Pag-uusapan na natin ngayon itong bagong Nothing Phone (2). Mabibili na natin ito sa Digital Walker at sila mismo ang nagpadala ng nit na ire-review natin ngayon. meron itong dalawang variant na available dito sa Philippines: 12/256GB na may price na PHP38,990 at 12/512GB na may price naman na PHP44,990.
UNBOXING
Almost same lang ang box nitong Nothing Phone (2) sa Nothing Phone (1). Kita pa din ang ilang parts ng glyph interface sa picture ng box, square pa din ang shape niya at manipis din kaya halata mong walang charger sa loob. Tapos, kailangan mo na namang punitin ang box para ma-open lang at ‘yan ang pinaka-ayaw ko sa unboxing experience ng Nothing Phone (1). Ang malaking difference sa box nito ay hindi na drawer type ang loob kundi meron ng color white na box sa loob. Tapos, textured version siya ng cover picture sa sleeve kanina.
Pag-open ng box, makikita na kaagad ang Nothing Phone (2) na nakabalot. Masasabi ko kaagad na sobrang ganda ng itsura. Yes, sobrang lapit ng itsura niya sa Nothing Phone (1) pero kung galing ka sa Nothing Phone (1) makikita mo kaagad ang difference especially sa kulay kasi hindi na siya super dark. Sa loob ng box, meron pa ding kasamang sosyal na sim ejector pin, charging cable at documentations.
DESIGN
Again, sobrang familiar ng design niya at almost kahawig talaga ng Nothing Phone (1). ‘Yung likod niya ay glass pa din at protected siya ng Corning Gorilla Glass. ‘Yung mga kanto niya naman ay hindi na flat. Meron na tayong mafi-feel na curve na naka-embosed ng kaunti kaya kapag hawak mo siya, mas komportable siya kaysa sa Nothing Phone (1). ‘Yung kanyang frame naman ay aluminum at IP54 splash, water and dust resistance siya. Kaya kapag gagamitin natin itong Nothing Phone (2) sa labas at maabutan tayo ng ulan tapos mabasa siya ng kaunti, hindi tayo masyadong mag-aalala na baka mapasukan siya kasi meron siyang protection. According pa sa Nothing, napaka-eco friendly ng pagkakagawa nila sa phone na ‘to kasi nga gumamit sila ng mga recycled materials.
In-display naman ang fingerprint nito. Kahit medyo malapad naman ang powerlock button niya, hindi pa din nila doon nilagay ang fingerprint para maging conventional sana. Meron na din itong pre-installed na screen protector sa harap kaya meron tayong enough time na makahanap ng tempered glass kung sakali. ‘Yun nga lang wala itong jelly case na kasama out of the box kaya kailangan maghanap tayo agad kasi may kamahalan ang phone na ‘to.
Enhancement in Glyph Interface
Una sa lahat, meron na itong Composer. Ibig sabihin, pwede na tayong mag-compose ng tunog at behavior ng lights sa likod everytime na may notification. Para magawa ito, pindutin lang natin ang pulang button tapos pwede na tayong pumindot para ma-record na niya. After niyan, pwede nating i-play at ‘yun na din ang magiging behavior ng ilaw sa likod niya. Pwede na nating i-save at gamitin sa ibang mga notifications natin.
Isa pa sa mga nagustuhan kong bago sa Glyph Interface ay ang Glyph Timer. Basically, pwede kang mag-set ng timer. Kapag nakapag-set ka na ng time tapos itinaob mo yung Nothing Phone (2), makikita niyo na nababawasan yung light niya sa likod. Kapag natapos naman na ang countdown, mag-a-alarm siya.
Meron na din itong Glyph progress. Sa ngayon, compatible lang siya sa Uber kasi alam niyo naman na wala ‘yan sa Philippines. Pero sana sa mga sususnod na updates ay magkaroon ito ng iba pang applications tulad ng Grab. Kapag paparating na ang grab, magkakaroon siya ng progress light somewhere sa likod. Kahit hindi na natin i-turn on ‘yung display, makikita na natin kung malapit na ‘yung rider o delivery.
DISPLAY
Ang display nitong Nothing Phone (2) ay 6.7″ LTPO OLED, FHD+, 394 ppi, 120Hz maximum refresh rate, supported na ng HDR10+, 1600 nits peak brightness, protected na ng Corning Gorilla Glass at kayang mag-produce ng 1 billion colors. In short, flagship level ang display nitong Nothing Phone (2) at talagang accurate ang mga color na makikita dito.
Meron itong dalawang color preset: Alive (DCI-P3 color space) at Standard (sRGB color coverage). Pwede din timplahin ang color temperature nito kung gugustuhin natin.
Sa refresh rate niya naman, meron itong tatlong option: Dynamic, High at Standard. At dahil LTPO ang display nitong Nothing Phone (2), pwedeng bumaba ang refresh rate niya up to 10Hz. May mga article na nagsasabi na kaya niyang bumaba up to 1Hz pero sa experience ko, hanggang 10Hz lang ang naibaba niya. ‘Yung 10Hz na ‘yun ay malaking bagay para makatipid tayo sa battery.
Good news din kasi ‘yung Widevine Security Level niya ay Level 1 kaya makakapag-play tayo dito ng mga HD contents sa mga streaming services.
Ang dual speaker naman nitong Nothing Phone (2) ay malakas ang maximum volume. Hindi ako nabitin, maganda ang quality, hindi sabog kahit itodo natin ang volume at ang placement ng secondary speaker niya ay nasa earpiece.
CAMERA
Meron itong dula camera sa likod. 50MP Sony IMX890 ang kanyang main shooter, 50MP Samsung JN1 ang ultrawide at 32MP ang selfie camera. Good news kasi ang main shooter niya ay kayang mag-shoot ng up to 4K 60fps. Kaya lang ang kanyang front facing camera ay 1080p 60fps lang ang pinakasagad na video recording.
Hindi ganun ka-wide ang framing ng selfie camera video recording dahil siguro sa Electronic Image Stabilization (EIS). Dahil may EIS siya, hindi siya maalog kapag nagvivideo kaya pwedeng pwede ito sa pag-vlog. Pagdating sa quality, pasado siya sa akin kasi hindi maputla ang kulay at hindi sobrang saturated. Kahit na 1080p siya ay acceptable pa din ang sharpness niya at detail.
PERFORMANCE
Naka-Nothing OS na ito out of the box on top of Android 13, SnapDragon 8+ Gen 1 chipset, 12GB RAM LPDDR5X, 256GB UFS 3.1 internal storage. Ang isa pa sa malaking upgrade na nakuha natin sa Nothing Phone (2) ay ang kanyang chipset. Kung sa Nothing Phone (1) ay nasa mid-range lang, pero dito medyo malaki-laking upgrade.
Ang Antutu Score na nakuha natin dito ay 1,071,918. Talagang impressive ang performance ng phone na ‘to! Ang result naman na nakuha natin sa Wildlife Stress Test ay nadagdagan ng 10°C ang temperature samantalang ang battery niya ay nabawasan lang ng 5%. So, pagdating sa battery consumption, maaasahan ang phone na ‘to. Pero hinay-hinay lang tayo sa paggamit ng mabibigat na games at application kasi umabot ito ng 42°C.
Sinubukan ko din siya sa CarX Rally at naka-Ultra ang kanyang graphic settings. Pagdating sa quality, hindi siya hirap kasi flagship level ang chipset nito. Pero pagdating sa high refresh gaming ay hindi siya compatible kasi hanggang 60fps lang ang kaya niyang i-produce. Kailangan nating tandaan na hindi intended for heavy gaming ang phone na ‘to. Sana sa mga susunod na software update ay mapagbigyan tayo ng Nothing na ma-enable ang high refresh rate gaming.
Pagdating sa UI experience, parang naka-Pixel phone tayo dito, Stock Android na Stock Android at halos walang bloatware. meron lang inilagay ang Nothing dito na ibang mga icon at widgets para umangat ang kanyang hitsura.
Pero siyempre, hindi pa din ito perfect kahit na Stock Android ito. Example, kapag nagpunta tayo sa Recent Apps, imbis na Clear All ang nasa baba, Screenshot ang nakalagay. Para ma-clear all natin ang mga app, kailangan pa nating pumunta sa pinakadulong app at nandoon ang Clear All Button. So medyo nakakapagod siya lalo na kapag madaming apps ang naka-open.
Isa pa, kapag in-enable natin ang Dark theme, hindi talaga siya super dark. Meron pa din siyang color gray sa background kaya hindi pa din siya nakakatipid sa battery.
BATTERY
4700mAh ang battery capacity nito. 45W ang charging speed kapag wired, 15W naman kapag wireless at 5W na wireless reverse charging. Talagang nag-excel itong Nothing Phone (2) pagdating sa battery consumption kasi nakakuha tayo ng 16 hours and 1 minute na SOT. Sobrang reliable ng phone na ‘to kahit hindi tayo tumungtong sa 5000mAh na battery capacity.
Pagdating naman sa charging, 16-100%, 51 minutes lang ang inabot. Sa charging test na ginawa ko, ang ginamit kong charger ay ang Ugreen Ganfast.
Overall, anong masasabi niyo dito sa Nothing Phone (2)? Sa tingin niyo ba magandang upgrade ito kung naka-Nothing Phone (1) ka na? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako naman ang tatanungin ninyo, suit itong phone na ‘to. Una sa lahat, naka-Pixel phone experience ka kasi Stock Android ang operating system nito, halos walang bloatware at napakabilis. Tapos, promise pa ng Nothing na makakakuha tayo dito ng tuloy-tuloy na security patches for 4 years at 3 years na Android update. Pangalawa, ang ganda ng display. Talagang flagsip level ang quality ng display, maganda ang color reproduction at hindi tayo mabibitin sa media consumption. Pangatlo, ang ganda ng battery performance ng phone na ‘to. Hindi lang siya mabilis i-charge, malaki din ang nakuha nating SOT sa kanya kaya talagang maaasahan ang endurance.
Pero kung binili mo naman ang Nothing Phone (1) dahil sa design ng Glyph Interface, stay ka na lang muna diyan dahil same na same lang siya sa Glyph Interface ng Nothing Phone (2). May ilang mga enhancement na ginawa ang Nothing, pero hindi siya malaking reason para mag-upgrade ka. Again, kung ang reason mo lang ay design. Pero kung performance, camera, display, battery life at charging time, pwede kang mag-upgrade sa Nothing Phone (2) kasi medyo malayo ang specs niya at masasabi kong flagship killer talaga ito.