Natalo nito lahat ng TV na na-review natin before. Ito ang TCL C755 QD-Mini LED 4K TV. Pagusapan natin ang mga top features nito at kung gaano ba talaga kaganda ‘yung quality ng TV na ito. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Sobrang laki ng box ng TV, lalo na siguro ‘yung pinakasagad na size nitong C755 na 98″. Meron din mas maliit na size na 65” at 55”. Kapag tatangalin na sa box, siguraduhin lang na may kasama ka. Tatlo na kami pero nahirapan pa rin kami kasi 59 kilos, to be exact, ang bigat ng TV. Ingat na ingat din kami kasi baka ma-damage namin ang screen.
Sa remote naman ng C755 ay meron nang dedicated button for Netflix, YouTube, Amazon Prime. Ang stand naman ng TV na ito ay kakaiba, ergonomic naman at parang stand lang ng monitor ng pc natin. Merong cable management tayong makikita sa likod. May TCL logo sa babang gitna, at ONKYO branding sa right side sa baba. Sobrang nipis ng bezel nitong C755, napaka-modern at futuristic ng itsura.
Display
Pagusapan muna natin ‘yung QD-mini-LED display. Kapag quantum dot display, mas accurate ‘yung color reproduction na tamang tama para sa isang TV. Plus mas mataas din ‘yung peak brightness, itong C755 ay aabot ng 1,600 nits na malaking tulong sa HDR experience natin. Mas energy efficient ang QD, mas mahaba ang life span, at mas less ang prone sa burn-in na madalas sa AMOLED o OLED displays. Kapag sinabi namang mini-LED ay may precise control tayo sa pag-dim at pag-brighten ng screen. Mas enhanced ‘yung image quality dito, dahil nababawasan ‘yung pag-spill ng liwanag sa ibat-ibang parts ng details. Itong C755 ay may 500+ local dimming zones. Supported nito ang mga IMAX enhanced movies na kakaunti palang ang meron. May support din ito sa HDR 10+ at Dolby Vision contents.
Pagusapan naman natin itong AiPQ Processor 3.0 na meron dito sa C755. Itong AiPQ Processor 3.0 ay madaming feature. Kagaya nalang ng AI-CONTRAST, para ma-optimize nito dynamically ‘yung contrast ratio, brightness, at darkness level para perfectly balanced ‘yung light and shadows. Meron din Ai-COLOR, Ai-MEMC, Ai-CLARITY, at Ai-HDR. Dahil sa pinagsama-samang technology na iyan, isang word lang ang masasabi ko para ma-describe ‘yung experience ko sa TV na ito, “malupet”. Pinaka-sharp, pinaka-bright, pinaka-color accurate, at pinaka-immersive na TV na nagamit ko so far. Talagang pop na pop ‘yung kulay kahit saang angulo ka pa pumuwesto.
Usually, kapag bumibili tayo ng TV, ‘yung built-in speaker ay hindi talaga maganda. Pero iba itong C755, kasi para ka nang may dedicated na speaker kaya ganun ka ganda ‘yung quality. Meron itong ONKYO + Dolby Atmos + PS Virtual X. Malakas na ‘yung volume at bass, clear ang quality, realistic ang experience, at immersive ang sound quality.
Gaming
Napakasarap mag-games dito kung meron kang switch, pc or ps5 kasi meron itong 144Hz na variable refresh rate. Meron din itong AMD FreeSync Premium Pro at Game Master 2.0. Naka Android 12 TV OS na rin ito. Meron itong play store at pwede tayo mag-download ng ibat-ibang application. Meron din itong airplay at Chromecast.
Verdict
Napakadami pang feature nang TCL C755, na sa tingin ko kayo nalang mismo ‘yung dapat maka discover. Maraming salamat sa TCL Philippines, sa pagpo-provide ng TV na ito para ma-experience ko at mai-share sa inyo. Kung tatanungin niyo ako kung mare-recommend ko ba ito ay obvious naman, yes na yes dahil napakaganda ng TV na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkq4po
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: