Maraming salamat sa mga nanood ng video ko tungkol sa pag-share ko ng lagay ng tainga at sa ginagamit kong hearing aid. Update ko lang kayo na dalawa na yung hearing aid ko. Yung OTC na ginagamit ko noon ang Linner, ay nagpadala sa atin ngayon ng apat na OTC hearing aid nila. Nasa atin ngayon yung Venus, Mars, Mercury, at Saturn.
Idi-discuss ko itong apat pero ang pinakana-test ko talaga at nagamit ko ay ang Mercury. Ang reason ay gaya ng makikita niyo sa box na parang legit na hearing aid talaga ito. Ito ang ginamit kong backup mula ng dumating itong apat. Pero na-test ko ang bawat isa at isha-share ko sa inyo ang bawat experience ko sa inyo. Sa website makikita natin yung ibat-ibang OTC hearing aid ng Linner.
Mars
Yung Nova ang pinakita ko sa inyo nung previous video. Meron din ditong Mars, ito yung pinakamahal nilang hearing aid na Php20,300. Naka-sale ito as of making this video. Pero ang regular price ay Php23,900 so almost 24K. Ang reason dahil sa price ay dahil ito ay may pinakamagandang noise cancellation.
Kapag ini-open natin ang box ay may makikita tayong instruction kung paano magiging sanay yung tainga natin dito sa hearing aid na ito. Ang charging case ay may USB-C port para sa charging. Pag-open natin ng case, ang itsura nito ay parang normal na earphone or TWS. Ang maganda dito ay may hook kaya halimbawa na on the go tayo, nagta-travel, at mag workout ay hindi malalaglag sa tainga natin ito. Ang isa pang reason kung bakit mahal ito ay based sa test ko ay ang ganda ng noise cancellation plus malakas talaga. Talagang pagkasuot ko ay lumaki ang mata ko kasi naririnig ko lahat at detailed talaga. Hindi pa rin ito kasing level ng legit na hearing aid kagaya ng ginagamit ko na Phonak Audeo pero close enough. Kagaya lang din ng last Linner ko pero mas maganda ito.
FDA registered, Audiologist recommended, may 4 sounds modes, at pwede natin gamitin ang Linner app dito. Mayroon kasing OTC dito na hindi magagamitin ng Linner app or walang Bluetooth pero itong Linner Mars ay meron kaya malaking tulong iyan. Touch panel rin ang control nito at up to 8 hours ang battery life in one charge. Pwede tayo mamili kung Cosmic Blue or Stellar White na color at para sa akin ay mas maganda ang Stellar White.
May AudioPrecision ito na 18-channel, HarmonyHear para sa pag-enhance ng sound, at IPX5 water and sweat proof. Magandang bagay ito para magtagal yung ating hearing aid. Meron din itong 9 hours of battery life na medyo confusing pero siguro 8 to 9 hours yung battery life nito in one charge. Pwede rin natin ito ma-charge 4x sa charging case nito.
Kapag naman isinuot natin ang Mars ay medyo halata ito sa tainga. Ang lakas talaga pero pwede naman natin i-customize ang sound gamit ang Linner App. Para lang din tayong nakikinig sa music at kapag nagwo-workout tayo ay hindi ito malalaglag.
Venus
Ang Linner Venus naman ay Php10,200. Pag-open natin ng box ay ganun pa rin ang makikita natin na may manual pagbukas. Sa lahat ng ipinadala nila ito ang may pinakamaliit na charging case. USB-C port pa rin ito at sobrang cute dahil sa liit. Ito rin ang may pinakamaliit na footprint sa tainga natin.
Sa Venus naman ay napakaliit lang at kapag inilagay natin sa tainga natin ay hindi naman halata. May touch sensor din ito para sa volume at may 5 level ang volume. Tutunog din naman ito kapag sagad na at sa experience ko ay malakas naman. Kahit papaano ay may naka-cancel na noise at medyo naba-balance nito kaunti.
Sa website, wala itong Bluetooth kaya hindi natin ito maku-customize sa Linner App. Touch ito at may tatlong mode na Dialogue, Commute, at Restaurant. Pwede natin mapalitan ang ear tips. Ang battery nito ay magla-last ng 24 hours sa isang charge, grabe ito at kahit buong araw natin ito suotin ay okay lang. May noise reduction na rin ito.
Mercury
As of writing this article, ang price nitong Mercury ay Php15,200 pero ang regular price ay Php17,900. Ito ang pinakana-test ko at ginamit ko talaga as my backup hearing aid. Dahil una sa lahat ay mukha talaga itong hearing aid. May physical button din ito para sa on and off at may toggle din para sa modes and volume. Napaka-handy nito compared sa iba pang hearing aids ng Linner. Meron din itong noise cancellation at 20 hours ang itatagal sa isang charge. Meron din itong sweat and water protection para hindi masira agad. Ang color naman na meron ito ay Gold at Blue pero I suggest na go for the Gold dahil ang ganda ng kulay.
Up to 50dB ang gain ng sound at talagang malakas-lakas ito. Pero ang pinakanagustuhan ko dito ay ang noise cancellation dahil ang ganda ng tunog nito. Hindi ito kasing ganda ng Mars dahil mas maganda pa rin ang Mars overall pero hindi na ganun kalayo ang sound quality.
Ang isang downside kung bakit itong Mercury ay mas mura pa rin kaysa sa Mars ay dahil wala itong Bluetooth. Hindi natin ito magagamitan ng Companion App. pag-open ng box ay makikita natin agad ang Mercury at ang ganda ng Beige Gold na color. Mukha talaga itong legit na hearing aid at isa pa sa nagustuhan ko dito ay 24 hours nga ang pwedeng itagal nito sa isang charge.
Toggle lang natin yung button para ma-on ang Mercury. Kapag sinuot natin ito ay naka-hide at halos hindi halata. Ang ganda ng tunog pero hindi pa rin 100% na kagaya ng Phonak pero pwede na. Pwede natin ma-adjust ang volume sa physical buttons nito at nakaka-satisfy. Ito ang favorite ko sa mga hearing aid ng Linner so far.
Saturn
Last na hearing aid natin ay itong Saturn. Ito ang pinakamura nilang OTC hearing aid na Php6,000 lang.
Ang battery life nito sa isang charge ay 20 hours. Maliit lang din ang box at kagaya sa mga na-unbox natin kanina. May accesories din ito at lahat ng Linner na nabuksan natin ay may accessories at cleaning kit sa loob ng box. Beige ang ipinadala nila sa akin at mas malaki lang ito ng kaunti compared sa Venus. Ang cute din ng itsura nito.
Conclusion
Anong mare-recommed ko sa mga OTC hearing aid na ito ng Linner? Syempre, itong Mercury. Napakaganda nito at mukha talaga itong legit na hearing aid. Punta lang kayo sa website ng Linner at madami pa kayong makikita at mababasa na details sa mga hearing aids nila.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Linner: https://www.linnerlife.com/
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: