Ito ang update natin sa DESK SETUP, nagpadala kasi ang True Vision Philippines ng Dual Motor Electric standing desk. Nagpadala rin sila ng gaming monitor arm. Pinaka-highlight ay itong Mini PC ng CHUWI, ito ang CoreBox 5th. Almost 4 weeks ko na rin ginagamit itong Mini PC ng tuloy-tuloy. Ito rin ang ginagamit ko sa pag-edit ng ilang videos. Papakita ko sa inyo ang performance ng Mini PC na ito before niyo bilhin. Ipapakita ko rin sa inyo ang bagong Windows Tablet ng CHUWI.
Price
Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Napakasimple lang ng box nitong CoreBox 5th at para ka lang magbubukas ng box ng sapatos. May makikitang document sleeve na may documentation at warranty card. Sunod ay ang CoreBox, maliit lang talaga pero sa lahat ng mini-PC na nahawakan ko ay ito ang pinakamalaki. May advantage ang size nito kasi kita naman na napakadaming port nito sa likod. Meron tayo ditong apat na USB 3.0, dalawang display port, dalawang HDMI 2.0 ports, 2.5 gigabit internet port, at audio jack. Isang advantage din ay ang air flow. Talagang malalaki ang vents at maayos na makakalabas ang hangin.
Sa harap ay may dalawang USB 3.0 at isang USB-C port. Ang design naman sa top part ay hindi naman super loud. Mahinhin pa rin at stealthy. Meron din itong rubber feet para stable ito sa table natin. Ang power adapter ng PC na ito ay nasa separate box. May kasama rin itong Mounting Plate na pwede natin i-mount ang CoreBox sa likod ng monitor.
Specification:
Sa totoo lang, okay naman ang 16GB na RAM pero para sa need ko ay kulang talaga. Hindi mo talaga mama-maximize ang performance ng mini-PC na ito kasi isa lang ang nakasalpak na RAM. Ginawa ko ay bumili pa ako ng additional 16GB. Madali lang naman i-open itong CoreBox basta meron kang tamang size ng screwdriver. Yung ilalim ang kailangan natin i-open kapag RAM ang iu-upgrade natin. Kung SSD ang kailangan i-upgrade, yung top part naman ang bubuksan. Bad news lang, isang PCI slot lang ang meron dito. Kung magu-upgrade ka ay kailangan mong mag-reinstall ng Windows OS. Kaya ginamit ko muna ang kasamang 512GB.
Napakaliit lang ng footprint ng CoreBox sa desk natin. Kahit ito ang pinakamalaking mini-PC na nagamit ko ay maliit pa rin ito para sa isang system unit. So far, sa paggamit ko ng mini-PC na ito ay wala naman akong issue na masabi. Hindi struggle ang performance habang nage-edit ako. Kahit hindi ka magbukas ng aircon while editing, wala kang mafe-feel na init sa CoreBox. Nabilib talaga ako sa ventilation nito.
Performance
Laruin natin itong Dirt Rally. Sa Graphic Settings, naka-1080p resolution, max fps ay 144, at ang graphics ay naka-medium settings. Sa gameplay, umaabot ito ng 60fps to 70fps. Very playable, napaka-smooth, at walang hiccups. Sunod naman ang Forza Horizon. 1080p pa rin ang max resolution, 144 pa rin ang max fps, at naka-medium settings. Naka-30fps to 50fps ito dahil mas demanding talaga ang graphics nito. Pero for the most part ay very playable pa rin. Overall guys, na-satisfy ako at nabilib sa CoreBox 5th ng Chuwi. Highly recommended. Medyo may kamahalan ng kaunti pero malaki ang potential ng mini-PC na ito.
Unboxing
Next naman itong UBook X 12″ na Windows Tablet. Makikita sa harap ng box ang 2K Crystal Resolution. Pag-open ng box, ang unang makikita ay charging adapter na hindi pa rin naka USB-C. Meron din tayong mga documentation at sunod ang UBook X. Madami tayong port na makikita dito at meron ding built in na stand. Kung gusto natin ng magnetic keyboard at pen, pwede natin ito piliin kapag mago-order tayo sa Chuwi Website. Sobrang reflective nitong Windows Tablet. Nakakasira sa experience at hindi mo masyadong nagustuhan ang Display. Sharp naman ang text at okay naman ang overall quality. Pero sobrang reflective, sana naglagay sila ng magandang layer para hindi ganito ka reflective. Itong UBook X ay may Intel Core i5 10th Gen at Intel UHD Graphics. Pwede tayo mamili kung 8/256GB or 12/512GB, at nasa atin ngayon ang 12/512GB variant.
Performance
Pagdating sa performance nitong UBook X, huwag kayo masyadong mag-expect ng malaki. Sakto lang talaga ang performance at pag-open ng application. Hindi dahil naka Intel i5 ito ay i-expect niyo na pwede na kayo mag-edit ng video at maglaro. Hindi ganun kalakas itong tablet na ito. Isa rin sa hindi ko nagustuhan sa tablet na ito, napakabilis nitong uminit. Habang ginagamit ko ito at nagbo-browse lang sa isang website ay may mafe-feel ka talagang mainit sa bandang right side. Medyo mabigat din ang tablet na ito, 810 grams ang weight nito. Kung iko-compare natin sa 12.9″ na iPad Pro na 682 grams lang. Mas mabigat talaga itong UBook. Kapag matagal mong hawak ito ay makaka-feel ka talaga ng ngalay.
Price
Pwede mo i-check ang latest price nitong UBook X sa link sa baba.
Price
Nasa baba ang link para sa update price.
Unboxing
Separate ang box nito para sa tabletop, legs, at iba pang mga parts. Hindi naman sobrang hirap buuin nitong True Vision Dual Motor Electric Standing Desk. Basta meron kang tamang tools. Ang maganda dito sa Standing Desk ay may Collision Avoidance. If ever na binaba natin ang standing desk at naramdaman nito na may pumipigil na gamit sa ilalim, titigil talaga ito. Hindi nito itutuloy or ipwe-pwersa dahil baka masira ang dual motor na nasa standing desk. Tapos ang controller nitong TrueVision ay may lock at unlock feature para maiwasan ang unintentional na mga adjustment. Pwede rin tayo makapag-save dito ng 3 height presets. Ang maximum weight na kaya buhatin nitong standing desk ay hanggang 125kg. Hindi kayo magaala kung yung system unit niyo ay punong-puno ng component sa loob. Kakayanin ng desk na ito.
Unboxing
Sunod naman ang True Vision Gaming Monitor Arm. Napakaganda ng pagkaka-design dito ng True Vision at nagustuhan ko talaga ang design nito. Yung base plate nito ay hindi nakakasira ng itsura ng setup. Napakadali lang din i-assemble at i-setup. Secured na secured ang monitor natin dito. Pwede ito sa 17″ to 32″ na monitor.
Verdict
Iyan guys ang update natin sa ating Desk Setup. Sana makatulong ito para malaman ninyo kung ano ang bibilhin ninyo. baka itong True Vision Standing Desk or Gaming Monitor Arm na ang hinahanap niyo. At kung humahanap ka ng MiniPC para maging minimalist lang ang setup mo, highly recommended ko ang CoreBox 5th ng Chuwi.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Chuwi CoreBox 5th – https://hubs.li/Q02cWc1L0
Chuwi UBook X – https://hubs.li/Q02cWdTH0
TrueVision Standing Desk – https://invol.co/clkgig9
TrueVision Monitor Arm – https://invol.co/clkgigc
Kingston 16GB RAM – https://invol.co/clkgigd
Arzopa 144Hz Monitor – https://invol.co/clkflex
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: