‘Nung mabalitaan natin na magiging available na ang Nothing Phone (1) dito sa Philippines, marami sa atin ang na-hype, kasama na ako doon primarily dahil sa Glyph Interface. First time nating makakita ng napakaraming LED sa likod sa isang phone na usable naman din. Pero napatunayan natin sa Full Review na hindi ito dapat ang maging primary reason natin para bilhin itong Nothing Phone (1). Tignan din natin kung kamusta ang naging performance niya for the past 6 months. Para sa mga nagpaplano pang bumili o baka may kakilala kayong gustong bumili ng phone na ‘to, pwede mong i-share sa kanya itong article na ‘to.
Tungkol sa presyo, PHP26,000 pa din siya at sa Digital Walker pa rin natin ito mabibili. Medyo nakakalungkot lang na kapag gusto natin ng color white, available lang iyon sa 256GB variant.
SOFTWARE UPDATES
Since August 2022, nakareceive ako dito ng 5 software updates. Malaking proof iyan na aalagaan ng Nothing itong Phone (1) sa mga bug fixes at major Android update. Isa sa malaking fix para sa akin na napansin ko dito sa Nothing Phone (1) mula noong August 2022 ay ‘yung discoloration na nakita natin sa mga gilid.
Unang update ay noong August 23, 2022. Ang update size lang nito ay 38.28MB lang which is good kasi maliit lang pero marami na silang nadagdag o na-fix.
2nd update ay noong August 26, 2022. Mapapansin niyo na meron ditong tatlong categories: New features, Camera improvements at Bug fixes & performance optimisations.
3rd update naman ay noong September 12, 2022. Meron ulit tatlong categories na makikita: New features, Camera improvements at System improvements
4th update ay noong November 2, 2022. So mapapansin natin na medyo mahaba yung chinop na date. Meron ulit itong New features, Camera at Improvements.
Nareceive ko naman ang last update noong December 2, 2022.
Makikita niyo talaga na alagang-alaga ng Nothing itong Phone (1) dahil sa mga software updates. Balita ko rin na na-roll out na ang Android 13 sa ibang bansa at hinihintay natin ‘yan dito sa Nothing Phone (1) natin para ma-share ko sa inyo ang top features.
SOFTWARE EXPERIENCE
Isa sa mga kailangan niyong tandaan kung gusto niyong i-consider ang phone na ‘to ay sobrang pixel-like, sobrang stock, sobrang snappy ng performance at walang bloatware. Syempre meron ding mga minor feature na idinagdag dito pero hindi siya nakakaapekto sa overall performance. Sobrang bilis din mag-open ng mga application like Google Play Store, Settings, Google Chrome at Lazada kaya wala tayong magiging problema dito.
Marami sa atin ang nasanay sa mga phones na may added feature tulad ng XOS at MIUI. Pero dito, wala tayong new features na mae-experience, Stock Android lang. Para sa akin, mas pipiliin ko pa din ang ganito kaysa doon sa jumpacked na UI na medyo nakakaapekto na sa performance.
Para sa mga nagpa-plano na mag-multitasking dito sa Nothing Phone (1), pwedeng-pwede naman kasi meron itong split screen. Punta lang tayo sa Recent Apps, pili lang tayo ng isang application, i-click ang icon at click natin ang Split Scrren. Tapos pili na tayo ng isa pang app na gusto nating buksan. Isa pang feature ay pwede ang Pop-Up View. Pili tayo ulit ng isang application, i-click ang icon, then select Pop-Up View. So pwede natin itong magamit on top ng isa pang application.
Ang isa lang naman sa naging problema ko sa UI ng Nothing Phone (1) ay ang Dark Mode. Kapag tinurn on natin ang Dark Mode, hindi siya magiging balck kundi gray lang siya. So hindi siya nakakatulong sa OLED Display niyo kasi alam natin na kapag OLED, dark nadark talaga ang ating wallpaper at background para makatipid tayo sa battery. Pero dahil hindi siya pure black, halos walang silbi ang Dark Mode niya. Sana ma-fix iyon sa mga susunod na software update.
CAMERA
Makikita niyo sa mga sample shots na maganda ang photos, maganda ang quality, sharp naman, detailed at gustong-gusto ko ang kulay. Ang ganda ng color reproduction niya, ang lapit na sa pagiging natural. Hindi siya ka-level ng mga kuha sa Google Pixel Phones pero pwede na. Effective din ang Night Mode niya kasi maganda ang kulay at hindi ganun ka-noisy kaya very good din.
Pagdating sa selfie video, okay din ang quality, maliwanag siya, maganda ang kulay at hindi tayo blurry. Ang problema ko lang dito ay wala itong 4K video recording sa selfie camera. So isa ‘yun sa mga dapat niyong pag-isipang mabuti lalo na kung gagamitin niyo ito sa pagba-vlog. Medyo nakakadisappoint para sa isang phone na PHP26,000.
PERFORMANCE
Snapdragon 778+ 5G ang kanyang chipset at makikita din sa Antutu Score na more than 550,000 which is not bad kasi kahit 2023 na, maganda pa din ang performance na ‘yan para sa isang phone na worth PHP26,000.
For 6 months, hindi ko talaga siya ginamit sa mga games kasi hindi naman ako mahilig sa games. Nagge-games lang ako kapag gusto kong i-try ang performance ng phone. Pagkatapos ‘nun, wala na. Pero para lang magkaroon kayo ng idea sa kanyang Thermals, ang kanyang Wildlife Stress Test result ay from 30°C, umabot siya ng 40°C. Yes, capable siya sa gaming. Pwedeng-pwede kung gugustuhin ninyo. pero pagdating sa Thermals, hinay hinay lang tayo kasi ‘yung 40°C is malaki iyon at medyo alarming kasi makakasira na siya sa battery kung palaging ganun ang temperature ng ating phone.
Overall, sa almost 6 months na gamit ko itong Nothing Phone (1), para sa akin, sulit pa din siya ngayong 1st Quarter ng 2023. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, kapag dumating na ‘yung Android 13 update ng phone na ‘to, susubukan kong gumawa ng video ulit para magkaroon kayo ng idea.
Ilan sa mga cons lang na kailangan niyong i-consider ay:
- Dark Mode – sayang ang pagiging OLED nito kasi ‘yung Dark Mode niya ay hindi kulay itim kundi kulay gray kaya gumagana pa din ang lahat ng display at nakakakonsumo pa din iyon ng malaki sa battery.
- Walang 4K selfie video recording
- Medyo mataas na Thermals – aggresive kasi ang chipset niya kaya kapag magge-games kayo, hindi reliable ang Thermals niya. pero kung normal users lang naman kayo, okay na okay sa inyo ito lalo na kung ang habol ninyo ay parang Google Pixel phone.
Para sa mga gustong bumili nitong Nothing Phone (1), click niyo lang ang link na ito: https://digitalwalker.ph/collections/…