Pag-uusapan natin ngayon ang Apple Airpods Pro 2nd Generation. Ilang months na din nang i-release ng Apple ito at 2 months na ding nasa akin itong eaphones na ito. Almost everyday kong ginagamit ito at lahat ng features niya ay nasubukan ko na. May mga features itong AirPods Pro na hindi natin makikita sa mga TWS ngayon. Mabibili natin ito sa Beyond the Box sa halagang PHP14,990. Kung gusto niyo itong bilhin, click mo lang itong link: https://invol.co/clfn31v
Quick preview lang din tayo sa differences ng AirPods Pro 1st Generation at 2nd Generation:
1ST GENERATION | 2ND GENERATION |
ANC & Transparency | ANC & Adaptive Transparency |
H1 Chip | H2 Chip |
Lightning Port & Wireless | Lightning Port, MagSafe, Speaker & Lanyard Loop |
4.5hours Listening Time | 6hours Listening Time |
Makikita natin na malaki ang improvement ang ginawa ng Apple sa 2nd generation. Pero sulit kaya ang inipon na dagdag sa presyo para sa mga features na nasa taas? Tapusin mo itong article para malaman mo.
UNBOXING
Nasa protective plastic ang Apple Airpods nung dumating sa akin galing Beyond the Box. Pag-open ng box, makikita agad ang document sleeve at ang Apple Airpods. Almost same na same ang design ng 1st Generation at 2nd Generation. Parang sa unang tingin nga ay di mo makita ang difference, talagang magkamukhang-magkamukha sila! Sa loob ng box, meron din itong kasamang lightning cable plus mga extra eartips.
SMALL THINGS NA NA-AAPRECIATE KO SA AIRPODS PRO 2ND GENERATION
Pag-usapan naman natin ngayon ‘yung mga small things na nagustuhan ko dito sa Airpods Pro 2nd Generation na sa tingin ko ay magugustuhan niyo din.
- Built-in speakers – hindi natin dito maririnig ‘yung music kundi maririnig natin dito ang mga notifications tulad ng kapag icha-charge natin. Malaking tulong itong subtle beep na maririnig natin lalo na kapag MagSafe Charger ang gagamitin natin. Before kasi kapag chinarge natin ang Apple AirPods Pro, wala tayong maririnig na kahit anong beep na nagko-confirm na nag-start na siyang mag-charge. Ang makikita lang natin ay ang ilaw sa LED indicator. So ngayon, dalawa na: LED indicator at sound sa built-in speaker. Hindi lang iyan! Nakapa-useful nitong built-in speaker kapag nawala o na-misplace natin kasi kapag ginamit natin ang Find My app sa iPhone, talagang mag-a-alarm siya hanggang sa makita mo. Merong inilagay na chip ang Apple dito para mas maging accurate ang pag-locate natin kung sakaling nawala o naiwan natin sa ibang lugar. At tutunog din ito, kapag lowbat na ang charging case.
- Built-in Lanyard Loop – before, kung gusto mong maglagay ng lanyard sa AirPods pro, kailangan mo pang bumili ng 3rd party case. Pero ngayon, meron ng built-in sa may mismong charging case.
- Audio Quality – usually, kapag AirPods ang pinag-uusapan, napakaganda talaga ng quality at napakalinis ng Apple AirPods. Pero, dahil 2nd Generation na ito at iba na ang chip na nilagay ng Apple, meron tayong improvement na mapapansin. Mas malaki na ang kanyang sound stage, gumanda din ang audio ng microphone at meron pa siyang Dynamic Head Tracking for Spatial Audio. Parang kahit saan ka lumingon, parang sumusunod pa din sayo ‘yung audio
BIG THINGS NA NA-AAPRECIATE KO SA AIRPODS PRO 2ND GENERATION
- Adaptive Transparency Mode – before, ang Adaptive Transparency ay available lang sa AirPods Max na worth PHP32,992. Pero ngayon, andito na siya sa AirPods Pro 2nd Generation na worth PHP15,000 lang. Ano ba itong Adaptive Transparency Mode? Kapag in-on natin ang Transparency Mode, maririnig natin ang mga noise sa paligid natin pero hindi nababawasan ang quality ng music or audio na pinapakinggan natin. In short, hindi na natin kailangang tanggalin pa ang AirPods Pro para lang marinig natin ‘yung nagsasalita kasi talagang magiging aware pa din tayo sa nangyayari sa paligid kahit na nakikinig tayo ng music. Ano bang meron dito sa Adaptive Transparency Mode ng AirPods Pro 2nd generation? Nag-a-adjust siya automatically depende sa sound sa paligid mo. For example, napadaan ka sa isang constrution site tapos biglang may nag-jack hammer, ika-cut niya ‘yung level ng noise na yun na hindi na safe para sa tenga natin. Ibig sabihin, makakatulong ito para hindi tayo mabingi. Isa pa, kapag mahina ang boses ng kausap natin o hindi natin marinig dahil sa ingay ng paligid, kusang mag-a-adjust ng itong AirPods Pro kapag in-on natin ang Conversation Boost. Meron din naman ito sa 1st generation pero ibang chip na ang ginamit sa 2nd Generation kaya way better talaga ang sound quality ng Adaptive Transparency dito.
- Battery Life – promise ng Apple na makakakuha tayo dito ng atleast 6 hours of listening time compared sa 4.5 hours na listening time sa 1st Generation. Totoo kaya? Yes! Almost 2 months ko ng gamit ito at almost everyday ko siya ginagamit. Naka-on din ang Adaptive Transparency Mode pati na din ang Conversation Boost. May time pa nga na whole day ko siyang ginagamit. Pero legit, umabot siya sa akin ng 6 hours. Kaya maaasahan ‘tong AirPods Pro hindi as TWS kundi as hearing companion din lalo na sa mga taong nahihirapang makarinig. Napansin ko din dito at na-appreciate ko is hindi nagbabago ang audio quality kahit na malapit na siyang ma-lowbat.
- Performance – kapag tinanggal natin siya sa charger at nilagay sa tenga natin, agad agad siyang mag-a-activate at mag-o-open ang Adaptive Transparency Mode kaya magagamit natin siya agad. Plus, kapag nanonood tayo ng movies at videos, wala talagang notieable na latency. Sobrang gandang gamitin sa pakikinig ka sa music lalo na sa mga movies at videos.
MGA BAGAY NA HINDI KO NAGUSTUHAN SA AIRPODS PRO 2ND GENERATION
- Sobrang Glossy – napaka-prone niya sa gasgas. Ilang araw pa lang ito nasa akin, ang dami ko ng nakikitang microscratches sa charging case kasi sobrang glossy at color white pa siya. Kapag natamaan ng ilaw, kitang kita na talaga ang mga scratches kaya nakaka-annoy lalo na sa mga taong gusto talagang ingatan ang mga Apple products nila. I suggest, kung nagpa-plano kayong bumili ng Apple AirPods, bumili na kayo agad ng case at huwag niyo ng patagalin na walang case kasi sobrang gasgasin.
- Port – naka-lightning pa din tayo dito, hindi pa din naka-USB-C. Hoping tayo na sa next generation, sana naka-USB-C na rin tayo.
- Price – kung makikinig ka lang ng music, sobrang overkill itong AirPods Pro 2nd Generation. Isipin mo PHP15,000 pero makikinig ka lang naman ng music o gagamitin mo lang sa mga video conferencing? Sayang lang ang pera mo. Bumili ka na lang ng mas mura o kaya mas mababang version ng AirPods o kaya mga TWS na wort PHP2000 or PHP3000 lang. Pero kung kailangan mo talaga ‘yung mga features ng Apple AirPods Pro, sulit na sulit ang PHP15,000! Wala akong reklamo at talagang hindi ka magsisi dito.
Isa pa sa mga good news ay pwede nating i-connect itong AirPods Pro sa mga Android Phones natin. Kahit sa Huawei phone ko na naka-EMUI, na-connect ko pa din siya. Ang kaibahan naman kapag Nothing Phone 1 ang gamit natin, meron siyang additional feature na makikita natin ang battery status ng charging case at ‘yung dalawang AirPods Pro na andito sa loob. ‘Yang additional feature na ‘yan ay hindi natin makikita sa ibang mga Android Phones sa ngayon.
Kung gusto niyo itong bilhin, click mo lang itong link: https://invol.co/clfn31v