil walang kasamang charging brick ang phone, may dalawang test akong ginawa dito. Habang nagcha-charge ang phone sa GaN Powerbank, hanggang 31W lang ang max na charging speed na nakuha ko. Kailangan talaga bumili ng charging brick sa mismong Nothing para ma-experience ang 45W na charging speed. Pagdating naman sa SOT, nakuha nating score ay 16 hours and 46 minutes. Impressive at almost 17 hours ang nakuha natin. Ang settings niyan ay naka-50% brightness at Dynamic ang refresh rate.
Verdict
Sulit ba itong Nothing Phone (2a)? Kung ako ang tatanungin, itong phone ay para sa mga user na gusto ang phone na magagamit nila for at least 3 years. Kasi at least 3 years makakatangap tayo ng tuloy tuloy na android update. At sa almost 2 weeks na paggamit ko sa phone na ito, nakatangap na ako nang 2 update na napakadami talagang fix at mga improvements. By time magi-improve pa ang performance ng phone. Sulit na sulit ito para sa presyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito: https://digitalwalker.ph/collections/…
Screen Protector: https://invl.io/clkuzv5
Case: https://invl.io/clkuzv8
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: