Tabi muna natin ang mga phone at tablet, laptop naman ang paguusapan natin ngayon. Ang paguusapan natin ngayon ay hindi basta-basta laptop lang kasi pwede natin ito ma-transform into tablet o tent mode. Touch screen ito at madaming possibilities itong laptop pero gusto natin pagusapan kung sulit ba ito for Php21,000+. Nasa baba ang link kung gusto mo makita ang update pricing.
Sa presyong Php21,00+ ay meron ka ng 12GB RAM at 512GB NVMe SSD. Not bad para sa price pero hindi lang iyan ang feature na pwede mong asahan sa CHUWI FreeBook 2 in 1 Laptop. Kapag in-unbox natin ito, maliban sa documentation and manual ay meron itong charger na 36W na ang dulo at USB-C na. Kung magta-travel tayo at dala natin ang FreeBook ay pwedeng-pwede natin ito i-charge sa power bank na dala natin.
Design
Ang overall design nitong CHUWI FreeBook ay malaki ang pagkakahawig sa Huawei Laptops. Gray ang kulay nito at matte ang finish. Meron itong CHUWI logo sa cover. Medyo kakaiba rin ang hinge nito at naka-expose talaga. May reason naman iyan dahil nata-transform itong Laptop. Sa right side ay merong dalawang USB-C ports. Yung isa diyan ay pwede natin gamitin for charging, display, and data transfer. Yung isa naman ay pwede gamitin for data transfer and charging. Meron din tayong makikitang physical power button at may katabi itong LED Indicator.
Sa left side naman makikita natin yung isa pang USB-C port pero USB-2.0 nalang ito kaya pang data transfer lang at katabi nito ang headphone jack. Sa mga gilid ay may makikita tayong ventilation para sa thermals. Sa pinakailalim naman ng Laptop makikita yung isa pang ventilation para mas maganda yung air flow. Pagbukas ng Laptop ay makikita natin na ang lapad talaga ng track pad nito. Napakanipis lang ng pagitan ng trackpad at ng keyboard. Speaking of keyboard, makikita natin na ang mga keycaps na makapal-kapal at maganda yung key travel kaya magiging maayos yung typing experience natin. Itong Keyboard ay walang numpad pero meron naman itong 3 Level na backlight. If ever na interisado kayo kung saan yung placement ng speakers ay nasa bandang ilalim ito.
Display
Ang size nito ay 13.5″, 2K ang resolution, Touch Screen na ito, at naka-3×2 Aspec Ratio. Makikita niyo na meron itong black bars sa taas at baba.
Pagdating sa media consumption at if ever na gusto natin gumawa dito ng basic editing, ang color coverage nito ay 100% na sRGB. For the most part, accurate naman ang kulay na makikita natin dito. Itong CHUWI FreeBook ay touch screen kaya pwede tayong bumili ng stylus or pen kung sakaling gusto natin gumawa ng digital art. Meron silang binibenta sa flagship store na Smart Stylus, ito ang HiPen H8. Nasa Php1,500 ang presyo nito. Subukan natin ito ngayon at tingnan natin kung responsive ba or may palm rejection ba. If ever na maganda talaga yung responsiveness ng display gamit ang stylus, good news iyun para sa mga gagawa ng digital art at magba-basic editing ng mga pictures.
Gamit ko ngayon ang MS Paint at sa test ko, medyo malaki-laki ang latency dahil hinahabol ng sinulat natin yung pen. May makikita tayong blanko sa pagitan ng sinulat natin at ng pen. Malaki pa ang latency nito pero hindi na masama. Yun nga lang ay kung magda-drawing ka dito, medyo mahihirapan ka kasi wala itong palm rejection. Hindi ito ganun kaganda pagdating sa digital art pero pwede naman kayo gumamit ng gloves na pang-drawing. Pagdating sa presyo na less than Php22,000 ay meron ka ng malaking RAM, malaking storage, tapos touch screen, parang pasok na rin at okay na rin. Overall, pagdating sa touch screen ay pwede na.
Performance
Meron itong Intel N100 na CPU, 4 Cores 4 Threads, based frequency na 800MHz, Turbo Frequency na 4.4GHz, yung 12GB RAM na DDR5, NVMe SSD na 512GB, at naka-Windows 11 Genuine OS.
Binuksan ko ang FreeBook at hindi naman ito mahirap buksan dahil meron lang tayong 11 na screws na tatangalin. Medyo madami-dami pero at least secured at hindi ganun kadali bumuka. Kapag natanggal na natin lahat ng screws ay napakadali na i-open ng plate. Pagka-open, ang tanging upgradable lang ay ang storage. Pwede lang ito palitan at yung lang ang upgrade. Wala itong extra slot para sa additional na NVMe SSD kaya tatangalin mo ang luma at papalitan mo ng mas malaki. Buti nalang talaga ay malaki-laki ang RAM na 12GB na DDR5.
Sa Geekbench Score, nakakuha tayo ng 1046 na Single Core Score at 1885 na Multi-Core Score. Not bad, very basic pero pwede na para sa ganitong presyo ng Laptop. If ever man na gusto natin mag-games sa CHUWI FreeBook 2 in 1 Laptop, pwede naman pero huwag niyo i-expect na magiging maganda yung graphics dahil Intel N100 lang. Sa Forza Horizon, talagang basic na basic yung graphics natin. Napakatakbo nito ng maayos ang game, smooth naman, at sa buong gameplay ay wala naman akong na-experience na hiccups. Okay naman ang performance at gameplay kapag naka-set sa pinakamababa yung graphics settings. Kung ita-try natin mag-games sa Laptop na ito ay pwede naman pero huwag natin i-expect na sobrang magiging maganda yung graphics.
Pag-usapan naman natin yung mga mode na pwede natin gawin sa Laptop. Meron itong Laptop Mode, normal na paggamit natin sa Laptop. Meron din itong Tablet Mode, itiklop lang natin ang FreeBook at magiging Tablet na ito. May napansin akong maganda sa Windows OS. Sa mga nakaraang buwan na nag-review ako ng Windows Tablet ay walang Windows Tablet Mode ang Windows 11 pero ngayon ay meron na. Mapapansin niyo na kapag nag-tablet mode tayo sa FreeBook, Yung Taskbar sa baba ay numinipis ang itsura. Magkakaroon din ito ng gesture na kapag ini-swipe natin pataas ay mago-open yung start menu at pwede tayong mag-minimize ng program. Tapos, kapag pumasok tayo sa Tablet Mode ay lumaki ng kaunti yung mga icons. Malaking improvement at mas magiging madali yung paggamit natin sa Windows 11 kapag naka-Tablet Mode.
May times lang na napansin ko, tyempuhan naman at hindi naman madalas. Na kapag nag-Tablet Mode ako bigla sa CHUWI Book ay hindi na magiging responsive ang display at kailangan ng i-restart.
Sunod naman ang Tent Mode, kung gusto mo mag-present sa kausap mo o gusto mo manuod ng movie. At for some reason, pwede rin naman maging flat na flat itong Laptop. Napakadaming possibilities na pwedeng gawin CHUWI FreeBook 2 in 1 Laptop.
Verdict
Overall, okay sa akin itong CHUWI FreeBook para sa presyo na less than Php22,000. Plus Php1,500 kung bibilhin natin yung Stylus. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung pinakamurang Yoga Book na mabibili natin sa ngayon na naka-512GB NVMe SSD, 12GB na DDR5 RAM, Touch Screen, at talagang natitiklop natin. Wala akong nakitang ganitong-ganito ang feature for less than Php22,000.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
CHUWI – https://hubs.li/Q02DGqtd0
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: