Mini PC naman ang paguusapan natin sa ngayon. Ito ay galing sa Maxtang. Ipinadala nila sa akin itong MTN-FP750. Pagusapan natin ang ports, upgrade option, at performance overall.
Price
Ang configuration nito ay 16/1TB at ang presyo nito ay $532 as of writing this article. Kung idi-direct convert natin ito ay nasa around Php31,000.00. Kung kasama ang shipping fee ay sabihin nalang natin na Php32,000.00 kung ganitong configuration din ang pipiliin niyo. Pero aabot ng 64GB of DDR5 RAM ang pwedeng piliin sa website nila. Nasa baba ang link kung gusto mo i-check.
Kung ako ang tatanungin, nasa affordable side ito ng mga mini-PC. Kasi kung titingnan ang presyo ng Beelink na same ang specs dito sa FP750 ng Maxtang, almost Php50,000 na iyun. Pero itong Maxtang ay nasa Php32,000 lang kaya para sa akin ay affordable ito.
Unboxing
Kung mapansin niyo sa box ng mini-PC na ito ay may hawig ito sa AMD CPU. At ang CPU na nandito sa mini-PC na ito ay AMD.
Nasa gilid ng box ang configuration ng mini-PC. Meron din akong natangap na mouse pad kaya baka iyan din ang freebie na matangap niyo kapag umorder kayo. Sa loob ng box ay may power adapter na 90W at power cable na hindi pa rin USB-C. Meron din itong HDMI cable, turnilyo, at VESA mount na pwede natin i-mount sa likod ng monitor. Kung gusto natin lagyan ng SATA SSD ay pwede rin, ilalagay lang natin ang adapter sa loob.
Design
Ito na ang MPN FP-750 mini-PC. Napaka-glossy ng ibabaw at ilalim ng mini-PC na ito. Hindi ko sure bakit iyan ginawa ng Maxtang, hindi ito wise dahil siguradong mapupuno ito ng fingerprint, scratches, at halatang-halata ang alikabok. Meron itong mga ports sa harap at likod. Sa harap ay may audio jack, dalawang USB-A 3.2, USB-C na 3.2 na pwede sa data at display, may dalawang LED indicators din, at power button.
Sa likod naman ay may power port, isang USB-A 3.2, isang USB-A na 2.0, dalawang HDMI na 2.0, at ang ethernet port or LAN port. Maganda ang ventilation ng mini-PC, meron itong butas sa tatlong gilid at sa ilalim. Talagang makakahinga ng maluwag itong mini-PC habang ginagamit natin.
Ang isa lang sa hindi ko nagustuhan at pinagtataka ko lang talaga, sa loob ng box ay walang kahit anong documentation na makikita. Medyo weird dahil first time ko makapag-unbox ng mini-PC na walang documentation.
Napakadali lang naman i-open nitong FP-750. Meron lang apat na screws na kailangan tangalin. At pag-open natin ay makikita na ang mga pwede natin i-upgrade dito. Meron pang isang slot para sa DDR5. Kapag bumili tayo ay isang slot lang ang io-occupy nila para mas madali tayo makapag-upgrade, at okay na okay iyan. Pero single channel lang ang magagamit natin out of the box. Highly recommended na magdagdag pa kayo ng RAM para sa full performance ng mini-PC. Ang isa pa na pwede natin i-upgrade dito ay ang NVME SSD, pero ang upgrade na gagawin natin ay hindi mag-add kundi mag-replace lang.
Tingnan natin ang performance ng mini-PC na ito based sa Geekbench score kapag single lang ang channel or isa lang ang RAM. Sa Single-Core Score, 2027 ang nakuha. Sa Multi-Core Score, 7771 ang score na nakuha. Not bad at napakaganda ng performance. Pagdating naman sa GPU score, naka-21925 tayo. Out of the box ay magagamit na agad natin ito sa gaming at papasa na rin sa video editing.
Quick Specs
Specification:
Palagi kong ginagawa sa mga mini-PC na nire-review ko ay nire-reset ko talaga ito. Para masigurado ko na Genuine ang naka-install dito na Windows, at Genuine naman.
Upgrade natin itong mini-PC, maglagay tayo ng isa pang 16GB na DDR5 at tingnan natin ang magiging score nito sa Geekbench. Ang laki ng ini-improve sa performance. Sa CPU Single-Core Score, naging 2063 ang score. Pagdating naman sa Multi-Core Score, naging 9342 naman. At sa GPU, sobrang laki ng na-jump at naging 26854.
Highly recommended na magdagdag pa tayo ng RAM dito kasi talagang magju-jump ang performance at mas magiging ang experience natin dito sa mini-PC na ito.
Gaming
Dito sa Forza Horizon 4, ang graphic settings ay naka-1080p, 144 ang fps, at naka-medium settings ito overall. Makikita sa performance na umaabot ito ng 80 to 100 fps sa buong gameplay. Napaka-smooth at napakaganda ng gameplay. Sunod naman ang Dirt 5, naka-medium settings pa rin, 1080p, at umaabot ng 40 to 45 fps. Sa Ark Survival, naka-epic ang graphics, 1080p pa rin ang resolution, at umaabot ng 30-35fps.
Pagdating naman sa thermals, hindi ako makapagbigay ng eksaktong number. Pero habang tine-test ko ito sa gaming ay wala akong na-feel na alarming heat kaya okay naman ito. Dahil nakapaglaro tayo dito ng AAA games ay masasabi natin na pwedeng-pwede ito sa video editing.
Verdict
Sulit ba itong Maxtang MTN-FP750? Abangan niyo guys ang iba pang mini-PC na ire-review natin.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Web: https://store.maxtangpc.com/product/m…
Portable Monitor: https://invol.co/cll58wg
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: