Kung nabo-bore ka na sa smart TV niyo na walang live TV channels or hindi makasagap ng local TV channels, ito na ang sagot sa problema natin. Ito ang pinakabagong Vision Box ng Converge.
Unboxing
Napakasimple lang ng laman ng Converge Vision Box. Pagkabukas natin makikita natin ang Vision Box, meron din HDMI cable at remote control. FYI lang, Converge lang ang nago-offer ng ganitong device ngayon na complete package na talaga. Hindi lang Android TV Box ito, internet TV na din, video on demand, at may Google Assistant pa for only Php99. Nasa baba ang link kung gusto mo ito i-check.
Design
Ang remote control ay may number dials para mas madali ang makapag-input ng channels. May button din for settings at Google Assistant. Makikita niyo rin ang Vision Box na may dalawang USB-A port sa gilid, para makapgsaksak tayo ng USB thumb drive natin kung sakaling gusto natin mag-play ng local videos. Pwede rin tayo magsalpak ng micro-SD card para madali natin mapanood ang local files at lalo na ang galing sa phone. Sa likod ay may dedicated on and off button, headphone jack, HDMI port, at LAN port.
Pagdating sa design, maganda ang pagkaka-design dito ng Converge dahil hindi malaki at hindi kukuha ng malaking space sa TV rack natin. Hindi rin ito mahirap i-setup kaya hindi nakaka-intimidate lalo na sa mga hindi masyadong techy.
Setup
Pagkatapos ma-setup ang Vision Box ay make sure niyo lang na connected ito sa Converge router via LAN or pwede ring Wi-Fi. Maganda at simple lang ang UI nito. Makikita agad ang movies na pwede natin i-stream dito. Sa All Channels, maa-access natin ang mga local channels like GMA, PTV, or TV5. Kahit ano pang channel ang mapili natin ay malinaw ito at high definiton. Makikita rin sa babang preview ang naka-sched na upcoming show sa selected channel sa araw na iyun. Good news din dahil kahit international channels ay meron dito.
Vision Box is a overpowered cable subscription integrated into an Android TV Box. Madali na rin tayo makakahanap ng channels na gusto natin dahil naka-categorized na at may search feature pa. Yung regular TV natin ay magiging Smart TV na dahil sa Vision Box, pwede rin natin ma-control using voice command via Google Assistant.
Pagdating naman sa video on demand or VOD, pwede tayo mag-purchase ng latest movies or TV series na gusto natin. Dahil Android ang operating system nitong Vision Box pwedeng-pwede tayo mag-install ng iba pang apps na gusto natin gaya ng Disney+, Amazon Prime, at iba pang games. Parang magiging basic na gaming console itong Vision Box.
Conclusion
Kung sakali na magutuhan niyo itong Converge Vision Box ay punta lang kayo sa website ng Converge at i-search ang Vision. Kung ready ka na mag-subscribe ay punta lang sa Vision.Convergeict.com. Ito ay available lang muna sa Metro Manila pero soon ay magiging available din sa ibang panig ng Pilipinas.