Kung naghahanap ka ng TV na mura pero maganda ang quality, pwede mong i-consider itong Coocaa TV. Actually, noong 6.6 at 10.10 Lazada Mega Campaign, sila ang nag-top 1 na TV brand. Ibig sabihin, marami ang bumili at patuloy na nagtitiwala sa Coocaa brand. Kaya ngayon, pag-usapan natin ang quality nitong Coocaa TV. Pag-usapan natin ngayon ang Coocaa 43S3U TV na affordable pero high quality na TV.
UNBOXING
Hindi mawawala sa loob ng box ang dalawang stand feet na may rubber sa ilalim para hindi gumalaw-galaw ang TV. Meron din itong kasamang screws, power cord at free bracket kung sakaling gusto niyong i-mount ito sa wall.
DESIGN
Overall, hindi mukhang cheap or low quality ang TV na ‘to kahit na mura lang siya. Silver ang lower bezel at mga stand pero the rest ay kulay black na nakadagdag sa pagiging modern ng hitsura niya. Meron din itong Coocaa logo sa gitna na may black background. Plastic ang back panel niya pero solid pa din naman ang quality.
Pagdating sa ports, meron itong isang USB port, antenna, 3.5mm audio jack, dalawang HDMI ports, audio-video out at LAN port. Nabilib ako sa LAN port na ‘to kasi bihira akong makakita ng LAN port sa mga Smart TV’s sa ngayon. Meron din itong screw mounts sa likod para pwede nating mai-mount sa mga wall natin.
Pagdating sa sounds, meron itong dalawang built-in na 10W speaker sa TV na ‘to.
SETUP
Una nating gagawin ay i-setup ang Coocaa TV. Kasama na diyan ang pag-activate sa Coocaa TV para magamit natin ang mga apps at TV shows. Free lang naman at hassle-free. Punta lang tayo sa browser ng phone natin, i-input ang e-mail address natin pati na din ang code na nasa Coocaa TV natin. After niyan, mapupunta na tayo sa home screen ng Coocaa 43S3U.
DISPLAY
Meron itong 43″ Full HD 1080p resolution at boundless screen 4.0 na kung saan manipis ang mga bezel sa gilid sa taas kaya mae-enjoy natin ang panonood ng mga movies at videos kasi nga walang makapal na black bars sa gilid. Overall, ‘yung mismong TV ay manipis talaga.
Isa pa sa mga gusto ko dito sa 43S3U ng Coocaa, pwede tayong mag-cast o mag-mirror ng Android phone papunta sa TV na bihira nating makita sa mga Smart TV. Usually, sa mga Android TV lang natin yan nakikita. Wala ding lag at issue akong nakita kapag naka-mirror na ang cellphone natin, nakapaglaro pa nga ako sa phone ko habang naka-mirror sa 43S3U.
Meron din itong game mode in case na magsaksak tayo ng gaming console kung saan mas magiging mabilis ang response time at mababawasan ang ghosting.
Meron din itong Trochilus Extreme, ang image processor ng Coocaa para mas maging accurate, mas vivid at mas sharp ang mga papanuorin nating videos at movies. Hindi lang yan! Meron pa itong Coocaa Eye Care Flicker-Free eye protection. Hindi na tayo magwo-worry sa mga mata natin o sa mata ng mga bata habang nanunuod sa TV na ‘to dahil nga flicker-free na ‘to kaya hindi sasakit kaagad ang ulo natin o magkakaroon ng eye fatigue. Kahit bilisan pa natin ang shutter speed ng ating camera sa phone, wala tayong makikitang zebra lines sa screen nitong Coocaa 43S3U. Kaya hindi lang tayo mag-eenjoy dito sa ganda ng display, meron pa tayong peace of mind.
PERFORMANCE
Dahil Smart TV itong Coocaa 43S3U, may sarili itong Operating System (OS) na tinatawag na Coolita TV. Meron na din itong pre-installed na apps tulad ng Amazon Prime para makapanood tayo ng mga movies, YouTube at marami pang iba. Smooth naman at bihira akong maka-experience ng lag sa pag-browse sa mismong OS niya dahil sa waterflow interface design. Meron na din itong built-in web browser kaya kung sakali na gusto nating magbasa ng web pages o magbukas ng website, pwedeng-pwede. Hindi din ako nadisappoint sa bilis ng pag-load ng mga pages na bihira lang sa mga Smart TV.
Para sa updated pricing nitong Coocaa TV, check niyo itong link: https://invol.co/clfnvye ; https://invl.io/clfnvyn